[SAMANTHA TALIEN CORDOVA'S POV]
"Sam, andito na yung bestfriend mo! Andito na si Mae! Bilisan mo na dyan!" sigaw ni Mom sa labas ng kwarto ko. Naglagay lang ako ng konting powder sa mukha at light lang na lipstick para hindi ako mukhang white oady pagpasok. Sabi kasi nila Mommy't Daddy ay sobrang puti ko daw at kailangan kong maglagay ng konting kolorete sa mukha para hindi daw ako mukhang aswang. Tss.
First day of school ngayon kaya sabay kami ni Mae papasok sa school. First time namin sa Hamilton High University ni Mae. Mom and Dad wants me to tranfer there dahil maganda daw ang school na iyon. They said, It's one of the most elite and prestigious university here in Manila.
"Sam! You know what?! I feel so excited right now! Makakakita na naman ako ng hot boyfies! Shit!" tss. Said May. At ito na naman po siya sa kaniyang 'Hot Boyfies' niya. Alam niya namang may boyfriend sya. Tsk.
"May, baka nakakalimutan mong may boyfriend ka pa?"
"Ayy, oo nga pala. Hehehe. Wala naman akong sinabing mamimingwit ako ng boya dito eh. Sinabi ko lang na makakakita ako."
"Well, I'm just reminding you. Baka mag-away pa kasi kayo ni Gael niyan eh . Tsk. I'm just... You know.. Worried."
Sabi ni Mae, magco-commute daw kami ngayon para naman daw ay malaman namin kung paano mag commute. Palagi kasi kaming hatid-sundo, at may mga sasakyan naman kami.
Well, we're now a 3rd year college student.
So ayun nga, pumara na kami ng isang taxi. Tss, nainibago pa ako kasi hindi ako pinapayagan nina Mom na mag commute. Ngayon lang.
"Manong, sa Hamilton High University po, please."
------------
"Hays, ano ngang room number ko, Mae? Diba na sa iyo iyon?" tanong ko pagkababang-pagkababa namin ng taxi. And now, we're here right in front of the gate of Hamilton High University
"Oh, here!" she said and gave me a piece of paper na may nakasulat na "Building 3, Room No. 312, Floor 3."
"Grabe, ang laki siguro ng university na ito!"
"Tss, di ba obvious? Ang laki na nga ng gate eh." inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng gate. Malaki. May sampung security at may tatlong pulis na nakatayo at naglilibot. Grabe, ang secure ng university na ito. "Tara na nga, pasok na tayo." I said and grabbed her hand.
"Excuse me, miss? Where's your ID? And why aren't you in your uniform? Bawal kayong pumasok dito kung walang ID at hindi naka uniform." sabi ng babaeng guard.
"I'm sorry, but... We're----"
"Can't you see we're new here?" sabat ng kaibigan ko. Sinaway ko naman sya. Tss. Gagawa lang sya ng gulo, eh.
"We're sorry but it's true. We're new here. Hindi pa kasi nabigay ang ID namin at ang uniform." sabi ko ng mahinahon.
"Sandali... Tatawagan ko lang ang SSG President." sagit naman ng isang lalaking guard.
----------
The guard said to just wait for the SSG President para daw maka sure sila na bago talaga kami dito. Grabe naman sila.
Pagtingin ko sa gate ay may naaninag akong isang lalaki. Matangkad. Matangos ang ilong. Naka school uniform.
"What's happening here?" tanong niya. Umayos naman ako ng tayo.
"Mr. Whoever you are. Kanina pa kami nakatayo dito dahil hindi kami pinapasok ng mga guard na iyan! Ang init-init pa naman. My god! Kanina pa namin sinasabing bago kami dito, pero hindi pa din." Mae exclaimed, as if this man's talking to her. Hindi naman siya ang kausap, ang guard. 'Tong babaeng ito. Kanina pa ito, eh.