Chapter 4

6.9K 99 1
                                    

                                        ------SAME OLD PAST------

“Sir heto na po yung pinagawa ni Madame Aida na gown para po sa bride.” Sabi nong babae mula sa likuran namin ni stranger.

Oo. Pumayag na akong magkasal kay stranger dahil naaawa ako sa mommy niya. Baka kasi kapag nalaman niyang hindi na matutuloy ang kasal ay baka maatake na naman siya at ang mas malala baka ikamatay niya pa. konsensiya ko na naman!

Agad inoperahan ang mommy niya nong sinabi ng doctor na kailangan niya ng heart transplant. Talaga palang mayaman sila dahil sa kanila ang kompanyang pinagttrabahuhan ko at yung hotel na pinuntahan namin ay sa kanila rin pala.

Kaya pala ok lang kahit bigla bigla nalang siyang aalis sa opisina at kung saan nagpupupunta. Nalaman ko rin na nag-iisang anak lang pala siya at mas close siya sa mommy niya kumbaga mama’s boy siya kaya ganoon nalang ang pag-aalala niya sa mommy niya.

“Isukat mo na yan.” Sabi ni Mr. Stranger, sabay turo sa mga gown na nakasuot sa mannequin.

Tumayo ako para lapitan yun pero hindi ko alam kong saan ang kukunin ko. “Psst, san dito sa tatlo?” tanong ko sa kanya at agad naman siyang lumingon sa akin at ibinulsa niya ang mobile niya.

  

“Yang tatlo…”

“Ah ok--- ANO?!”

Napasigh siya atsaka tumabi sa akin at inakbayan ako… “Isukat mo na yan dahil yan ang ipinagbilin ni Mommy.” Iritado kong tinangggal ang pagkakaakbay niya sa akin at saka nagpatulong na ko sa babae na isukat yung mga gown. Namumuro na talaga yan sa paghawak sa akin kung saan saan ha.

Kung tatanungin niyo ako parang ayaw ko isuot itong mga gown na nasa harapan ko ngayon. Ang gaganda kasi na parang paghinawakan ko e baka madumihan ko lang.

“Ma’am may problema po ba?” tanong sa akin nong babaeng kasama ko…

Ngumiti ako pero nakatingin pa rin ako sa gown at hinahaplos haplos ko yung isa. “Ang gaganda nitong gown parang ayoko siyang isuot!”

“Po??” gulat na reaction nong babae. Pero hindi ako nakakibo sa sumunod na sinabi niya.  “Bakit naman po Ma’am? Hindi po ba kayo naeexcite na isuot yang mga yan dahil ikakasal po kayo sa taong mahal niyo?”

Mahal!

Speaking of mahal! Hindi ko pinangarap na ikakasal nalang ako biglaan. Nangarap ako, oo at dun sa pangarap kong yun ay SIYA ang nandoon at wala ng iba. Na sa harap ng Diyos kami ang magkasama pero hanggang pangarap nalang yun, dahil iba na ang makakasama niya sa habang buhay at hindi ako yun.

Natauhan ako ng biglang magsalita yung babae at kasabay non ang pagbukas ng pintuan at bumungad sa akin ang mukha ng lalaking papakasalan ko.

Matagal kaming nagkakatitigan at may bigla nalang siyang sinabi na hindi ko inaasahan. “Beautiful!” Bigla kong naisara ang pintuan at pilit na tinatanggal ang gown na nakasuot sa akin.

Im Inlove With My Sister's HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon