Chapter 33

5.9K 185 17
                                    

Chapter 33

MIA

"Ilang araw kayo doon?" Napatingin ako kay Ash na kanina pa nakasimangot kasama si Lara na nakaupo sa couch ng kwarto ko.

"Three to five days." Sagot ko at itinuloy ang pagche-check ng mga gamit ko.

"I'll not be able to see you in five days? That long?" Lara asked me too then pouted. Huminga pa ito ng malalim saka malungkot na tinignan ang malaking bag na dadalhin ko.

Sabado ngayon pero hindi ako makakauwi dahil may biglaang research kaming gagawin. Maiiwan lang si Nadie sa office at kaming dalawa ni Jenny ang magkakasama mamaya.

"You just have to pretend that I don't live here. Kagaya noong kayo pa lang. Mas bibilis ang araw." I told both of them.

Pareho silang sumimangot.

"Can you not go to work, Tita? I'll going tomiss you." Huminga ulit si Lara ng malalim pero nang titigan ko itong mabuti ay papabagsak naman ang mga luha nito. Agad kong sinita si Ash sa kanyang pagpapabebe at ininguso ang bata.

"I'll gonna miss you too. But I really need to go. Five days lang naman. Mabilis lang 'yun. Nandito naman si Tito Ash e. Kapag pwede akong tumawag, tatawag ako sa inyo." I assured her and smiled as I brushed her hair.

Sinamaan ko ulit ng tingin si Ash dahil imbes na tulungan ako kay Lara na mas malala pa pala kaysa kay Ysa, heto at nakikitulad din ito sa pamangkin niya.

"Ano ba. Umayos ka nga!" Mahinang sita ko at kinurot ang tigiliran niya.

"Bakit ba kasi biglaan? Gusto pa kitang makasama. Nakakainis naman 'yang boss mo!" Parang batang pagtatampo niya kaya napabuga na lang ako ng hangin.

"Hoy Herminihildo ha." I warned but he just rolled his eyes. "Ewan ko sa'yo. Si Lara naiintindihan ko pa pero ikaw, hindi ko alam. You know I've been doing these things----"

"Mamimiss nga kita. Tapos biglaan pa 'yan. At limang araw. Ang tagal." Ginulo nito ang kanyang buhok.

Napatawa na lang ako ng mahina at napailing. Hindi ako makapaniwala na itong matangkad na lalaking ito sa harapan ko, ganyan umasta. Ang seryoso sa kusina na rinerespeto ng marami, pinapaikot ang mga mata, pinapahaba ang nguso at parang bata kung guluhin ang mga buhok ngayon.

"Hindi 'yun matagal." Ulit ko ulit at binigyan ng coloring book si Lara para pampalubag loob. Binuhat ko ang bag ko saka sinuot ang running shoes ko. "Alis na ako." Paalam ko.

Padabog nitong kinuha ang isa pang bag ko at naunang lumabas ng kwarto. Huminga lang ako ng malalim at binalingan si Lara. She took her things and we both left out my room. Nang nakapasok na ang bata sa sasakyan ni Ash ay malakas kong hinampas ang kanyang likod para matauhan.

Kanina pa ako magtitimpi. Bwisit to.

"Iiwan mo kami, may gana ka pang manakit!" Sita nito at inismiran ako. Mabuti na lang at nasa likod kami at hindi kita ng bata.

Napatawa ulit ako.

"Bwisit ka. Kaya nagkakaganyan si Lara dahil sa pinapakita mo ngayon eh!" Hinampas ko ulit siya. Hinuli naman niya ang mga kamay ko ng maramdaman nito ang sakit ng hampas ko at iniikot para maisandal sa sasakyan niya.

Ang kanina na parang bata ay biglang sumeryoso ang mukha. Hindi ito ulit nagsalita at nakipagtitigan lang sa'akin. Pinakawalan niya ang isang kamay ko at hinapit ako palapit sa katawan nito. Hindi pa rin ito nagsalita at yumakap.

Mahigpit na yakap.

"Pakisabi sa boss mo na ingatan ka niya dahil may naghihintay sa'yo rito. Pagbalik mo, akin ang isang araw mo ha. Mamamasyal tayo nina Lara. Kumain ka pa rin ng marami doon. Huwag kang lalayo sa site niyo ng walang kasama. Delikado pa rin sa bundok." Mahinahong bilin nito kaya agad akong kumalma.

Mesmerized with Desire(#7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon