Carrina's POV
"Ms. Kinakailangan mong sumama sa amin sa presinto para makuhaan ka ng statement tungkol sa nangyari"sabi sakin ng isang pulis. Sumama na lang ako dahil wala rin naman akong magagawa. Pagkatapos ng halos tatlong oras na pagtatanong sa akin tungkol sa nangyari pinauwi na rin ako. Marami silang tinanong sakin like bakit nandoon ka sa lugar na iyon iyon kung saan nangyayari ang pinakamalaking illegal transaction ng mga mafia at bakit kasama ko daw ang mga lalaking iyon na napagalaman kong mga miyembro ng isang gang na kilala bilang chasing gang. Well, ang sabi ko kaya lang naman ako napunta sa lugar na iyon ay dahil sa kakatakbo which is totoo dahil sa kakatakbo ko hindi ko na rin nalaman kung saan na nga ba akong lugar tumatakbo. At tinatawag rin nila akong Carina which is kung hindi ako nagkakamali iyon din ang tinawag sakin nung mga pangit na lalaki kanina. Hays uuwi na naman ako nitong walang nahahanap na trabaho pang ilang building na itong pinuntahan ko kanina. Kinakailangan ko ng makahanap ng trabaho kung hindi siguradong wala na talaga akong mapagkukuhanan ng ipangtutustos ko sa aking kapatid
Naubos na kasi ang aking perang ipinamana samin ng mga mababait at mapagmahal na mga magulang na umampon samin ni Caren. Kung itatanong niyo naman kung asan mga tunay naming magulang hindi ko masasagot iyan kasi kahit ako hindi ko alam ang sabi ni sister Ara basta na lang may nag iwan sa akin sa labas ng simbahan at makalipas lang daw ang isang buwan may roon na naman daw isang bata ang iniwan at inilagay sa pintuan ng simbahan. Nang tiningnan daw nila ang bata mayroon daw na nakalagay na note na nagsasabing mag kapatid kami kaya ipinagpalagay na magkapatid nga kami. Mahal na mahal ko ang kapatid kong iyon siya na lang kasi ang sandigan ko ang nagpapalakas sa akin at nag nag isang tanong nagpaparamdam sakin na may kasama ako at may nagmamahal sakin. At ngayon nga na uuwi na naman ako sa bahay namin na sa aking palagay na malapit ng ma elit ng bangko dahil isinangla ko ito nong nagkaroon ng leukemia si Caren isa rin ito sa dahilan kung bakit nagpupursige akong maghanap ng trabaho para maipagamot ko siya. At kung idadagdag pa ang kamalasang ito na mukhang ayaw akong lubayan mayroon na namang lalaki ang humahabol sa akin at ngayon natatakot naku dahil may hawak siyang baril
YOU ARE READING
I'm not her!!
Teen FictionMore on gangster world siya at ang buhay ng dalawang taong magkamukha.