LISA's POVTatlong buwan na ang nakakalipas mula nung makilala ko si Nini at Chichu at hanggang ngayon nanliligaw parin ako kay Nini. Minsan sinusundo ko sya sa bahay nila pagwalang pasok para makapag date kami sa labas. Sobrang saya ko kapag magkasama kami feeling ko ang bilis lagi ng oras, kung pwede ko lang sya ibulsa at iuwi gagawin ko hahaha😂
Nasa canteen kami ngayong apat para kumain ng lunch. Nasa tapat ko si Nini at magkatapat naman si Chichu at Chimpmunk. Medyo busy kami nung mga nakaraang araw dahil malapit na ang Sportsfest sa school. Nagpapraktis kami ng sayaw ni Rosè after ng class dahil may special number daw ang dance club. Si Nini at Chichu naman ay nag aasikaso para sa kanilang gagawin na booth. Kinakabahan na ko dumating yung araw na yun dahil dun ko balak tanungin si Nini kung pwede ko syang maging girlfriend.
"Lisa kamusta naman yung ginagawa mo? ok na ba lahat?" nakangising tanong sakin ni Jisoo. Nagulat naman ako sa sinabi nya at napatingin kay Nini na nagtataka sa sinabi ni Jisoo. Alam kasi ni Rosè at Jisoo yung plano ko sa Sportsfest.
"h-ha? w-what do you mean?" pautal kong tanong sa kanya dahil sa sobrang kaba.
"i mean yung ginagawa mong pagpapraktis para sa special number ng dance club nyo? ok na ba?" mapang asar na tanong nito sakin. Nakakainis dapat pala hindi ko nalang sinabi sa kanila.
"a-aahh yun ba? o-oo ok na hehe" sagot ko naman sa kanya.
"ok ka lang ba Lili? kinakabahan ka ba para sa special number nyo?" nag aalalang tanong sakin ni Nini. Aiisshh! ang ganda talaga ng Nini ko😍
"a-ah a-ano~" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang nagsalita si Rosè
"oo! grabe! kabadong kabado sya para sa sportsfest! sana nga daw magawa nya ng maayos para mapasa~" tinakpan ko bigla ang bibig nya
"MAPASA?--YA!! oo mapasaya yung mga manonood hehe" pagpapatuloy ko sa sasabihin ni Rosè
"wag ka kabahan Lili alam kong magagawa mo yun ng maayos mapapasaya mo silang lahat sa performance nyo" nakangiting sabi sakin ni Nini
"oo nga naman! wag kang kabahan si Jennie na nagsabi oh?! magiging successful yun dont worry" mapang asar na sabi sakin ni Jisoo. Hayyss ang sarap nilang itakwil bilang kaibigan.
Kumakain padin kami ng biglang may lumapit na lalaki kay Nini. Nababadtrip na talaga ko sa lalaking to halos mag isang buwan narin syang nagpapapansin sa Nini ko. Kung pwede ko lang sya ipatumba gagawin ko hahaha charot lang di ako killer nu😂
"Hi Jennie? aahhmm may itatanong lang sana ko hehe" nahihiya at nagkakamot ng ulo na sabi ni Rein. Sarap batukan hindi naman gwapo! may itsura naman sya sakto lang pero mas pogi padin ako hahaha charot!
"ano yun?" nakangiting tanong ni Jennie dito. Nakakainis na ah parang wala ako dito ah? bastusan lang?
"tatanong ko lang sana kung pwede kitang maging date sa sportsfest" tanong nito kay Jennie. Ok! that's it! im out! di ko kayang marinig isasagot nya. Tumayo na ko bigla at umalis ng hindi nagpaalam.
JENNIE's POV
Nagulat ako ng lumapit samin si Rein. Napansin ko na ang sama ng tingin ni Lisa dito. Ang cute nya naman magselos hahaha😂😂
"Hi Jennie? aahhmm may itatanong lang sana ko hehe" pagsisimula nito ng makalapit sakin
"ano yun?" nakangiti ko syang tinanong dahil ayoko naman maging rude sa kanya. Napansin ko na napalingon sakin si Lisa at ang sama ng tingin sakin.
"tatanong ko lang sana kung pwede kitang maging date sa sportsfest" tanong ni Rein sakin. Nagulat ako sa sinabi nya.
"ahhmm~" sasagot na sana ko ng biglang tumayo si Lisa at umalis. Patay na! nagselos na talaga sya!
"sorry Rein, may ka date na kasi ako sa sportsfest ey. im sorry" pagkasabi ko nito sa kanya ay tumayo na ko at sinundan si Lisa. Hindi na ko nagpaalam at tumingin sa kanila kailangan ko mahabol si Lisa.
Kanina pa ko naglalakad sa hallway pero hindi ko mahanap si Lisa. May napagtanungan ako na isang student kung nakita nila si Lisa ang sabi nila papunta daw sa taas. Naalala ko na minsan sa rooftop sya tumatambay pag gusto nya mapag isa. Dali-dali akong tumakbo paakyat para makausap ko sya.
Nakarating na ko sa rooftop at nakita kong nakahiga sya sa malilim na lugar. Nakatingin lang sya sa ulap na parang napakalalim ng iniisip. Napatitig ako sa muka nya at napangiti sa naisip ko. Sobrang ganda nya ang swerte ko at sakin sya nagkagusto hihihi kinikilig ako!😂
"ano ginagawa mo dito? bakit bigla kang umalis?" tanong ko sa kanya habang naglalakad palapit sa kanya. Napaupo naman sya sa gulat ng marinig ang boses ko. Umupo ako sa tabi nya ng makalapit ako.
"wala. enjoy ka nga pala sa date nyo ni Rein sa sportsfest ah" sagot nito sakin at akmang tatayo na. Hinawakan ko ang kamay nya at ipinatong ang ulo ko sa braso nya.
"wag ka na magselos. Hindi mo naman kasi tinapos yung sasabihin ko sa kanya ey. Alam mo naman na ikaw ang ka date ko sa sportsfest diba?" nakangiting sabi ko sa kanya. Napatingin naman sya bigla sakin ng nakangiti.
"t-talaga? ako ang date mo?" tanong nya sakin habang nakangiti at hinarap nya ko sa kanya habang nakahawak sa magkabilang braso ko.
"bakit? ayaw mo? sge si Rein nalang sasamahan ko" pang asar na sabi ko sa kanya. Nagulat ako ng niyakap nya ko bigla.
"sino may sabing ayaw ko? gusto mong tupiin ko yung Rein na yun ha? nagtitimpi lang ako sa kanya! hindi nya ba alam na akin ka lang? at sakin ka lang bagay?" sabi nito sakin. Napangiti naman ako sa sinabi nya at namula ang pisngi. Shit guysss kinikilig ako!!!! hahahaha ang landi ko bes!😂😂
-----
~~~short update lang muna ako guys sensya na medyo busy ey😅✌️