Daaaa Mooooobs!

1.1K 183 58
                                    

"P're, friends na kayo sa facebook ni Crish 'diba? Engot mo pabagal-bagal ka. Mag-damubs kana, 'wag kang pa-torpe torpe kung ayaw mong maunahan." Sabay tapik sa akin ni Niel, alam niya kasing matagal ko ng gusto itong si Crish kaso lamang ay nahihiya ako.

"Anong gagawin ko? Hihintayin ko nalang na panain siya ni Kupido sa'kin."

"Bobo, walang Kupido! Gumawa ka ng paraan mo, chat mo! Banatan mo kahit corny, marupok babae dyan."

Bigla namang pumasok sa isip ko ang sinabi sa akin ni papa, nakuha niya ang oo ni mama no'ng banatan niya ito ng mga corny jokes.
Sa oras na 'yun ay sinapian ako ng kakapalan ng mukha, maganda ang mood ko at sakto namang naka-online si Crish.

Me: Hi, Crush.
Crish: Huh?
Me: Ah-eh, este Crish. Hehe.
Crish: Hi, Luv.
Me: Luv?! Woooowowowoooow! Sabi ko na nga ba crush mo rin ako eh. Sabi na eeeehhh!!
Crish: *Xuv. Tss, typo kase okay? Umasa kang magugustuhan kita, Xuviel Alferez!
Me: Aray, bangin ka ba?
Crish: Kasi nahuhulog kana?
Me: Hindi, ang lalim mo eh.
Crish: Huh?!
Me: Lalim ng pagmamahal ko sa'yo. Yieeee HAHAHA!
Crish: Baliw.
Me: Ka, sa'kin. Sa-a-kin!
Crish: Asa ka.

Kinabukasan ay bumalik ang pagiging ako, torpe at mahiyain na naman. Bigla akong tumitiklop kapag nakaka-tabi ko na siya sa upuan.

"Hoy, humarap ka nga sa'kin."
Sabay sundot niya sa likuran ko.

"Ayaw ko nga, chix ka ba?"
Sagot ko na nakatalikod pa rin, ang totoo'y kumakabog na ang dibdib ko sa kaba.

"Ayaw mo ba?" Nag-iba ang boses nito, nagpapa-cute na ewan.

"Ayaw ko nga, marupok ako ano ba."
"Para kang bakla, bakla!"
"Che."
"BAKLAAAA!"

Sumigaw siya't nag-tingan ang lahat sa amin, bigla akong humarap at halos magka-dikit na ang aming ilong sa lapit. Hindi ko namamalayan, hindi siya umaalis sa ganoong posisyon. Magka-dikit na talaga ang aming mukha, ng biglang lumapit si Niel at tinulak nito ang ulo ni Crish sa akin. Mabilis akong umiwas pero huli na, nahalikan ko siya, sa mismong labi niya ay dumikit ang labi ko.

Nanlaki ang mata niya, tayo sabay takbo sa labas dahil sakto namang uwian na namin.

"Waaaah XuvDria!"
"Xuviel habulin mooo!"
"Taena kinikilig ako putek!"
"Kinilig lang 'yun kaya tumakbo HAHAHA"
"First kiss silaaaa!"
"BUKAS MAG-JOWA NA 'YAN!"

Hiyawan ng mga kaklase ko, halos mamula ako sa nangyari. Umuwi ako ng panay ang ngiti, sobrang saya ko.
Agad kong chinat si Crish pagkauwi ko.

Me: Crush...
Crish: *seen*
Me: Okay, Dria. Sorry kanina ha, baka nainis ka sa'kin. Baka iwasan mo na ako dahil dun. :<
Crish: Hays.
Me: Hala, sorry na talaga.
Crish: Ayaw kong Dria tinatawag mo sa'kin.
Me: Shandria?
Crish: Ayaw ko.
Me: Crish. Okay, Crish.
Crish: Hindi rin 'yan.
Me: 'Yan lang naman tinatawag ko sa'yo, bukod sa... Crush?

Crish: Crush mo 'ko?
Me: Aaaaahhh! Bumabanat ka ba?
Crish: Nagtatanong ako.
Me: Oo, matagal na. Simula pa nung una, pinaramdam ko naman eh. Manhid ka lang talaga.
Crish: Hindi ako manhid, Luv.
Me: Type mo mali, Xuv 'yon eh paasa ka.
Crish: Tagalog ng type?
Me: Um, tipo?
Crish: Kita. Ki-taaaa.
Me: Tipo, mo 'ko? Asa ako. Sasabihin mo ulit "Asa ka." Sakit kaya.
Crish: Oo, umasa ka talaga.
Me: Oh 'diba, haaaays!
Crish: Paulit-ulit kong sinabi na "Umasa ka, asa kang magugustuhan kita." Gets mo ba? Eh ikaw 'tong manhid sa'tin. Sabi ko umasa kaaa! Dahil oo, bangin ako pero nauna akong mahulog sa'yo dati, Luv.
Me: Typo ka? Crush?
Crish: Engot, tss! Luv kita, Xuv. Love kita! Crush kita dati pa, ngayon Love na kita.

Crishandria Suarez set your nickname to Luvq💓

You set the nickname for Crisha to Crushq💓

Hindi ako nakatulog, pati siya. Magkausap kami mag-damag. Mula noon, kahit sa school ay palagi na kaming magkatabi, magkausap, hatid sundo ko siya at patuloy pa ring nililigawan ngayon hanggang sa mag-18 siya. Btw one week nalang 18 na siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

T Y P OWhere stories live. Discover now