Talento

461 9 1
                                    

Ako si Nathaniel Wilhelm. Labimpitong gulang na ako at ako'y nag-aaral sa La Loreña College - Liloan, isang paaralang, punong-puno ng mga pinakamatalino at mga pinakatalentong mga tao, napapalibutan ng mga punongkahoy at halaman. Subalit, ako'y naiiba. Wala akong talento. Hindi ako matalino.

Araw-araw pumupunta sa paaralang ito, at araw-araw ako nakakita sa galing ng iba. Tulad ni Velena Haile, marikit at matalino, maisaulo kaagad ang mga sinabi ng mga guro at maipaliwanag ng maayos pa. Si Vincent Paul din, isang magaling na mangguguhit, kapag gumuguhit siya pati ang mga pinakamaliit na detalye ay kuhang-kuha niya. Si Norman Williams naman ay isang mahusay na makata at manunulat, lahat ng mga tula niya ay grabe ang bagsak ng emosyon at ang mga kuwentong isinulat niya ay sobrang ganda. Maraming mga taong may mga kahanga-hangang abilidad dito. At ako, anong mayroon ako? Wala akong talento.

Kung sana ang talento sa isa sa kanila ay aking talento rin, sapat na iyan sa akin. Kaya, tinangka ko na gagayahin ko sila. Ginagaya ko ang mga ginawa nila para matutunan ko ang kanilang talento. Paminsan-minsan ay palihim kong sinusunod sila.

Pero, wala, hindi gumana, apat na buwang lumipas, wala pa rin. Hindi ko matutunan ang kanilang mga talento. Ginagaya ko si Velena, ngunit hindi ko makaintindi at hindi ko talaga maisaulo. Ginagaya ko si Vincent, subalit hindi ko matatama ang itsura ng aking iginuhit. Ginagaya ko si Norman, datapwa't sa ikalawang linya ng tula o kuwento hindi ko na alam kung ano ang aking idurogtong. Wala akong talento.

Wala akong talento, talaga, wala akong talento. Kahit anong gawin kong panggagaya, ang kinalabasan ay pareho. Walang kaibahan. Wala akong talento, wala akong talento... Wala akong talento.

Isang araw, nung pumunta ako sa paaralan, maagang-maaga pa, nakita ko sina Vincent, Velena't Norman nagkuwentuhan sa school plaza. At napansin nila ako.

"Nathan! Hali ka rito." "Ang ingay mo, Paul." "Aray! Pasensya na, Velena, ang sakit mong manampal." "Gusto mo punan pa iyan?" "Oy... oy... sige, tatahimik na ako. Ano ba ang strikta."

Ako'y napangiti sa dalawa. Si Norman naman ay nakakuha ng inspirasyon at nagsusulat na naman ng isang kuwento. Nakatulala lamang ako habang nakatingin kay Norman na gumagalaw sa kaniyang lapis at sa kalalim ng konsentrasyon niya. At, ako'y nagulat sa pabiglang pananong ni Paul na parang ang pagtibok sa aking puso ay mas malalim pa kaysa sa Mariana Trench.

"Bakit ka ba palihim na sumusunod sa amin?"

Sila'y tumingin sa akin na seryosong-seryoso. Ang pagtibok ng aking puso ay bumilis dahil sa presyur sa sitwasyon ko ngayon.

"Sumusunod? Bakit mo nasabi iyan? Wala akong sinusundan."

"Huwag ka nang mangatwiran, halatang-halata ang iyong mga kilos."

Ang pagtingin nila'y parang patalim na nakatutok sa akin. Huminga ako ng malalim at sinabi ko ang katotohanan sa kanila. Silang tatlo ay namangha. Pati na rin si Norman, na kadalasang walang pakialam sa nangyari sa iba, ay namangha. Ako naman ay nalilito sa kanilang mga reaksiyon. At sa unang pagkakataon ay nakarinig ako na nagsalita si Norman Williams.

"Naiinggit ka sa amin?"

Iyan ang kaniyang tanong. At ako'y nagalit at sumagot sa kaniya na bakit hindi. Wala akong talento, wala akong kakayahang katulad sa kanila. Hindi ako magaling. Ako'y napaiyak. Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang isa sa aking mga kamay. Sinabihan ko sila na ako'y sobrang naiinggit sa kanilang kakayahan. Bakit hindi ako maiinggit?

"Ang katatawanan nito ay naiinggit rin kami sa iyo."

Ako'y nagulat sa sinabi ni Norman. Sila? Naiinggit sa'kin? Imposible naman iyan, bakit maiinggit ang mga matatalino't talento sa taong katulad ko? At parang nabasa ni Velena ang aking iniisip.

"Naiinggit kami dahil sa iyong abilidad na umangkop sa kahit anong sitwasyon, at gumalaw na parang natural lamang. Hindi perpekto, Oo, pero kuhang-kuha mo ang esensya."

Ako'y natulala sa sinabi Velena.

"Oo, tama. Nathan, natatandaan mo pa ba ang 'yung pagsasadulang "Macbeth"? Nagkasakit si Jonathan, ang kaniyang papel ay si Macbeth. Tapos ikaw ang pumalit sa kaniya, at kahit hindi mo naisaulo ang lahat ng linya, naipatuloy mo pa rin ang pagsasadula na walang problema. Ang galing niyan, hindi ba?"

"Mayroon din 'yung pagkakataon na nagkagulo ang silid-aralan dahil nagkaiba-iba ang mga ideya, at ikaw ang nagtapos sa gulo pagkatapos nasiyahan pa ang lahat."'

At iyon ang mga sinasabi nina Paul at Norman. At ako'y napaiyak muli. Umiyak ako ng umiyak, ngunit may halong tuwa. Nakuha ko na ang gusto ko. Hindi. Nakita ko na ang hinahanap ko. Hinahanap ko ito noon sa pamamagitan sa pagtingin sa iba, subalit hindi ko napansin na ang hinahanap ko pala ay nasa akin na. Ang aking hinahanap. Ang aking pinapangarap. Ang aking. Talento.

TalentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon