"Mahal kita kaso walang patutunguhan"
Ni:Camille Malate
Hindi ko maintindihan
Bakit sayo pa tumibok ang puso ko,
Hindi ko din alam kung pano at kailan
Saan nga ba patungo ito?
Nararamdaman kong kakaiba
Simula ng makilala kita
Ang dating mata kong puro luha
Ay napalitan ng kinang, sa tuwing makikita ka
Nalulunod at wala na akong makapitan
Sa bawat segundo at oras na lumilipas
Nahuhulog ako mga salita mong matatamis
Nang hindi namamalayan
Basta ang sabi ng puso ko
Mahal kita,
Pero anong gagawin ko?
Ipagpapatuloy ko ba?
Ako lang naman kasi yung nag mamahal
Kumbaga "one sided love" lang , at ang kagimbalgimbal
Ay wala namang patutunguhan ang pag-ibig ko sayo
Ni katiting nga na pag-asa sayo
Hindi ko makita
Palagi mo nalang akong binabaliwala
Kaaya anong silbi ng pag-ibig ko?
Kung masasaktan lang din nman ako?
Pero kasi mahal kita,
Kahit yung ako lang talaga ang nagmamahal sating dalawa
Kaya pasensya kana kasi hindi ko na kaya
Wala ng patutunguhan itong pag-ibig ko kaya ayaw kona
Masakit na kasi e, sobra.
Kaya paalam na
Makakamove on din naman ako
Di man ngayon pero sa susunod siguro.
BINABASA MO ANG
Unspoken Word Poetry
PuisiYou can request some poems. Just leave a comment or message me. Ang mga nakapaloob na poems dito ay sariling akin, may collab din. Kaya please don't copy mine. The poems inserted are about love, kalikasan, God and scouting. I hope you enjoy readin...