"Marie! Nakita ko na si carl sa personal! Omg! ang gwapo niya!" rinig kong tili ng kaklase ko. Sino nga ba 'to? Ugh, makakalimutin talaga ako pagdating sa pangalan.
"Talaga? Kami din ni mark!" Natutuwang sagot ng kaibigan.
Nilagpasan ko sila at pumuntang cafeteria. Ilang araw na ang nakakalipas simula noong gumamit ako ng near group. Walang tumatagal na kausapin ako. Marahil ay nababara ko ang mga mahaharot na pick-up lines nila at kung minsan ay may mga bogmali pa. Napapaisip ako kung tama bang sumali ako sa kumunidad na iyon.
Pagdating ng cafeteria ay umorder na lamang ako ng makakain. Nababagot na naman ako ngayon. Bakit ba kasi maaga ang meeting. Alas Diyes palang ng umaga ngayon at mamaya pang Ala-una ang klase ko. Sayang din ang pamasahe kung uuwi pa ako.
Pumasok sa cafeteria ang mga basketball player sa pangunguna ng kanilang leader. May mga napapatingin at mangilan ngilang nagbubulongan dahil narin siguro sa may mga itsura ito. Napatingin sa gawi ko ang leader nilang hindi ko naman matandaan ang pangalan. Ako na ang umiwas at tumayo upang umalis. Hindi ito wattpad para makipag tarayan ako o kung ano pa sa kanila.
Napunta ako sa garden ng paaralan namin. Ito ang pinakapaborito kong lugar sa paaralan na ito. Umupo ako sa isa sa mga bench at nilabas ang aking phone. Magttry ulet ako sa letcheng near group na ito.
Yay! Chat connected!
Mike
17 - male
🚗 0 km away
🏠 Bulacan
🔎 friends"Mukhang matino ang isang 'to"