*Andrei's POV*
Naglalakad kami ngayon ni Alex sa may hallway papunta sa building ng department ko, sinundo niya kasi ako kanina sa bahay para sabay daw kami pumasok.
At as usual, sa everyday life ko, hawak ko ang phone ko at nagpepeysbuk. haha. Vinisit ko yung profile ni Alex..
"Babe—" tatanungin ko sana kung san niya inupload yung picture ko.
hinanap ko na kasi sa IG, Twitter, Tumblr, LinkedIn, Google+ at sa kung saan saan pa pero wala. eh kasi naman hindi man lang ako tinag dun sa picture ko nung inayusan niya ako nung friday.
Kaso hindi ko siya makausap, bukod sa nakaheadset eh ang ingay sa paligid parang palengke, lalo na yung mga nasa may likuran naming nag uusap na mga babae..
"Girl, alam mo na kung sinong partner ni Jade my love nung Ball?"
"Talaga may partner siya? diba tumugtog siya nung ball? so pano siya magkakapartner?"
"Nah ah, si Kent ang tumugtog nun."
"No, nakita ko kaya siya sa stage before and after ng Special dance"
"So you're saying that amalayer?"
"Oh no, Narinig niyo ba ang balita na may liligawan na daw siya?" biglang salubong nung isa para nga kaming babanggain ni alex ehh.
"what?"
"yes, yung nakapartner daw niya sa ball"
grabe nakakarindi yung usapan nila ang lalakas ng boses eh.. buti pa si alex eh nakaheadset.
"Babe daan pala tayo sa may locker ko, iwan ko muna yung ibang gamit ko" sabi ko kay alex pagkalingon niya sa akin dahil sa pagkalabit ko.
Gusto ko lang din umiba ng daan kasi ang sakit na ng tenga ko sa bangayan nung mga babaeng nasa likod namin. akala mo mga naka megaphone ehh.
"Sige bebe, sakto din dun na ako dadaan sa shortcut papunta sa building namin" sagot naman niya.
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)
AcakSi girl, super adik sa Korea. Anything na may kinalaman sa Korea, gusto niya. Then one day nagkaroon ng chance na matupad ang pangarap niya na makapunta sa dreamland niya pero imbes na mag-enjoy siya, nasira ang bakasyon niya dahil sa isang lalakin...