HERO

100 1 0
                                    

JOHN JOSEPH VASQUEZ. 

Anak! Anak!  Gising na at may pasok ka pa. male-late ka niyan sige ka!

Yan ang mga salitang gumigising sa akin araw- araw.

Anyways, ako nga pala si Kenneth Cruz. Senior student sa New Era High School, masayahin akong bata sobrang busog sa pagmamahal ng mga magulang, nagiisang anak e. Wala na akong mahihiling pa. wala man kaming sobra sobrang pera. Sobra sobra naman ang natatanggap ko sa aking pamilya na pagmamahal. Dun palang sapat na para mabuhay!

Opo papa! Bababa na po ako. Maliligo lang at kakain na ako. Sagot ko habang naguunat upang tumayo sa kama.

After ng ilang minutes ng pagligo at pagbibihis ay agad na akong bumaba.

Hi papa, hi mama! Goodmorning po.

Hello anak. Kamusta tulog mo? Mukhang napasarap ka sa pag tulog ha. – MAMA habang namamalantsa

Oo nga po mama e. lamig kasi sa kwarto e. sarap ng aircon. HAHAHAAHA! Pa, ano pong almusal natin?

Ito anak, longganisa at fried rice may milo na din diyan. Hintayin mo lang at matatapos na ako sa pagluluto nito – PAPA habang nagluluto ng longganisa.

Pa Dalian mo na. malelate na ako sa skul e. hmpp!

Ito na nga po anak oh. Hehehe. –habang naghahain ng almusal naming tatlo.

Pagkatapos kumain ay agad na nagbihis si papa ng kanyang polo at sabay na kaming papasok. Siya sa kanyang trabaho at ako naman ay sa school. Ihahatid niya ako.

Nagpaaalam na ako kay mama, beneso beso at ganun din ang ginawa ni papa kay mama. Hays, lagi na lang naiiwan ang mama ko dun mag-isa sa bahay.

Pagkadating namin sa school ay agad ko syang niyakap at sinabihan ko siya ng I love you at thank you. Agad siyang ngumiti at nagpaaalam sakin. Malelate daw siya sa trabaho e.

Hays. Ano ba yan. First subject pala naming ang math. Kaasar naman pero okay lang. kayang kaya naman e. top 3 kaya ako samin. Over all. Sisiw! Natapos ang ilang oras at nandito na ako sa ika 5 kong subject para sa ngayon. Makikita ko na ang kaibigan ko/consultant/adviser/teacher ko sa values na si maam pangilinan. Alam niya lahat tungkol sakin.lahat lahat tungkol sakin. Marami akong kaibigan pero iba siya kasi nabibigyan niya ako ng matitinong payo tungkol sa iba’t ibang problema ko.

Goodmorning class, today we will be having our graded recitation. I know hindi kayo handa pero madali lang ito. All of you magsasabi kung ano at kung sino para sa inyo ang inyong hero.okay. ill give you 10 minutes to think. Ika ni maam pangilinan.

10 minutes na, times up! Okay let’s start with you Ms. Jabillo,

Wow. Ang astig naman ni tiffany jabillo. Di ko aakalain na para sa kanya ang hero niya is yung tita niya kasi wala na daw siyang parents yung tita niya na daw yung parent figure na nakagisnan niya.

Next will be Ms. Lahaina.

Ito naman si lahaina, ang bongga ng introduction niya. Di ko ineexpect para sa kanya nman daw si janiel ang hero niya. Ang kanyang boyfriend e pano nman daw kasi niligtas siya nito nung kamuntikan na siyang mabangga ng sasakyan. Pero infairness ang sweet ni janiel ha.

Mr. david

Mr.Navarro

Ms. Sumagaysay.

Lalalalala. Hindi ko na alam ang sinasabi nila kinakabahan din kasi ako e. grades kayo ito at hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa harapan. Kahit na top 3 ako paminsan minsan hindi din gumagana ang utak. Dadaanin ko na lang sa introduction ko. HAHAHHHAHAHA.

HEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon