Chapter 1

1.6K 9 1
                                    

"This Beautiful Tragedy come crashing into me, this dying destiny, will you be there?"

"Anong gagawin mo kung ang bestfriend mo ay ma-in love sa'yo ng hindi niya sinasadya? susuklian mo ba ito ng pagmamahal lang ng isang kaibigan? or tutumbasan mo pa ang nararamdaman niya?"

nagsimula lahat sa pagkakaibigan, matatapos din kaya sa pagkakaibigan din? alamin ang buong istorya sa pag-iibigan ni Den at Myco.

"It's very tiring. Volleyball never stops. hay life. but you gotta love your job naman diba? hay Dennise kalma lang okay? mag-rereview kapa. ughhhh." reklamo ni Den. isang first year College sa Ateneo De Manila University. She's taking up Bachelor of Science Major in Biology. Well, being a student-athlete is not a joke. indeed. you have to maintain your grades as same as your skills you have to excel in everything if you want to succeed. "No pain No gain" ika nga nila. Si Dennise ay isang libero sa volleyball team ng Ateneo kung saan siya nag-aaral. yan ang daily routine niya. Training-Study-Study-Training-Study (repeat). Wala na nga siya social life at lovelife.

"Alam mo 'wag kanang sumimangot nakakawala ng ganda promise" pagbibiro naman ni Ella
"uhuh" sarcastikong sagot ni Den
"Alam mo tama si Madam" pag sang ayon ni Alyssa kay Ella. Madam ang tawag nila kay Ella dahil sa Team nila ito ang pinaka bully. tawag din sakanya "Bully-lit" dahil sa height niyang 5'2 pero hindi naman dito nababase kasi kahit maliit ito mataas naman ang talon niya at nabblock ang kalaban nyang 6'2 ang tangkad.
sa team nila si Den lang ang kumuha ng kursong BS Biology. mahirap naman talaga kasi ang kursong ito pero matalino itong si Den.
"Matalino ka naman eh" pagsabat ni Mae isa pa nilang kasama sa kwarto.
"No kaya" mariing tanggi ni Denden.
"Magreview nalang tayo" pagtatapos ni Alyssa ng biruan.
"Tara Starbucks!" pag-yaya ni Ella
lagi kasi silang nasa starbucks para makareview ng maayos minsan kasi napaka ingay sa Eliazo (ang dorm nila).

pumunta na nga sila at nagreview doon, hanggang sa matapos sila at bumalik na ng dorm.

**

"Haaay. Morning again" pagrereklamo ni Den. may training nanaman kasi ito. kulang siya sa tulog dahil hanggang dorm ay nagrereview parin siya napaka hirap naman kasi ng Biology. pero gusto niya kasing maging Pediatrician.
"Girls, tawag na tayo ni coach" sigaw ni Ms. Charo dati ring volleyball player na assistant coach na ngayon.
"Yes Ms. Cha! coming!" sigaw ni Den. Cha shortcut of Charo. ayaw siyang tinatawag na Rosario.

"Study again" pagrereklamo niya ulit tapos na kasi sa class and late trainings, at magrereview nanaman siya dahil malapit na ang midterms nila.
AMDG - ang mantra ng eskwelahan niya pero para sa mga estudyante ang AMDG ay "Ang Matulog Di Gagraduate". ginawa nila itong mantra, matatalino naman kasi ang mga Atenista at mayayaman sila.

"Examssss........." pagmamaktol ni Mae
"haaayyyyy" pagsang-ayon ni Ella.
Hindi pa maglalaro si Alyssa this coming season dahil galing siya sa UST kailangan niyang magresidency. pero sumasali na siya sa mga trainings.

...

"Wohooo I'm free" sabay hinga ng malalim. tapos na ang hell week nila at back to normal na ang mga estudyante
"The best day of my life" sigaw sa hangin
"oh ayan free kana may panahon kana para sa lovelife" pagbibiro ni Ella
"na-uh" 'di pag sang-ayon na sagot ni Den. ayaw niya kasing maging distraction sa study at pagiging athlete ang lovelife, kung magbboyfriend man daw siya ay yung naiintindihan yung schedule niya.
"sus, yung mga manliligaw mo ayun oh nakapila" turo ni Dzi sa mga lalaking nanonood ng trainings nila. si Angeline Marie Gervacio o mas kilala bilang "Dzi Gervacio o Queen of Jump Serves" ay isa mga teammates niya.
"uhm. i don't care!" pag tataray ni Den.

When Destiny Meets Fate (My Friend, My Love, My Destiny)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon