Chapter 9

57 3 0
                                    


Chapter 9

Aliona's P.O.V.

Nagpasama ako kay Cassy na maghanap ng bagong malilipatang condo. Yung mura lang ang babayaran para mapagkasya ko sa loob ng isang taon. Kakailanganin ko rin maghanap ng part time job.

Sabi ni Cassy sa akin doon na lang ako sa kanya. Wala naman daw problema iyon sa kanya pero ang akin lang kasi baka madali nila akong mahahanap. Siguro ay sa ibang probinsiya na lang ako pupunta o kaya sa Mindanao na lang ako.

"Cassy..."Tawag ko kay Cassy agad naman siyang tumingin sa akin.

"I decided na sa Boracay na lang ako magstastay."Sabi ko kay Cassy pero tumawa naman siya.

Sa Boracay na lang muna ako at least malayo-layo iyon mula dito.

"Ano ba Aliona...Hindi mo naman na kailangan pumunta doon. All you have to do is palabasin na nandoon ka. Na malayo ka talaga."Seryosong sabi ni Cassy sabay hawak niya sa kamay ko.

Napaisip tuloy ako sa sinabi niya. Tama naman siya. May point siya roon. Tumango ako sa kanya.

Nagpatuloy na ulit kami sa paghahanap ng condo. Hanggang sa may mahanap na kami. Mababa lang ang down payment at malapit lang ang napili kong condo sa isang convenience store.

Bukas daw ay pwede na akong lumipat dito. Gabi na pala ng lumabas kami ni Cassy doon sa condong napili ko. Sa labas na kami nagdinner ni Cassy at pag-uwi namin sa tinitirahan ni Cassy ay nakatulog na si Cassy ako naman ay inayos ko na ang mga gamit ko.

Pagkatapos kong inayos ang gamit ko ay natulog na rin ako. Nagising ako at tulog pa rin si Cassy. Naligo ako at pagkatapos ay pumunta na ako sa condo na lilipatan ko. Hindi na ako nagpasama kay Cassy dahil alam kong papasok pa siya sa trabaho niya ngayon.

Pagdating ko sa condo ay nagsimula na akong ayusin ang mga gamit ko. Inayos ko ang buong lugar. Hindi ito ganoong kalaki pero akalain mo iyon inabot ako ng maghapon. Pagkatapos kong mag-ayos ay namili naman ako ng pangkain ko. 5 pa lang naman ng hapon kaya pwede pa akong mag-groceries.

Naglakad na kang ako papunta sa supermarket. Baka kasi kapag nag-taxi pa ako ay mas mapamahal lang ako at tsaka malapit lang naman yung department store dito.

Namili na ako ng kakailanganin ko sa loob ng isang week. Bukas pala maghahanap na rin ako ng part time job.

Habang nagbabayad ako sa cashier ay napansin ko yung cashier lady ay titig na titig sa akin. Bigla siya nag-iwas ng tingin ng mapagtanto niya na nakatingin rin ako sa kanya.

"Meron bang problema sa mukha ko?"Tanong ko sabay punas ng mukha ko.

"Wala naman po pero pwe-pwede po bang magtanong?"Nauutal-utal nitong pagkasabi.

"Sure."Nakangiti akong tumango.

"Artista po ba kayo?"She asked curiuosly.

"Hay naku hindi noh. Do you recognize me?"Napaisip ng bahagya yung cashier lady. Nagsimula naman akong tuluan ng pawis.

"Sa tingin ko po ay nagkamali lang ako."Umiling ang cashier lady. I let out a sigh.

Nagbayad na ako sa cashier lady at lumabas na ako ng department store. Habang naglalakad ako sa daan ay may nakita akong nakapaskil.

'Wanted!!! Part-timer. 18 to 25 years old.'

Babalik na lang ako dito bukas. Sana makuha ako dito dahil malapit lang ito sa condo.

Pagbalik ko sa condo ay inayos ko na kaagad ang mga pinamili ko at natulog na ako. Maaga akong gumising kinabukasan. Inihanda ko ang mga kailangan sa pagaapply. This is a new day of my life ng walang magsasabi kung among dapat ang gawin ko.

Susulit-sulitin ko na ang bawat oras.

That Kind Of Love Is FakeWhere stories live. Discover now