Love

3.4K 33 6
                                    

***

"Alam mo ang ganda ng mata mo..." Eto kame ngayon ni Dj, nag-tititigan, habang nakaupo, at nakapatong ang mga mukha namin sa lamesa. Naglalaro kase kame ng patagalan ng titig eh, kung sino unang kumurap ang mata, may parusa. 

"Ha?" Sabi ko. Habang nakatingin parin sa kanya.. Gusto ko sanang sabihin na, Sayo rin ang ganda ng mga mata mo. Kaso nakakahiya eh.

Ako nga pala si Kath, matagal na kong in-love dito sa mokong na to, di ko nga lang alam kung kelan at kung paano... Basta bigla nalang akong na-inlove sa kanya.

"Ay binge lang? Sabi ko ang ganda ng mata mo.." Kinikilig ako. Hihi. Pero deep inside lang, bawal ipahalata.

"Ahh. Talaga? Hehe. Salamat. Sayo rin ang ganda, ang sarap titigan.." Oh no! Sinabi ko yon? Waaaa! Umiwas na tuloy ako ng tingin. Okay talo na ko.

"Hahaha! Talo ka na! Bwahaha! Ikaw ha? Pinagnanasaan mo yung mga mata ko!" Ayun, tawa siya ng tawa. Habang ako umiiwas ng tingin sa kanya, nakakahiya kaya yung kanina. Daldal mo kase dila! Arghh.

"H-ha? Hindi noh! Bat ko naman pagnanasaan yang m-mata mo!" Waaa! Nags-stammer pa ko. Oh no!

"Hahaha! Sabi mo pa nga, ang sarap titigan e. Ayiiee. Crush mo ko noh?" Oh no! Oh no! Panu na yaaaaan? Kilala ko si Dj, bestfriend ko yan e, hindi ka niyan titigilan.

"Kapal mo rin eh noh?! Muka mo naman! Lumayas ka sa pamamahay ko! Chupiii!" Tinutulak ko na sya palabas ng bahay namin. Waaah! Nakakahiya talaga!

"Uyy. Di ka nag-deny. Ibig sabihin crush mo talaga ako noh? Haha! Tsaka yung premyo ko, di mo pa binibigay sakin! Natalo ka kaya sa titigan!"

"Basta lumayas ka na dito! Bukas na yung premyo mo! Chupi! Bye!" Ayun, pinagsarhan ko na siya ng pinto.

"WAAAAAAAAAAH! KATHRYN! DILA MO! PUTULIN KO YAN!" Sigaw ko sa sarili ko. Baliw na yata ako.

"Kala mo DJ! Tchh. Di kita crush noh! Mahal kaya kita!" Habang kinakausap ang sarili ko! WAAAAAH! Nakakainis!

"TALAGAAAAA?! CRU--- Ayy. MAHAAAL MO KO KATH?! AYIIIIIEE" (O//////O)

WAAAAAH! Si Dj! Nasa may bintana! Yemaaas! Waaaaaaah! Oh no! Anung gagawin ko?

"HA-HA-HA-HA! Ang binge mo Dj! Wala akong sinasabing mahal kita noh?! Utut mo!" Halata pang peke yung tawa ko. Ugh. Nagp-panic na ko. Anung gagawin ko?!

"Weh? Rinig na rinig ko Kath, mahal mo ko!" Sabi pa niya. Kahit naman sabihin ko na hindi ko siya mahal, ipagpipilitan niya parin yun e, kase narinig niya na nga.

"OO NA! MAHAL KITA! EH ANU NAMAN KUNG MAHAL KITA? MAY MAGBABAGO BA?!" 

Umalis na siya dun sa bintana, Ayun pumasok sa pintuan. Di ko pala na-lock. Tanga lang. Sorry naman!

KathNiel One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon