xxviii: her love story (part 4)

3K 40 7
                                    

“San kayo galing? Kanina pa namin kayo hinihintay sa dress shop? Akala kasi namin susunod kayo?” –carla. Disappointed na pagkasabi niya habang nakapamewang siya.

Oo nga pala, nasabi ko sa kanila kanina na hintayin na lang kami dito. Naghintay nga naman talaga sila. Nakakakonsensya hahahaha, pero natatawa pa ako.

Yes, nakaget over na rin ako sa kwento ni Loraine. After ng masalimuot na kwentuhan, balik kami sa normal. Sa pagiging gaga namin, kaya eto kung anu-anong napagtripan namin habang papunta sa dress shop kung san kanina pa pala nag hihintay sila Ali at Carla.

“Sorry na friend, eto kasing si Denise, daming pinagtawanan. Alam mo naman, mababaw pa naman to.” –loraine

“Aba! Nanlaglag ka pa!! Hmp!”

“Joke lang, Den, to naman! Hahahahaha! Yieee yung salesman kanina! Hehehehe” –loraine

“Salesman?” –ali & carla

“EWW. Loraine stop it!”

Okay so eto nga yung nangyari kanina. Edi nagtatawanan kami dahil nga sa trip naming kung sinong titingin sayo, may gusto sayo. Gets? Kalokohan lang diba? Hehehehe pero sinakyan ko naman.

Kaya kung sino sino na lang nahuhuli naming nakatingin samin, meron ngang isang grupo ng mga hindi mo maintindihan na kalalakihan. Ang lalaki ng damit, kung makapag suot ng sumbrero parang pinatong lang, ang colorful pa ng mga medyas. Eto na ba yung binabansagan nilang JEJEMON? >____<

“Hi miss... ganda mo!”

( >____> ) ( <____< )

“Ganda mo daw!” –loraine

“Silly, he’s talking to you.”

“No sayo siya nakatingin.” –loraine

Pasahan na lang kami kung hindi kagwapuhan yung titingin samin. Inismiran ko na lang yung lalaking nag hi. Kapal ng mukha, kung makatingin mula ulo hanggang paa?! Hmp!!

Naririnig ko na lang tumatawa si Loraine sa background. Leche... kakatawa niya napagtitinginan tuloy siya ng isang grupo ng matatanda hehehehehehe.

“Aba napakamasiyahin naman ng batang ito.”

O_____O <---- hahahaha! For a second feeling niya nawalan siya ng dangal. Nahiya naman siya sa inasal niya HAHAHAHAHAHAHA.

“Shut up! gantihan pala ang peg natin Den ha??” –loraine

“Di na di na! Pwedeng stop na? Ayoko nang pagtinginan pa, nakaka concious na rin kasi ehh”

“Eh ginusto mo to eh!” –loraine

“Ikaw naman nagsimula nito!”

“Sinakyan mo naman!” –loraine

Edi ako na walang masagot!!! Iniwan ko na lang siya, binilisan ko na lang yung lakad hanggang sa—

*DUGG!*

“A...ouchhhh.....”

“Miss, ar yu olrayt?”

O________________O ANG. LAPIT. NG. MUKHAAAAAA!!!

“Denise okay ka lang—pfft.....” –loraine

“Dammit Loraine! Dont just stand there! Help me get up!”

“Miss ay well git chu ap!”

ANAK NG!! Bat kelangan sa bewang?!?! LECHE!

“Wa—wait kuya!! A-ako na! I can get up!”

My Seatmate My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon