Sa Church Lang Ako!

128 1 2
                                    

LOVE can change everything . Binago ni Maryenn ang isang pananaw ko sa buhay....

Ordinary teen ager ako. Mahilig sa labas ng bahay. Maraming kaibigan. Madalas akong kumakanta habing nakatambay ako sa harap ng bahay namin, 'yung bakanteng lote namin na sa tuwin summer ay namamatay ang mga nakatanim doon ng lola ko na mga dahon-dahon tulad ng talbos ng kamote at alukbati. May mataas na puno ng duhat doon at sa ilalim nu'n ay may ginagawa si daddy na lamesang kahoy at mga upuang kahoy na galling rin sa puno. Meron ring lumang papag na kama roon at madalas rin doon nakikiupo ang mga barkada ko sa lugar namin-sina Pogs, Anjo, Nico, at Chris. Lahat kami second year college, pero kami lang ni Pogs ang magkaklase. Sina Nico at Chris sa magkasamang school nag-aaral. Si Anjo, sa ibang school.

Sa ilalim ng puno ng duhat na'yun kami nag-gi-gitara, nagkukwentuhan ng seryoso at ilang kalokohang bagay. At kapag wala si daddy, out of town ay nag-iinuman kaming magkakaibigan doon. Tig-iisang bote lang naman ng Red Horse o kaya San Mig beer.

Tatlo ang kapatid nkong babae. Dalawang highschool, at isang grade six.

Sina Pogs at Anjo, may girlfriend na sa school. Sina Nico at Chris wala pa. ako, wala na. Wala na kami ni Rachel, classmate ko, since first sem of first year pa. Wala muna akong nililigawan mula nang magkahiwalay kami ni Rachel. May mga crushes ako pero ayaw ko munang makipag-girlfriend. Hindi kasi malalim ang feelings ko sa kanila.

MINSAN, bilog ang buwan. Gabi na ay nasa labas pa ang mga bata sa 'min dahil naglalaro ng patintero at tagu-taguan. Parang akala mo walang pasok bukas Maetes. Tumambay na naman kaming apat na magkakabarkada sa ilalim ng puno ng duhat. Kwentuhan lang.

" Muntik ko ng makalimutan, mga 'tol, buti naalala ko. Nakita n'yo ba ang bago nating kapitbahay?" tanong ni Chris.

" Sino, 'yung kasama ni Sugar? Si Honey?" at humagalpak ng tawa si Anjo.

Si Sugar, bading. Syempre bading rin ang bestfriend niyang si Honey.

" Hindi 'yun. 'Yung babae na parang college na rin, 'yung maputi." Sabi ni Chris.

" Maputi? Wow, type. Mukha bang artista?" tanong ko.

" Oo. Si ano, ano ba'ng pangalan nu'n? Maryenn. Tinawag siya ng kapatid niyang lalaki na ate Maryenn.

" Nakita ko na siya." Sabi ni Anjo. " Pwede. Maganda. Sayang may girlfriend na ako."

" Kung wala nga lang rin akong Rochell, liligawan ko 'yung Maryenn na 'yun eh." Sabi naman ni Chris.

" Kung hindi nga rin kami nagbalikan ni Misty baka inumpisahan ko ng ligawan ang Maryenn na 'yun." Sabi naman ni Pogs.

Yup, lahat sila may girlfriend. Kami lang ni Nico ang wala. Parang nagkaroon ako ng interes sa Maryenn na 'yun.

Biglang may dumaan na girl. Naka-shorts na may bulsa ang sides, naka-violet blouse, naka-ponnytail at may dalang book. Simple lang pero ang lakas ng appeal.

" Yan si Maryenn!" sabi ni Chris.

" Wow! Ang cute niya! Sa isip ko.

" Hi Maryenn!" bumati si Anjo.

Lumingon at ngumiti si Maryenn kay Anjo. "Hi!" Mahinang sabi nito, at pagkatapos ay sumulyap sa akin.

Ang cute mo, Maryenn!

" O dib a ang cute niya?" tanong ni Chris. " Choir member 'yan." Dagdag pa ni Chris.

Sa Church Lang Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon