"Mama.."
"Mama.. tulong.."
"Mama, nasaan ka?" bulong ng isang batang duguan habang gumagapang papalabas ng mga nahulog na bato at kahoy galing sa kisame ng bahay.
Walang katapusang sigawan at iyakan ang kaniyang naririnig sa labas.
Gumapang ang bata hanggang sa dulong parte ng bahay nila kung saan may bintana. Ang salamin ng bintana ay puro bubog na lang. Sumilip dahan-dahan ang bata sa hawi ng bintana upang tignan ang kaganapan sa labas, nang ito ay biglang mamutla sa kaniyang mga nakikita.
Mga halimaw.
Ang kanilang munting bayan ay sinasalakay ng mga halimaw.
Ang balat ng mga halimaw ay berde. Ang mga mata nila'y naninilaw at gutom na gutom makahanap ng papatayin. May mga malalaki at maliliit. Ang mga malalaki ay batak at maskulado. Ang maliliit naman ay payat ngunit maliliksi. Ang mga malalaki ay ginagamit ang mga sanga ng puno upang gawing pamukpok, at ang mga maliliit ay may mga kutsilyo na gawa sa bato.
Ito na ang katapusan ng bayan na 'to. Tuluyan na silang sinalakay ng mga orcs at goblins.
Sa paligid ay nakahandusay ang mga katawan ng mga mamamayan na hindi nakatakas sa lagim ng mga mananalakay. Makikita na walang patawad ang mga orcs sa pagpatay dahil hindi sila nakukuntento hangga't nadudurog nila ang ulo ng mga tao. Oo, ang mga nakahandusay na katawan ay wala nang mga ulo.
Ang mga babae ang pinaka-kawawa sa pagsalakay dahil ang mga goblins ay kilala bilang isa mga tigang na halimaw. Mahilig sila mangbugbog ng babae at mang-gahasa. Sigaw ng mga babaeng nagdudusa ay maririnig sa buong paligid ng bayan, kasabay ng sigaw ng ligaya ng mga goblins. Wala silang pinipiling lugar. Kung hindi katawan ng tao ang makikita mo sa paligid, mga babaeng umiiyak sa sakit at diri habang ginagahasa ang iyong makikita.
Sa hindi kalayuan namataan ng bata ang kaniyang ina, napapaligiran ng mga goblins. Kita sa mukha ng kaniyang ina ang takot at pagluluksa. Isa-isa kung talunan siya ng mga goblins, bawat talon ay pinupunit nila ang damit ng ina. Kung minsan naman ay tatalon ang isang goblin para manapak o manipa hangga't sa tuluyang bumagsak ang ina na nakaharap sa bata.
Nagtama ang mga mata ng mag-ina. Ang ina, na walang hinto ang tulo ng luha sa kaniyang mga mata, ginagahasa ng mga goblins, ay bumulong sa harapan ng bata, umaasang maintindihan sana niya ang kaniyang mensahe.
"Anak.. mahal na mahal kita, anak. Magtago ka lang diyan sa bahay, wag kang lalabas," sabi ng ina, habang pinagsasalit-salitan siya ng mga goblins.
---
Isang oras na ang lumipas, at ang bata ay nakatago lamang sa ilalim ng kaniyang kama. Isang oras niyang pilit hindi rinirinig ang kasakiman na nagaganap sa labas nang biglang ibang sigaw na ang kaniyang naririnig.
Sigaw at iyak na 'to ng mga orcs at goblins.
Lumabas siya sa ilalim ng kaniyang kama at muling sumilip sa hawi ng bintana.
Isang babae ang isa-isang pumapatay sa mga orcs at goblins. Mala-anghel ang kaniyang itsura. Mayroon siyang itim na buhok na para bang kasing-itim ng gabi at umaabot hanggang sa tuhod nito. Ang mga mata niya'y itim din, punong puno ng determinasyon ubusin ang mga berdeng mananalakay. Mayroon siyang katangkaran, at ang katawan niya ay may hugis ng tunay na diyosa. Armado siya ng manipis at mahabang espada sa kanang kamay, at sa kaliwa naman ay may suot siyang gauntlet.

BINABASA MO ANG
God's Ace
FantasyGod's Ace. Tawag sa mortal na pambato ng isang diyos. Sa mundong Mohrtahl namumuhay ang iba't-ibang klase ng mga mortal. Karamihan sa mga mortal ay mga tao, pero mayroon ding mga halimaw. Ang mundong 'to ay isang arena lang para sa mga diyos, kung s...