Michael Troy Jackson
I like you.Sheena Alvarez
Like? What do you mean?Michael Troy Jackson
I like you. More than friends. Can I court you?----
Sheena Alvarez
Sana may maregalo sakin ng WATCH. ;) Gusto ko kasi laging may time. <3
Michael Troy Jackson and 68 others like this.
-----
Sheena Alvarez
Michael Troy Jackson my very first boyfriend..
Gwapo, Mayaman, Sweet..
Kaso hindi pa kami nagkikita ever since. Lagi kasi siyang busy. Member kasi sya ng student council, and graduating na din sya kaya nagfofocus sya sa studies nya. Tumutulong din sya sa negosyo ng family nila. Isa syang Civil Engineering student na nag-aaral sa isang kilalang University sa Maynila. Ang yaman di ba? Rich kid ang boyfriend ko at maraming naiinggit sakin dahil hindi lang siya mayaman, heartthrob din. O di ba? ^_^
Nakakainis lang eh ang daming malalanding nagkakagusto sa kanya kahit na may girlfriend na siya. Tss
Buti na lang at loyal siya sakin dahil kung hindi ibebreak ko talaga siya. Hahaha. Joke lang hindi ko yun magagawa sa kanya kasi mahal na mahal ko siya. Ang swerte ko kaya sa kanya.Pero marami ang humahadlang sa relasyon naming dalawa bukod sa maraming inggitera, eh madami ding nagkakagusto sa kanya. Pati mga kaibigan ko parang ayaw sa kanya. Minsan nga habang magkatext kaming dalawa naisip ko siyang tawagan. Hindi ko pa kasi naririnig ang boses niya at gustong gusto ko na marinig.
Excited pa ako nun na i-dial ang number niya pero nung sinagot niya hindi siya nagsasalita, hello lang ako ng hello. Ang creepy nga eh kasi sobrang tahimik talaga sa kabilang linya. Ni walang ingay na maririnig, kundi isang malakas na ihip ng hangin. Medyo kinilabutan ako nun kaya pinatay ko na. Tinanong ko siya kung bakit hindi siya nagsasalita..
"Nagsasalita kaya ako baka hindi mo lang naririnig kasi mahina signal ng cellphone mo."
Yan ang sabi niya sakin sa text. Malakas naman signal ko kaya imposible naman na hindi ko siya marinig? Sabi niya pa, baka naman sira ang speaker ng cellphone ko. Pagkatapos kong iend yung call ay sinubukan kong magpatugtog ng kanta pero may sounds naman at naririnig ko. Ang lakas pa nga eh. Umiling na lang ako nun.
Tsk. Kung anu-ano na tuloy ang pumapasok sa isip ko. Alam ko naman na importante ang gagawin niya kaya hindi nya ako minsan maasikaso. Pero okay lang ang sweet nya naman dahil lagi syang nag papadala sa akin tuwing monthsary namin. Minsan kahit hindi ko hilingin binibigay nya nalang ng kusa. Ang swerte ko talaga ^o^ Michael ko kailan kaya kita makikita *-*
----
Michael, hinahanap ka na nila papa dito sa bahay. Gusto ka nila makilala. Kailan kba pupunta dito?
Message sent.
1 new message...
I can't I'm busy. May pupuntahan kami ni daddy. Maybe next time.
---
Kung hindi ka pupunta dito ako ang pupunta dyan.
Message sent.
1 new message....
Hindi pwede walang aasikaso sayo. Aalis kami ni daddy. Out of town.
Psh! Excuses! Puro nalang sya excuse!
-----
Nandito ako ngayon sa labas ng bahay namin naghihintay ng reply niya pero ang magaling na lalaki hindi pa rin nagrereply ilang minuto na akong nakatayo dito nakakainis! Monthsary pa naman namin ngayon hindi man lang niya ako binati! Nakakainis! -.-
YOU ARE READING
Ghost Boyfriend
Mystery / ThrillerAng lahat ng ito'y kathang isip lamang ang mga pangalan at pangyayaring na nahahawig sa tunay na pangyayari ay pawang coincidence lamang.. Collaboration story 2 years ago 😂