A year of love
One short storyAko si Eyllie, I have a sweet boyfriend. His name is Drew. He's so sweet, caring, gentleman, lovable at laging nag-aadjust pagnag-aaway kami. Lagi n'yang binabaan 'yung pride n'ya. Siya lagi nag-aadjust. Siya 'yung tipong lalaki na wala sa iba. Parang inisip ko s'ya na 'yung makakasama ko habang buhay. Siya 'yung lalaking super duper protective and supportive. Nasabi ko nga sa sarili ko e. Ang swerte swerte ko sa lalaking 'to. Kaya n'yang gawin lahat para saakin. Isa s'yang sikat na singer sa school nila (Diba ang swerte ko na 'no) Super talented n'ya. Singer na nga, dancer pa (Asan ka pa HAHA). 'Yung feeling na bago ka matulog kinakantahan ka. 'Yung pinaka memorable sa'kin noon. 'Yung nililigawan n'ya ako sa harap ng maraming tao at nagcompose pa talaga s'ya ng kanta para sakin tapos may kasama pang sayaw. HAHAHA ang sweet n'ya talaga nun.. Tapos nagsama pa s'ya ng maraming assistant dancers hahaha. Tas sinasayaw n'ya pa ako kahit na gustong kong magpalamon ng lupa sa kakahiya. Sobrang nahihiya ako e. First time ko 'yun e. First boyfriend ko 'siya. Hindi ko talaga inexpect na ang lalaking unang mamahalin ko ay ganito pala. Minsan pagnagagalit ako susuyuin n'ya kaagad ako para magkabati kami. Lagi n'ya ginagamit 'yung mga talent n'ya saakin. Pag bad mood ako sinasayawan n'ya ako at tsaka kinakantahan. HAHAHA 'yung sayaw na ayaw ko pa talaga ang gusto n'yang sayawin hahaha tapos 'yung kanta IKAW LAMANG by: Silent Sanctuary. Parang ayaw ko na s'yang pakawalan. Kasi pag nawala siya sa buhay ko hindi ko alam kong magpapakamatay ako. Pero 'yun ang akala ko. Dumating 'yung araw na hindi ko inaasahang dumating nalang bigla without permission. May tumawag sakin na nasa hospital daw si Drew. Nanginginig ako nun, sobrang nataranta ako sa mga oras na 'yun. Pagkadating ko sa hospital ang sabi kaagad sakin ng doctor dead on arrival na daw siya dahil inataki siya sa puso. Heart enlargement daw sabi ng doctor. Pagkarinig ko nun biglang huminto ang mundo ko. Parang lalamunin ako ng lupa. Ang sakit sobrang sakit. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Umagos nalang ito dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko matanggap kasi kakatext lang n'ya saakin kanina e. Ang sabi n'ya "Mahal happy anniversary! Punta ka sa bahay mamaya ah may ibibigay ako sayo". Nakita ko sila tita.
" Wala na ang anak ko eyl"-tita na humahagolgol ng iyak
"I'm so sorry tita"-ako
" wala ka namang kasalanan eyl. Ang sakit lang e kung sino pa 'yung sobrang bait at mapagmahal. Bigla nalang aalis without saying goodbye"-tita
"Masakit rin sakin tita na wala na 'yung lalaking inakala kong siya na 'yung makasama ko habang buhay."-ako
Niyakap ko lang si tita. Tinignan ko ang walang malay na si Drew na nakahiga. Gusto ko siyang gisingin. Gusto ko siyang yakapin at sabihing nanaginip lang ako pero wala na e.. Hindi na pwede. Hindi na 'to panaginip.
.
.
.
Pagkatapos ng mga nangyari nailibing narin namin si Drew. Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na wala na s'ya. Nandito ako ngayon sa kwarto ni Drew. Pagbukas ko ng pinto. Lalo akong humahagulhol ng iyak sa nakikita ko. Pinaghandaan ba talaga ni Drew ang lahat ng ito. Nakita kong may "Happy anniversary mahal! Mahal na mahal na mahal kita" 'yan ang nakalagay sa loob ng kwarto n'ya tapos ang daming teddy bears at bulaklak.. May chocolates. Pero nakuha 'yung attention ko sa isang bagay na nakapatong sa mesa parang video recorder kinuha ko ito at tinignan. Pero ito ang huling araw na marinig ko ang magandang boses n'ya. "Hi mahal! Bago ako magpapaalam sayo. Punasan mo muna 'yang mga luha mo kasi ayaw kong umiiyak ka mahal, ayokong nasasaktan ka. Mahal, gusto ko lang sabihin sayo na, Thank you very much for being part of my life mahal. Thank you for loving me in a one year mahal. I'm so sorry that I won't tell you the truth. Ayoko lang kasi na mag-alala ka saakin mahal. Ayokong napapagod ka ng dahil sakin.
Ngayong wala na ako mahal! Sana makikita mo 'yung lalaking para sayo talaga hindi 'yung katulad ko na iniwan ka nalang bigla. Patawarin mo ko mahal ah kung iniwan kita. Ayoko naman talagang iwan ka e nilabanan ko naman talaga 'tong sakit ko pero ang diyos na ang gumawa ng paraan. Paalam mahal! Lagi mong tatandaan na kahit wala na ako. Mahal na mahal parin kita. Bago ko tatapusin 'to mahal. Ang kantang ito mahal ay para sayo pag narinig mo'to hindi mo ko makakalimutan. (Song; I love you, goodbye). I love you and Good bye mahal. Sa susunod nating muling pagkikita." Humahagulhol lang ako ng iyak. Bakit ganun kung sino pa 'yung taong alam mong makakasama muna siya habang buhay tsaka nalang biglang aalis? Ang daya mo naman mahal. Bigla ka nalang nang-iiwan. Mahal hindi ko kaya na wala ka sa tabi ko. Hindi ako sanay mahal na bago ako matulog walang mahal na kinakantahan ako. Pero mahal kahit wala ka na. Mahal na mahal parin kita. Ikaw lang ang nandito sa puso't isip ko at ikaw lng tanging mamahalin ko ng ganito.. 😭😭Nagdaan ang mga araw buwan at taon, isang lalaki ang lumapit at nagpakilala kay Eyllie.
"Hi miss, nawawala kasi ako hindi ko alam kung san ko makikita yung no. Mo!"yung lalaki
Si Eyllie ay nakatingin lang sa phone na inaabot ng lalaki, nagdadalawang isip kung tatanggapin o hinde.
"Ay sorry wala kasi akong phone eh, naisama ko sa libing" sagot ni Eyllie
"
Huh?!, Kanino namang libing?"
" Ahh basta! Masyado ng personal tanong mo ahh!" Si Eyllie na naiinis"Ay?!, Sorry po miss"
" By the way, I'm Jomer" sabay abot ng kanang kamay"I'm Eyllie" tipid na sagot ni Eyllie at hindi pinansin ni Eyllie ang kamay ni Jomer
"Ok nice meeting you!😊"
ngiti lamang naisagot ni Eyllie dahil sa sobrang awkward.
BINABASA MO ANG
A Year of love
Short Story,,, I published the story para sa project😂😂bawal basahin nakakamatay😂, isa itong jeje na story