Heartprints - Chapter 1

56 2 0
                                    

Chapter 1

"Bakit mo naman ako pinagbabaan sa cellphone?" Inis na bungad ko sa kanya sa may pintuan.

"Sayang ang load ko, Sorry na ho." Mayaman nga kuripot naman. Ayoko pa naman nang binababaan ako, feeling ko kasi kabastos bastos na gawain yun.

"Ewan ko sayo! Bakit kasi cellphone ang gamit mo at hindi yung telepono ninyo sa bahay?" 

"Ginagamit ni Kuya Mykl, hindi mo ba ako papapasukin?" at sabay hawi sa kamay kong nakahawak sa pinto. Pumasok siya at umupo sa sofa.

"Kapal mo talaga." Umupo din ako sa tabi niya dahil wala nang ibang uupuan dahil ang dami ngang bata dito. 

"Sus, kunyari ka pang ayaw mo ko dito pero sa totoo lang gusto mo kong makatabi." Sampalin ko kaya to? Ano gusto niyo? Pasalamat to ayokong nakikita ako nang mga batang nananakit ng tao at ayoko din makipag away sa kanya kasi nanonood yung mga bata. 

Siguro nagtataka kayo kung sino tong lalaki na to? Siya si Tantan, Jeric Tan. Kapitbahay naming mayaman at kababata ko. Mas matanda siya sakin nang dalawang taon pero kung kumilos yan at kung maisip parang kasing edad ko lang, mas mature pa ata ako sa kanya? Nahalata ninyo naman siguro na makapal ang pagmumukha ni Tantan paano ba naman nasanay na siya, close siya sa Family ko at ganun din ako sa family niya. Oo nga pala, ang gwapo nung kuya niya! Si kuya Mykl, pero si tantan hindi! Kapangit eh! ^-^V

"Bakit ka pumunta dito?"

"Hinabilin kayo sakin ni Tito Lorenzo." Sabi na nga ba, walang tiwala talaga sakin si Daddy. Nakakainis lang.

"a-ehh Baka naman may ginagawa ka sa inyo? NAistorbo ka pa tuloy ni Daddy. Okey naman kami dito." Akala ko pa naman na--

"Okey lang naman eh, libre kain na din. Isa pa ayokong mag-alala sila Tito habang nasa labas sila." Tumawa naman siya. Ano kayang nakakatawa?

" Ano naman mangyayari at mag aalala sila? " Hindi naman na ko bata at kaya ko na ang mga kapatid ko.

"Wala naman. Normal lang naman sa magulang na mag-alala. Tsaka para may kasama kang lalaki." May lalaki kaya dito. Naluluko na ata to?

" Anong tawag mo kay Sean at Bon?" 

" Lalaki. I mean, a big one! Malay mo may magnanakaw or something sino magtatanggol sa inyo?" Sus, siya nga yung magnanakaw eh, magnanakaw nang pagkain!

Natapos na yung Paul na Movie kaya bumalik na ang ingay ng mga bata. Kung ano-ano ang ginagawa. Lalo tuloy kumakalat sa bahay.

"Ano? Gusto ninyo pang manood ng Movie?" Para matigil ang kaguluhan!

"Gusto ko Ate Sef ng Barbie."  request naman ni Sophie.

"YUUUUCKKK. Ate, Transformers na lang." Tutol naman ni Sean. Eto ang hirap kapag laging may magkasalungat sa kapatid mo. Parehas na okey sayo ang saggestions nila pero kailangan mo pumili nang isa.

" Transformers na lang. Tutal hindi pa natin napapanood to. Next time nalang Sophie." NAkikita ko sa mata ni Sophie ang pag kadismaya kaya lang mas maraming bata ang may gusto nang Transformers. Paiyak na siya kaya nilapitan ko. 

" Shh. Wag ka ngang umiyak. Big girl ka na diba? Sige, ganito nalang. Nood na lang tayo maya bago matulog ng Barbie. Tatabihan pa kita ." Paglalambing ko sa kanya.

Napatingin naman ako kay Tantan. Ayun, nakakandong na sa kanya si Bon na may hawak na DS. Tapos nakita ko siyang nag Thumbs up sakin.  Hindi naman nagtaggal nagustuhan din ni Sophie ang palabas kasi madaming astig na effects at kung ano pa. Kanina kasi iniinis niya si Sean.

HeartprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon