"Ano ba? Dali! Magkwento ka na!!!" excited na sabi ni Joonhee habang magkakasama kaming tatlo ni Sunhi sa isang coffee shop.
"Shhh... Wag ka ngang maingay. Okay!"
Eto ang tinatawag na 'meeting time' ng grupo namin. Pinag-uusapan namin dito yung progress naming tatlo sa kanya-kanya naming mga bias. Kadalasan si Joonhee ang maraming kwento sa mga ganitong meeting. Getting closer na daw kasi ang estado ng relasyon nila ni Donghae. Samantalang si Sunhi, tahimik lang siya at parang may itinatagong problema. Pero nakangiti namang siya palagi kaya hindi mo mafi-feel yun. Ako naman, walang masyadong maikwento dahil nga hindi ko feel itong si Eunhyuk.
Hindi ko siya feel. Hindi kami bagay. Sa tao ako bagay. Hindi sa isang unggoy. XD
"Oy! Oy! Oy! Baka kainin mo yang iniisip mo!" biglang sabat ni Joonhee na para bang nalaman niya ang nasa isip ko.
"T-teka? Nabasa mo ang nasa isip ko?" gulat kong sabi nung narinig ko yung sinabi ni Joonhee.
"Eh kasi naman, pag mag-iisip ka, sa isip lang. Wag mong ibubulong..." sabi ni Sunhi.
"Teka! Teka! Ano ba yang sinasabi mo Jae-eun? Akala ko you like Eunhyuk. I thought gusto mo siya? Bakit ganun yung sinabi mo kanina?" tanong bigla ni Joonhee.
Ayoko ng magtago ng sikreto sa kanila kaya sasabihin ko na nga yung dahilan ko. Bahala na kung anong mangyari.
Ikinuwento ko sa kanila yung nangyari sa aming dalawa ni Eunhyuk at yung dahilan kung bakit ako nagalit sa kanya. At kung bakit ako nandito at nagba-back up dancer sa kanila.
"P-pero malay mo, may nangyaring emergency sa kanya kaya hindi siya nakarating?" nag-aalalang tanong ni Sunhi.
"Hindi ko alam. Wala na kasi akong narinig na balita after what happened kaya nainis ako sa kanya. Wala ni isang explanation, sino matutuwa dun?" mataray kong sagot.
"Oo nga! Tama yan! Gumanti ka kay Eunhyuk, napakasama naman nung ginawa niya sa'yo? Kung ako yun, hindi ko kakayanin yun. Baka nagbreak down na ako nun. Grabe! Hindi ko naisip na ganyan pala si Eunhyuk. Akala ko pa naman, he's different. Pero ganun pala siya..." mahabang speech ni Joonhee na para bang affected na affected sa nangyari sa akin.
"Ngayon alam nyo na kung bakit ako nandito. Kaya hindi ako dapat ma-fall kay Eunhyuk... I should consider him as my dance partner only, no more, no less..." pag-end ko sa conversation naming tatlo.
---
Simula nung nalaman nilang dalawa yung about sa past naming dalawa ni Eunhyuk. Never na ulit nila ako tinukso kay Eunhyuk, pero binantaan pa rin nila ako na mag-ingat daw ako ng bongga kasi baka may mangyaring unexpected at kainin ko nga yung mga sinabi ko.
"Practice na!" sabay hila sa akin ni Eunhyuk papasok sa practice room. As usual, wala na naman doon si Donghae.
"Sample nga ulit ng Hot Times..." tukso ko sa kanya.
"Wahahaha... Wag na. Baka mainlove ka pa sa boses ko. Mahirap na..." ganti niyang tukso sa akin.
"Baliw! Never! Magka-partner lang tayo... Never mangyayari yan..." bigla kong napatakip sa bibig ko after kong sabihin yung mga words na yun.
Shet! Yun din yung exact words na sinabi ko sa kanya nung naging mag-partner kami dati. Hala! Baka maalala niya ako? OMO~
"Oh? Bakit mo tinakpan ang bibig mo? Anong nangyari?" tanong niya na parang hindi man lang nakaalala ng kahit anong pangyayari.
"Ah... nakagat ko yung dila ko eh... Ang sakit nga eh..." palusot ko.
"Sa susunod, mag-ingat ka. Makakasayaw ka pa ba nyan?" nag-smirk siya na para bang nang-aasar.
"Tingin mo sa akin? Hindi ako susuko no?" napapikit na naman ako sa nasabi ko.
Shet? Why do I keep repeating those exact sentences that I've said before? What's wrong with me? Ang dami kong naalala. Siya kaya may naalala din? O talagang hindi niya na ako maalala?
"Tara na! Simulan na natin. Tsaka na natin isipin si Donghae..." kinuha na niya yung kamay ko at dahan-dahan dinala sa gitna ng practice room at doon nagsimulang sumayaw.
***
A/n: Update ulet. XD Ayan na, konting-konti na lang… mafa-fall na rin si Jae-eun sa abs ni Eunhyuk, I mean sa kagwapuhan ni Eunhyuk. LOL! Joke~ Kakainin niya kaya yung mga sinabi niya? Wahahaha… :) Kung ako yun, kakainin ko yun. Hindi mahirap ma-fall kay Gummy Bear Hyukkie~
Osya, epal na masyado ang author. XD Dapat pala nagsusulat ako. Pero mas nag-eenjoy akong isulat yung author’s note eh… hihihi ^^ Baket ganun? XD hahabaan ko na nga yung mga updates ko sa susunod. Para hindi masyadong bitin… hihihih ^^
Ayun, salamat na lang sa pagbasa~ SOBRANG MARAMING SALAMAT!!! AYLABYOW! :) ©©©

BINABASA MO ANG
Lee Sisters' Story - It's Gotta Be HYUK (You) *On-going*
FanfictionSide-story po ito ng 'My HAEven on Earth'.. Story ni Lee Jae-eun... request ng isang ELFriend na nakilala ko sa Wattpad... ^^ VOTE! MESSAGE! COMMENT! :)) PAYTEEENG!! XD ----------------------------------- Ang Pangalan, Lugar o Pangyayari na ginamit...