Its been 12 years. Naalala ko pa iyong panahon na lagi mo akong sinostalk. Akala mo ba hindi ko alam iyon? Lagi mo akong hinihintay sa labas ng gate para lang makasabay ako sa pagpasok. Hindi ko lang pinapahalata pero alam ko. Alam ko na palihim mo akong iniibig. Lagi kitang nahuhuling nakatingin sa akin kaya naiinis ako dahil hindi ako makagalaw ng maayos. Hindi ko alam kung anong nakita mo sa akin eh isa lang nman akong masamang impluwensya sa buhay mo. Nang dahil sa akin muntik nang malagay sa panganib ang buhay mo. Sumali kayo ng mga kaibigan mo sa fraternity kung saan ako sumali noon para lang makasama ako at mapansin kita. Nakikita ko pa nga iyong pamamaga sa likod ng hita mo dahil sa pagpaddle sayo. Pero hindi mo lang alam na matagal na akong nag quit. Kaso hindi pwedeng sabihin kung sino sino ang mga nag quit. Ang nangyari ikaw pa ang napagtripan ng mga ka gang niyong lalaki na galawin ka. Sa puti at sa kinis ba naman ng iyong balat ay talagang pagtitripan ka nila. Nalaman ko iyon nong nag-inuman kami ng mga barkada ko noon at aksidenteng nasali ka sa usapan tungkol sa plano ng mga ka gang niyo sayo. Wala naman akong pakialam sayo kaya hindi ko nalang pinagtuonan ng pansin. Pero maswerte ka dahil nong nalaman ng principal ang tungkol sa fraternity pinatawag kayong lahat at doon mo nalaman na matagal na pala akong nag quit. Hindi na kayo sumipot sa araw ng inuman kung kailan sana gagawin ang plano nila sayo. Napagalitan ka pa tuloy ng magulang mo. Alam mo naman na nag dodroga ako, naninigarilyo, pumapatol sa mga bakla kapalit ng pera at iba iba ang girlfriend pero bakit minamahal mo parin ako? Sa dinami daming lalaking pumoporma sayo lahat tinanggihan mo dahil lang sa akin. Hindi ako assuming nagsasabi lang ako ng totoo. Isang araw tinutukso ako ng mga kaibigan ko sayo, alam na pala lahat ng mga schoolmates ko at pati guro alam na na patay na patay ka daw sa akin. Eh ako naman sinasabi ko lang na hindi ako interesado. Hanggang sa dumating ang panahon na hindi mo na siguro nakayanan ay harap harapan kang nag confess sa akin at sinabi ko lang na wala akong pakialam at hindi ako interesado sayo. Tawang tawa talaga ako sayo noon dahil first time kong naranasan na may nag confess sa akin. Dumating ang araw ng graduation namin at hindi ka dumating. Hindi kita hinanap kaya huwag kang feeling. Naalala mo ba iyong araw na sinama ako ng kaibigan ko na kaibigan ng kaibigan mo sa piesta ng *********. Sinuway ka pa nga ng mga kaibigan mo na sana nagsuot ka nang maayos ayos na damit kasi nakapangbahay ka lang non para naman daw mapansin kita. Hindi mo sila pinakinggan dahil mas comfortable ka sa ganyan. Naglaro tayo ng truth or dare non at sa akin unang natuon ang buti. Pinaikot ko uli dahil baka dinaya lang ako kasi hindi ko naman nakita ang pag ikot ng buti. Pero sa akin parin ito natuon kaya tinanong ako kung sino ba daw campus crush ko. Hindi pa nga ako tinatanong kung truth ba or dare sinagot ko nalang ang tanong. Sabi ko wala. At next turn sayo natuon ang buti. Ang galing noh? Parang sinadya ng tadhana. Katulad ng tinanong sa akin. Sino ang campus crush mo. Sa totoo lang, umasa ako na pangalan ko ang maririnig ko pero iba ang sinabi mo. Hindi ko nalang e m-mention ang pangalan dahil sa hindi malaman ang dahilan umiinit ang ulo ko sa pangalan na iyon. Narinig ko pa ang hindi pag sang ayon ng mga kaibigan mo dahil nasa harapan mo lang daw ang gusto mo. Pero ang sinagot mo "sos matagal na iyon" biglang sumikip ang dibdib ko kaya tinawagan ko nalang yong babae ko at sinadya kong marinig niyo lahat ang pinaguusapan namin. Simula noon hindi na kita nakita at hindi ko rin tinapos ang unang taon ko sa kolehiyo. Wala na bored ako eh. Gusto kitang hintayin dahil fourth year high school ka pa. Dumating ang araw ng graduation mo at sayang hindi ako nakapunta. Nasa probinsya kasi ako non. Pag uwi ko galing probinsya, pagkababa ko palang ng bus nabulong ko agad sa sarili ko na "shit ang swerte ko" ikaw kasi agad ang nakita ko eh. Pero simula non hindi na ulit kita nakita dahil pumunta raw kayo sa manila at doon na nagcollege. Pinilit ko sila mommy agad na doon na magpatuloy sa college. Nong una hindi sila pumayag dahil wala daw kaming kakilala roon pero sa huli pumayag narin sila. Inalam ko kung saang paaralan ka pumapasok at anong course ang kinuha mo. Nalaman kong sobrang layo ng pinapasukan mo sa tinitirhan ko kaya lumipat nalang ako ng condo. Inalam ko lahat ng schedule mo at ginaya lahat ito para sulit kitang nakikita. Dumating na ang araw ng pasukan, naalala mo iyon? Kasi ako hinding hindi. Dobleng kaba talaga ang naramdaman ko non kasi baka magtaka ka kung bakit nag cclassmate tayo at pareho lahat ng schedule. Pero marunong naman akong mag pretend na coincidence lang ang lahat. Maaga akong pumasok pero ikaw? Late. Nasa unahan ako nakaupo sakto namang sa tabi ko lang ang vacant kaya no choice doon ka umupo. Nakikita kong wala ka man lang reaksiyon kaya medyo na dissapoint ako. Pero nagulat ako dahil kinausap mo ako at sinabi mo sakin na "familiar ka sakin, nagkita na ba tayo?" Hindi kita sinagot non pero hindi ka tumigil sa kakasalita. Inaamin kong pakipot ako non hahaha. Simula non, dahil tayo lang naman ang magkakakilala lagi na tayong magkakasabay sa recess, maglunch at sa pag-uwi. At doon kita mas lalong nakikilala, ang kulit mo, soooobrang weird at napaka down to earth. Isang araw may nanligaw sayo, syempre ako unang nakakaalam dahil sa isang taon nating pagkakaibigan naging bestfriends tayo. Tinutukso pa nga kita dahil buti naman at hindi mo na tinatanggihan ang mga manliligaw mo, noon kasi tinatanggihan mo dahil sa akin na patay na patay ka pa sakin non.Pero tinawanan mo lang ako at alam mo iyong masakit sinabi mong nagsisisi ka na nag confess ka pa sakin. Grabe sobrang sakit non pero hindi ko nalang pinapahalata. Alam kong sobrang gago ko lang sa pag-ibig dahil matagal kong napagtanto na mahal na pala kita.shyeet. Sinagot mo na siya graduate na tayo kayo parin. Hanggang sa 7th anniversary niyo, ikaw pa ang nagprepared lahat at syempre todo support naman ako. Masaya ka eh kaya masaya narin ako. Ang galing ko diba? Ang galing kong magtago ng feelings. Mahal na nga talaga kita. SOBRA. pero ayoko nang guluhin ang utak mo. Kaya ililihim ko nalang ito. Sa araw ng anniversary niyo hindi sumipot ang gago dahil daw nakalimutan niya. Nasayang lahat ng pinaghirapan mo. Hindi ka umiyak pero alam kung nasasaktan ka. Kilala na kita, kilalang kilala na kita. Kailangan pa kitang pilitin para lang ibuhos lahat ng nararamdaman mo. Kahit na nong nag cheat siya sayo hindi ka man lang umiyak sa harap niya, sakin mo lang binuhos lahat ng sama ng loob mo. Gusto kung sirain ang mukha nong gago pero ikaw naman itong tanga isang sorry lang niya kayo na ulit. Lintik talaga. Ang swerte niya tsong. Dumating ang panahon na tumawag ka sa akin na pinipilit at sinasaktan ka na ng boyfriend mo na ibigay na sa kanya ang pagkababae mo. Pero hindi ka pumayag dahil matagal mo na ang pangarap na pagkatapos ng kasal mo ibibigay ito. Hindi mo alam kung anong klaseng future ang pinakawalan ko para lang mapatay ang lalaking iyon. Iniwan ko agad ang trabaho kung kailan sana ay ipopromote na ako. Pero mas pipiliin ko pang mawalan ng trabaho kesa masaktan ka. Kung hindi mo lang sana ako pinigilan baka napatay ko na ang gagong iyon. Pasalamat siya hindi malalim yong pagkakasaksak ko ng kutsilyo sa tagiliran niya. Talagang nasapian na talaga ako nong time na yon eh. Tatlong taong narin ang lumipas at inamin ko narin sayo sa wakas kung gaano kita kamahal. Pero dumating ang araw na hindi ko inaasahan. bakit? Bakit kailangang humantong sa ganito? Bakit ikaw pa? Bakit hindi nalang ako? Bakit-
"PA!!!! Yung niluto mo nasusunog na!" Nabitawan ko ang binabasa kong diary na isinulat ko sa araw ng aking kasal 19 years ago na ngayon ko lang ulit nabasa. Taranta akong lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina. "Sh*t" pinatay ko agad ang stove at napatingin sa bunso kong anak na lalaki na may sinusuyo sa phone. "Babyyyy.....sorry na kasi.......promise hindi na.......babe naman.......ha?....saan?.....bakasyon?.....ito naman nagtatanong lang....saan nga?.....babe naman eh.....oh sige sige na hindi na kita pipilitin....sige bye i love you....walang i love you too?- ayy *toot tooot tooot* napatawa ako kaya sinamaan niya ako ng tingin. Abat! "Hoy Ariana! Huwag mo akong titingnan ng ganyan ah!" Mas lalong sumama ang tingin nito "pa! Rian nga sabi! Hindi Ariana! Putik ginagawa niyo akong babae!" kaya mas lalo akong tumawa. Pag alis niya ay siya naman ang pagdating ng isang magandang babae na galing sa grocery. "Bakit amoy sunog?" "Ah wala. Oh? Kakagrocery mo lang kahapon diba?" "Si Lawrence kasi, gusto niya daw paghandaan ng masasarap na pagkain ang bestfriend niya" "ahhh"
"Ma! Nabili mo na lahat?" Ang dalaga kong anak habang nagsusuklay ng buhok "yes lawrence" napatigil ito sa pagsuklay at tinignan ang mama niya na walang expression "ma, its Lorean L-O-R-E-A-N, not Lawrence okay? Please stop calling me that name. You see im a girl" pilit na malumanay nitong sabi. "Okay lawrence" napabuga ng malakas ang anak at padabog na umalis. Hahhahahhah iwan ko ba diyan sa asawa ko ang lakas ng trip. Imbis na panlalaki ang ipangalan sa binata namin ginawang babae at imbis na pambabae ang ipangalan sa dalaga namin ay ginawang panlalaki. Haay para maiba nan daw kaya yon ang ibinigay na pangalan.
......
...............
Bakit ikaw pa? Bakit hindi nalang ako? Bakit kailangang ikaw pa ang mag propose sa akin at hindi nalang ako? At sa mall pa talaga na sobrang daming tao. Nakakabawas kaya ng pagkakalalaki yon tsk *kiligmode*
Ellena<3Enzo
Sa kwarto.
"Pa saan ba tayo pwedeng magbakasyon?" "Hmmm sa england ulit?" Habang naglalaro ng mobile legend "pangalawang beses na nating pinuntahan yon sa iba naman" "ah" napatingin siya sa asawa "yan na ba ang bago mong kinakaadikan ngayon?" Hindi ito sumagot at nagpatuloy lang sa paglalaro. Napailing nalang siya. "Ay alam ko na! Mag cacamping nalang tayo for one month! Challenge iyon diba? Pa?" Tumango lang ito at seryoso paring nakatutok sa cellphone. Nainis siya kaya inagaw niya ang cellphone tinapon sa sahig. Nabasag ang screen nito at Nagkahiwahiwalay ang mga piraso. Nagulat siya at sisigawan na sana niya ang asawa pero sinamaan niya ito ng tingin kaya napapout nalang siya at niyakap ito"mahal, alam kong mayaman tayo pero kakabili ko pa lang non kahapon eh, sayang yon mahal" malambing nitong sabi. "Tsk. Ginagalit mo ko eh" "sorry na....." "nga pala pa...may napapansin lang ako ah...yang ano mo...yang kaibigan mo... kung makatitig kasi parang ano eh..parang.." nakita niyang napakunot ng noo ang asawa "sino?! Abat gago yon! Pinagnanasaan ka ba ha?! Ha?!" "Hindi! Wag kang OA! Hindi ako....si Lawrence...kung makatitig siya kay Lawrence parang gusto na niyang itakas eh" "ahhhh akala ko ikaw eh...teka! Sino ba yang tinutukoy mong nagnanasa sa anak natin? At kakalbuhin ko" "si Jonas" "si Jona-...si jonas? Ahhhhh Ha ha ha ha sos ano ka ba guni guni mo lang siguro iyan ...... gagoyonsabinanghuwagmagpahalata" "ha? May sinasabi ka?" "Ha? Wala! Sabi ko guni guni mo lang yon" "hindi may binubulong ka eh..ano y-" "HALA!!" Nagulat siya dahil biglang sumigaw ang asawa. "Lintik! Yong cellphone ko!! aaishhh!! Ang mahal mahal pa naman nito!" Habang kinukuha ang cellphone sa sahig at sinusubukan kung maaayos pa. Napangiwi siya sa inasta ng asawa. "Weeeiiiirdddd...." Hindi nalang niya ito pinansin. Napahiga nalang siya at pumikit
Hmmmm Jonas.....patay ka sakin pag tama ang hinala ko.....End