Sorpresa

0 0 0
                                    

Habang papalapit sa pintuan, mas papalakas ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan sa aking surpresang pagbabalik, natutuwa dahil makakasama ka nang muli. Handa na akong harapin ka, at sa pagkakataong ito'y hindi na ako tatalikod pa. Mahal, handa na akong ialay ang sarili ko sayo, papakasalan na kita.

Huminga muna ako nang malalim, saka pinihit ang hawakan ng pinto. Paunti-unti, binuksan ko ito. Napatigil sa aking nakikita, nasaktan nang sobra sobra.

Ang plano ko'y sorpresahin ka, pero tila ako ang mas nasurpresa.

Nakita kong nagulat ka din, pati na rin ang lalakeng iyong kasama. Ang babaeng pinakamamahal ko at ang pinakamatalik na kaibigan, pinagtataksilan ako.

"Bro.." Kasabay ng pagsasalita niya ay ang pagbuka din ng bibig mo.

"Jared? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na gulat mong tanong.

"M-Mahal.." Sinisikap kong hindi pumiyok, "bumalik na ako. Nandito na akong muli."

Hindi ko na napigilan, pumatak na ang mga luha ko. Alam kong nakakabading ang umiyak sa harap ng ibang tao, pero putangina? Ngayon pa ba ako mahihiya?

"Akala ko sa susunod na linggo pa ang balik mo.." Napakalakas ng loob mo, nakakausap mo ako nang deretso. Mahal, sobra, napakatatag mo.

"Balak kong sorpresahin ka, pero ako ata ang mas nasorpresa." sabi ko at saka tiningnan ang lalakeng minsan kong naging kaibigan, ang lalakeng akala ko mapagkakatiwalaan. Haha, putangina, wala na nga palang ganoon. Napakatanga.

"Magpapaliwanag ak--" pinutol ko na ang iyong sasabihin.

"Hindi mo na kailangan pang magpaliwanag," sabi ko habang masaganang tumutulo parin ang luha sa mga mata, "mahal, siya na ba?" Tanong ko, natigilan ka.

Tiningnan mo siya, mukhang alam ko na ang sagot.

"Kasabay ba noong pag-alis ko noon ay ang pagkawala din ng puwang para sakin dyan sa puso mo?" hindi ka parin nagsasalita, "siya na ba ang pumalit sa pwesto ko? Mahal, siya na ba?"

Ayokong marinig ang sagot mo, pero kailangan. Kailangan nating dalawa.

Tumango ka, saglit pa akong natigilan bago maisip na hindi na pala talaga ako. Tuluyan nang gumuho ang mundo ko.

Sa harap mo--sa harap niyo, hinayaan niyo lamang akong umiyak. Kailangan ko din ito, ang ilabas ang lahat-lahat. At nang maramdaman kong kaya ko nang muling harapin ka, tiningnan kita. Mata sa mata.

"Kapag sinaktan ka niya, sabihin mo sa akin. Dahil kapag sinaktan ka niya, Mahal, babawiin kita. Mahal na mahal kita." Tumulo ang luha, "ikaw parin, kahit hindi na ako." Sa huling pagkakataon, hinalikan kita sa noo. Tatalikod na ako, tatalikod papalayo sayo.

Marahang naglakad papunta sa nakabukas na pinto. Kasabay ng paglabas ko sa pintong ito ay ang paglabas ko din sa buhay mo.

--HimiPig

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One-shots Where stories live. Discover now