Chapter 6
Nagising ako ng maaga dahil sigurado akong sobrang traffic na anman lalo pa at ang damin road re-blocking sa Edsa. Tinignan ko ang orasan ko at 6:30am pa lang, naisip ko si beb agad. Mahirap pala kapag magkaiba ng time zone. Dinampot ko ang phone ko at nagdial ng number ni Beb sigurado akong mahimbing pa siyang natutulog, pero magiiwan lang ako ng message incase di niya masagot. Naka ilang ring din pero voicemail prompt na.
“Please leave a voice message for Crystal Arteaga. After tone, you may start recording your message. When finish recording your message you may hang up or press # to delete the message. Thank you. Toot!”
“You’re my last call at night and my first thought in the morning. I so miss you beb. I know you’re still sleeping. Sweet morning Beb. I’ll call you again later. I love you!”
Pagka end ko ng call bumaba muna ako para i-check sina Mama at mga kapatid ko.
“Good Morning Ma, nasaan yung dalawa? Pumasok na ba?”
“Naku Elize, maaga silang umalis lunes ngayon eh. Halika sabayan mo na akong magbreakfast.”
“Ahh sa office na lang ako magbreakfast, maliligo lang ako Ma tapos sabay na tayong umalis. Ihatid muna kita sa terminal para di ka na mahirapan saka ako deretso sa office. Maaga pa naman eh.”
“Okay, sige ikaw bahala.”
Humigop lang ako ng konting coffee at dumiretso na sa shower room. Habang naliligo naiisip ko yung sinabi ni Mama kagabi. Didiskartehan ko na lang sa work at magdodoble sikap ako para makapagbigay ng mas malaking budget kina Mama at sa pagaaral ng bunso namin. Madami naming projects ngayong buwan siguro naman kakayanin ko yun.
Lumabas ako ng banyo na nakatapis. Humarap ako sa whole body size na salamin at napansin kong parang tumaba ako pero seksi pa naman. Napapalakas lagi kasi ang kain ko lalo sa opisina, eh gutumin pa naman ako. Kinuha ko yung hair drier at inumpisahan ko ng patuyuin ang long hair ko. Pareho kami ni beb na long hair. Wavy ang hair ko pero siya medyo curly. Magkasing tangkad lang kami ni beb pero mas hot chic siyang magdala ng damit.
“Ayan natapos na din ang wavy hair style mo EJ…Yikes ang girly! Tss! Hahaha” – Sabi ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin.
BINABASA MO ANG
Crossing the Limits (Lesbian Love)
RomansaSabi nila ang tunay na "Pag-big" yung hindi mo alam kung paano mo siya nagustuhan. Pero minamahal mo siya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Tanggap mo ang buong pagkatao niya, ang kanyang nakaraan at ang kanyang kasalukuyan. Hindi ba't napakasarap s...