Chapter 5 - Cupid's Tale

71 16 3
                                    

Chapter 5

Carlos:

I haven’t felt that thrill for a long time. Bakit kaya maraming gustong pumatay kay Arvie? Inihatid ko na siya sa kanila and her Dad and older brother thanked me for what I did. Sinabi ko sa kanila ang lahat pero ganun pa rin ang sagot nila… Wala… Wala talaga akong nakuhang impormasyon sa kanila tungkol sa mga taong gustong pumatay kay pero alam ko naman na marami silang lihim na tinatago sa akin.

Nagalit pa sila at sinabing ililipat nila ng bagong paaralan si Arvie. Pagkatapos ay binayaran na nila ako sa pagtatanggol ko sa anak nila at pinaalis na rin nila ako.

Malaki rin naman ang binayad nila sa akin kaya lang nanghihinayang pa rin ako na aalis na si Arvie. Pero hinayaan ko na lang kasi ayoko ring masangkot sa gulo ng pamilya nila.

“Another drink for the lady,” sabi ng lalaki.

Patay muntik ko nang makalimutan na nagtatrabaho ako ngayon sa bar. Pero napansin ko agad ang babaeng kasama niya na lasing na.

“Arvie?” sabi ko.

“Sino ka?” talagang hindi niya ako nakilala sa ayos ko ngayon. Nakasuot rin kasi ako ng pekeng bigote para magmukhang matanda dito sa bar.

“What are you doing here?” tanong ko.

“Eh di nagpapakalasing,” sagot naman niya. Pagkatapos ay nilagok niya ang isang baso ng tequila na nasa harap niya. Hindi ko na siya napigilan kaya bigla akong nainis. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito pero hindi ko talaga gusto ang ginagawa niya ngayon.

“Stop it!” sabi ko. Pero ngumiti lang siya sa akin.

Ang ganda pala talaga ni Arvie lalo na sa malapitan.

“Hey! Bartender what the heck are you doing? She’s with me!” sabi ng lalaki.

Pero hindi ko na siya pinakinggan at hinila ko na si Arvie palabas ng bar.

“Aray! Bitawan mo nga ako!” pilit siyang pumipiglas sa pagkakahawak pero hindi ko siya hahayaang magpakalasing. Sumusunod ang lalaking kasama niya sa amin kagad ko siyang nasuntok.

“I know her!” sabi ko sa lalaking kasama niya. “She’s going home!” sabay para ko ng taxi. “Arvie! It’s not safe for you to be here!”

Pero tumakbo siya agad. Damn, mabilis rin siyang nakalayo at nagsisisigaw pa.

“Tulong! Tulong!” sabi niya habang tumatakbo papunta sa isang eskinita.

“Arvie this is me Carlos!”

Pero patuloy pa rin siya sa kanyang pagtakbo hanggang sa madapa siya. Naabutan ko siya. “Arvie ako si Carlos!” at hinablot ko na ang bigote ko.

Tumayo siya at namukhaan naman niya ako agad. Pero galit pa rin ang expresyon ng kanyang mukha.

“Ikaw na Carlos ka bakit palagi kang sumusulpot sa buhay ko!” sabi niya na galit na galit.

“It’s not me who keeps on appearing! Ano bang ginagawa mo sa lugar na ito ha! At meron ka pang kasamang lalaki!”

“Why do you care?” sabi niya. Medyo madilim na ang paligid pero natapat siya sa isang ilaw kaya napansin ko na dumudugo na ang kanyang mga tuhod. Napansin rin niya ito at napaiyak.

“Ikaw kasi! Ayan tuloy nagkasugat ako!” at nagumpisa na siyang umiyak na parang bata.

“Halika ka na nga at pumasok tayo sa bar para magamot ang mga sugat mo!” sabi ko at inalalayan ko na siya pabalik sa loob ng bar.

Arvie:

At sinamahan ko na si Carlos papasok sa loob ng bar. Hindi ko pa rin alam kung siya si Carlos dahil bigla na namang nagkabigote siya uli nang hindi ko napapansin. Pero hinayaan ko nalang siya na tulungan ako dahil ang hapdi na ng sugat ko. Nang pumasok na kami ay nakita ko ang bago kong kaibigan na nagbibigay ng inumin sa akin kanina. Ngumiti lang ako sa lalaki pero hindi niya ako napansin at meron na naman siyang binibilhan ng inumin. Sayang naman!

Kainis naman ‘tong Carlos na ito! Why is he even here? Kaya pala ang talino niya sa klase dahil ang tanda na niya!

“You stay right here dahil kukunin ko muna ang first aid kit,” sabi niya nang makarating kami sa isang silid.

At nagmamadali siyang pumanhik sa isang silid tapos bumalik agad na may dalang mga kagamitan sa paglilinis ng sugat.

“Anong gagawin mo?” tanong ko sa kanya nang kumuha siya ng palangana at tubig. Nakita ko rin na meron siyang alcohol at betadine na bitbit.

“Huhugasan ko ang sugat mo,” sabi niya.

“No! Ayaw! Okay na ako!” sabi ko at iniwas ko ang tuhod ko kahit mahapdi pa rin ito.

“Kailangan nating hugasan ang sugad mo para hindi ito maimpeksyon! Sige ka!”

“Sige pero ako ang maghuhugas ng sugat ko,” sabi ko naman sa kanya.

Kinuha ko sa kanya ang tubig at pagkatapos ay hinugasan ko ang sugat. Hindi naman gaanong masakit ang sugat ko. Pagkatapos ko itong mahugasan ay nilagyan naman niya ito ng betadine at pagkatapos ay tinakpan ng bandaid. Mabuti nalang at hindi niya nilagyan ng alkohol ang sugat kundi masusuntok ko talaga siya.

“Ano bang ginagawa mo sa lugar na ito ha?” tanong ni Carlos. Siya nga pala ang taong palaging galit dahil kanina pa niya ako sinisigawan at pinagtatanong ng kung ano-ano.

“Di ba ito ang lugar kung gusto mong maglasing?” sagot ko naman sa kanya. “Gusto kong malasing!”

“At alam ba ng mga magulang mo na nandito ka?”

“Naglayas na ako sa bahay namin,” sagot ko naman sa kanya. Hindi ko na kasi gustong lumipat ng ibang paaralan kaya umalis nalang ako sa bahay. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na kaming nagpalipat-lipat ng bahay. Ewan ko ba sa mga magulang ko kung bakit palagi silang umaalis. Mas gusto ko na sa lugar na ito dahil marami na akong mga kaibigan at ayoko nang mag-umpisa uli.

Cupid's Heart [Major Revisions]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon