Pangatlo
May matino rin akong nakausap sa neargroup. Ay, hindi pala. Sinto-sinto itong kausap ko pero pwede narin kesa sa mga bogmali at mahaharot. Siya si mike, hindi niya tunay na pangalan. Hindi pa narereveal ang picture niyang malabo kahit pa kahapon pa kami magkachat nito.
Mike: Anong ginagawa mo jessy?
Jessy: Wala naman. Saan ka pala?
Mike: Ooooy! Kras mo na ako noh? Nacucurious ka na kung taga saan ba talaga ako. Bwahaha
Jessy: Abnoy. Assuming neto. Sabi saan ka, hindi taga saan ka. There's a difference.
Mike: Palusot ka lang ee! Kasi nahuli na kita. Siyempre, matik na yun. Common sense ba.
Jessy: Ewan ko sayo!
Mike: HAHAHA pikon! Bakit nga pala?
Jessy: Nasa Park ako. Gusto ko lang ng kasama.
Mike: wew! Sabi na kras moko ee! HAHAHAHAHA uh, sorry miss, strict kasi parents ko. Hihihi
"Baliw talaga" napapailing kong sabi. Hindi na ako nagreply at pumuntang mall nalamang. Nakakabagot sa bahay at pag nagstay ako dun, uutos-utosan lang ako ng madrasta ko.
---
Ilang linggo na ang nakakalipas. Mag iisang buwan na nga yata simula nung nagkausap kami ni mike. Hindi ko lubos maisip na natagalan ko ang kabaliwan niya. Hanggang ngayon ay hindi pa kami nagkikita. Hindi niya rin naman ako inaalok na mag meet up. Ayuko naman na ako ang mag alok dahil baka isipin niyang crush ko talaga siya. Malabo ang picture niya nubg nareveal pero okay na rin dahil hindi rin ako naging fair. ang picture ng sakin ay babaeng naka wacky ngunit drawing lamang ito at hindi buo. Fair enough. Hindi rin kami nagkabigayan ng facebook kaya't hindi talaga namin alam ang mukha ng isa't isa.
Sabado ngayon bandang alas kwatro ng hapon. Kakatapos lang ng meeting ng grupo namin para sa gagawing broadcasting sa english. Nababagot na naman ako. Magiging busy narin ako simula sa Monday. Napag isip-isip kong, ngayon lang ako pwede kaya ngayon ko nalang yayayain si mike upang makipagkita. Nacucurious ako sa mukha niya. Nilabas ko ang phone ko at nag simulang magtipa.
Jessy: Nasaan ka?
Mike: Bahay. Nagka sekenpax akiz. Huhuhu
Aw, bad timing naman oh.
Jessy: Meet tayo.
Mike: Alam mo yun jes? Sakit kasi yun. Makati at mainit. Nakakahawa pa.
Jessy: duh. Di naman kita hahawakan. Ngayon lang ako pwede. Kaya sige na.
Mike: Kras mo talaga ako noh? HAHAHAH
Jessy: May sakit ka ba talaga? Haynako! Saglit lang naman.
Mike: Di ako pinayagan umalis. May sakit nga kasi ako.
Jessy: Sabihin mo sakin saang banda bahay niyo. Magka subdivision lang naman tayo diba?
Mike: Ang kulit mo din noh. Bilib na ako sayo. HAHAHA sa museum nalang tayo magkita. Total malapit lang naman iyon satin at para mas fair. Nakakahiya naman na ikaw pa yung pupunta sakin gayoong ako yung lalake.
Jessy: marunong ka padin palang mahiya. Hahaha sige. In 15 minutes nandun na ako kaya bilisan mong mag ayos diyan! Ikaw pa naman chix sating dalawa.
Tinago ko na yung phone ko at nagsimulang magpadyak. Naka bisekleta ako ngayon. Biglang bumuhos ang ulan. Sht! Kung minamalas ka nga naman oh. Sana naman sumipot yun.
Saktong 15 minutes ay nakarating na ako sa labas ng sinasabing museum. Umuulan kaya ako lang ang tao dito. Asan na ba siya? Ang chix talaga ng isang yun. ang kupad kumilos.
Ilang munito lang ay dumating siya. Nakatalikod ako nung tinawag niya ako. Paglingon koy bigla akong nahiya sa itsura ko. Hindi ako nag ayos sa sarili. Galing pa ako sa meeting at nagbisekleta papunta rito kaya alam kong haggardo versoza ang peg ko ngayon samantalang siya'y naka jacket na black, black pants, black shoes, black cap at plain black na mask. Balot na balot ngunit nakita ko ang kamay niyang sobrang puti. Sunod kong napansin ang pilikmata nitong mahaba at ang kilay niyang makapal. Sht! Bat ang perpekto ng sakanya habang ako itong babae ngunit hindi ganun yung sakin. May lahi ba siya? Hindi kami magkatabi pero naamoy ko siya. Amoy baby. May sakit ba talaga to? Grabe aa.
"Tara libot muna tayo" aya niya. Tumango lamang ako.
Hawak ko ang bisekleta habang siya ang may hawak ng payong. Ako yung nasa gilid ng kalsada.
"You know, ang gentleman mo." Saad ko. Hindi ata nakatakas sa kanya ang tonog pagiging sarkastiko ko.
"Am I not? Pinapayongan na kita." Takang sabi niya.
"Ako dapat diyan at ikaw rito. Hahaha ang mga lalaki dapat ang laging nasa delikadong lugar, alam mo yun?" Natatawang sabi ko.
"Hindi ka naman babae." at humagalpak siya ng tawa. Nasuntok ko siya sa braso para tumigil. Siguro nga'y mukha akong lalake sa kanya. Mas maputi siya sakin at mas maayos. Ni pagsuklay sa buhok ko'y di ko nagawa.
"Oh tamo! Nanununtok! Confirm! Lalake ka nga!" Natatawang sabi niya. Pero nakipagpalit padin sakin. Nasapak ko ulet ang braso niya dahil ayaw tumigil.
"Masyado ka namang touchy baby, napaghahalataan ka na"
Tiningnan ko siya ng masama at humagalpak na naman siya kakatawa. adik din tong isang to.
"Sorry na. Ayaw ko lang na mahawaan ka." Biglang sabi niya dahil di na ako nagsalita. Tumango lang ako bilang sagot. Boring ako kasama. Alam ko yun.
Nakabalik kami sa kung saan kami unang nagkita kanina.
"Sana maulet ito. At sana yung wala na akong sakit. Ikaw kasi biglaan ang gusto mo." Sabi niya at ngumiti.
"Malay mo saltikin ulet ako at yayain ka. At oo, ako ang magyayaya. Masyado kang pachix ee. careerin mo na yan."
"Hahaha sige. Uwi na ako. Tumakas lang ako. You know, strict parents ko. Hihi" Baliw talaga literal. Tumango na lamang ako bilang sagot. Sumakay na ako sa bisekleta ko at bago paman ako makalayo ay sumigaw siya.
"Clark Michael Palarca nga pala at your service!"
lihim akong napangiti at di na lumingon.