HEART BEATS FAST

51 1 0
                                    

HEART BEATS FAST

Sabi nila kapag matalino ka daw  eh ... may posibilidad na bobo ka pag dating sa pag-ibig.

     Tulad ko matalino naman ako pero heto at nagpapaka-tanga at patuloy pa din sa pag- asang magugustuhan rin ako ng taong mahal ko kahit na alam kong  malabong mangyari , kasing labo ng dalawang mata ko.

     Unang araw ng eskwela noon,  nasa kolehiyo na rin ako sa wakas. Sa kasamaang palad nahuli ako ng pasok sa unang araw ng eskwela. Baguhan lang ako sa eskwelahan na aking papasukan , kaya  sa tingin ko nawawala ko. Hindi ko alam kung saan ang klase ko. May nakita kong lalaki medyo nawala ang aking pangamba. Nakatalikod siya,  kinalabit ko ito at lumingon naman.

       “ Ah, kuya alam niyo po ba kung saan ang klase ng Politcal Science?” tanong ko.

       Sa kasamaang palad hindi man lang ako pinansin. Napansin kong gwapo si kuya pero suplado nga lang. Kinulit ko ng kinulit, sinundan ko ng sinundan ,at tinanong  ko ng tinanong kung saan ang klase ng Political Science.

     “ Kuya, nawawala po kasi ako  baka pwede niyo pong ituro kung saan ang klase ng Political Science, please lang po kasi late na late na ako. Please.”

     Patuloy lang siya sa pag lalakad hanggang sa huminto siya sa isang room at pumasok nga doon, sinundan ko naman. Laking gulat ko nang bigla akong tinawag ng professor ata.

     “Hey you!” sabi nito.

     “ Me?” sabi ko sabay turo sa sarili ko.

     Nagtawanan ang lahat ng mga estudyante.

      “Yes you, why you are late? Alam mo ba ang ginagawa ko sa estudyante ko kapag na lelate?”

     “Teka lang maa’m bago mo ako lecturan ay este pagalitan. Ano po bang klase ito?”tanong ko at nagtawanan ulit sila.

     “Keep quite class!” sigaw nito at tumahimik nga sila.

     “Hindi mo alam kung anong klase ito eh pumasok ka dito? Any way Political Science ang class na ito.” Muling sabi nito.

     “Okay maa’m, pag patuloy mo na akong pagalitan. Dito nga ang klase ko.”sabi ko at ipit ang pagtawa nila.

     “Umupo ka na nga lang. Basta sa susunod na ma-late ka o sino man sa klase ko, I’m suggesting to all of you, you better do not enter in my class. Uderstood ?”

     “Yes maa’m.” sagot ng lahat.

     “At isa pa, ikaw Mr. Maurer akala mo siguro hindi kita napansin . Maski ikaw , kahit na varsity player  ka pa ng basketball team you’re not excuse. Lahat kayo pantay- pantay sa klase na ito. And you!” sabay turo sa akin.

      “May prolema ba, bakit ayaw mong umupo?”tanong niya pa.

     “Maa’m saan po ba pwedeng umupo?” nagtawanan pa sila ulit.

     “Ano ka ba ang dami namang pwedeng upuan  diyan ha.... diyan oh sa tabi ni Mr. Maurer.”

     “Thank you maa’m.”at umupo na nga ako sa tabi niya.

     Kung gaano kaingay ang mga kaklase namin ay ganoon naman katahimik si Mr. Maurer. Ako ang bumasag ng katahimikan.

     “Hi, ako nga pala si Daryl Zieryle Chua in short Dang na lang. And you  are?”sabi ko at iniabot ko ang kamay ko pero,  sinupladuhan na naman niya ako at tinignan pa ng masama. Sayang gwapo pa naman pero ang sama ng ugali .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HEART BEATS FASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon