SKATER AND THE SOCCER PLAYER
Written by:ImperfectionPrincess
MILEY'S POV
Nandito kami ngayon sa park kasama ko yung mga kabarkada ko.Ako nga pala si Miley Hernandez 16 years old 4th year high school.Bigla naman akong natapilok.Tss kainis naman naka rubber shoes na nga ako tapos matatapilok pa ako.
"Hoy alam ko yang iniisip mo."sabi ni Jena isa sa barkada ko.
"Eh kainis tung sapatos na to eh."ako
Nagtawanan naman sila.Siyam kasi kami magbabarkada.Patuloy lang sila sa pag-uusap.Ako ito wala sa mood makipag-usap kaya kinuha ko nalang yung cellphone ko at kinalikot ito.May napansin naman akong may papalapit na nagska-skate sa dinadaanan ko kaya tumigil ako sa gilid.Hindi ko masyadong nakita yung mukha nya pero naka plain white t-shirt sya tapos naka cap at may dalang skate board.Tumigil ito sa harap ko pero hindi ko ito pinansin dumiretso nalang ako sa paglalakad sumusunod lang ako sa kanila.
"Hoy gwapo nun ha!" Sarah
Tsk.To talaga si Sarah ang hilig sa gwapo hindi naman mapapasakanya. Nakita ko naman sila JC na nagso-soccer kaya sumali ako.
"Oyy!Sali lang ako ha!Punta lang kayo dito pag uuwi na kayo!" sabi ko sa kanila.
"Ang hilig mo talaga sa soccer." sabi naman ni Janen
"Sige na alis na kayo."ako
Umalis na nga sila.Nakipaglaro lang ako dun.Ay o nga pala soccer ang paborito kung laro.Player ako sa school namin soccer for all girls..Yung barkada ko naman mahilig sa volleyball ako lang sa'min ang soccer player..
SOMEONE'S POV
May nakasalubong ako kanina habang nagska-skate ako huminto nga ako sa harap nya eh nagbakasakaling tumingin sya kaso nilampasan lang ako.Buti pa yung kaibigan nya napansin ako pero sya kahit tingin wala! ? Sayang maganda sana..
Habang nagska-skate ako eh may naglalaro na ng soccer kaya nanuod mo'na ako.Pero may napansin ako isa lang ang babae! Ang iba mga lalaki na ang kalaro nya at ang galing nya ang iba ngang lalaki gusto sya ang makateam.Hahaha nakakatawa nga eh kasi yung isa na gusto makateam yung girl eh nagback-out.Hindi ko nga lang kita ang mukha ng babae.Siguro sana'y na sya sa paglalaro ng soccer..
Aalis na sana ako at muling sinulyapan ang nag so-soccer pero nagulat ako kasi tumingin sa akin ang babae at sya yung kanina na nakasalubong ko.
Grabe ang ganda nya kabag pinapawisan sya at ang galing nya sa soccer...
MILEY'S POV
Naglalaro lang ako ng soccer ito kasi ang kaligayahan ko.Habang naglalaro eh feeling ko may nakatitig sa'kin kaya lumingon-lingon ako sakto naman may nakita akong lalaki na nakatingin sa'kin may hawak na skate board...
"Ate Miley yung bola"sigaw ni JC
Sila yung mga kaibigan ko dito sa park palagi kasi silang naglalaro dito tapos minsan sumasali ako kaya ngayon kaibigan ko'na ang mga to..Kinuha ko naman ang bola at pinasa kay Cris!
Nung dumating na ang barkada eh nagpaalam na ako.
"Guys alis na ako ha!Bukas ulit!"paalam ko sa kanila
Umalis na ako sa field at pumunta kina Sarah.Nagkukulitan naman sila.Nga pala ang pangalan ng mga barkada ko ay Chisca, Sarah, Sandra, Janen,
Divine, Yam, Tin, Jena at syempre ako.
"Ano?Panalo kayo?"tanong ni Divine
Tumango lang ako.
"Wala namang excitement sa laro nyo palagi ka nalang nananalo" sabi naman ni Sandra