2nd Apple: Snow White is Leaving

347 21 7
                                    

Aria Debatian



"WHA—?!" bigla akong nagdire-diretso pababa ng slide nang marinig ko ang sunod na sinabi ni Kyle.

What the hell, Kyle?! 'Wag kang paasa! Teka. Wala akong balanse! Madadapa ako! Face first on the ground. Dio mio!

Napapikit ako ng mariin nang makita ko ang lupa. Hinintay ko ang aking pagbagsak at ang pagkasira ng aking magandang mukha pero wala akong naramdamang kahit anong impact. Pero naramdaman kong tumama nga ang mukha ko sa kung saan. Bakit ang bango? Nasaan ang lupa?

Dahan-dahan akong dumilat at nag-angat ng ulo. Bumulaga sa akin ang napakagwapong mukha ni Kyle na walang kaemo-emosyon. Sinalo niya ako sa kanyang bisig kaya parang niyayakap niya na ako sa pwesto namin ngayon. Ilang pulgada nalang rin ang layo ng mga mukha namin sa isa't-isa kaya mas lalo ko pang nakikita ng mabuti ang mga detalye ng kanyang mukha. Hindi ko napansin sa malayuan pero singkit pala talaga ang kanyang mga mata. Oo, nakikita ko kahit madilim.

Nagkatitigan lang kami at nararamdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko hanggang sa aking tainga at pagwawala ng puso ko dahil sa sobrang bilis ng pagtibok nito; na sana, hindi niya naririnig. Please lang, Kyle. Hindi mo sana mapansin ang lihim kong pagtingin.

"Ayos ka lang?" pagbasag niya sa katahimikang nagsisimula nang mabuo.

Agad akong nag-iwas ng tingin at kumawala sa bisig niya. "O-oo. Ayos lang ako. S-salamat." nahihiya kong sagot.

Napalingon ako agad sa kanya nang marinig ko siyang ngumisi. "Gustong-gusto mo talaga ako, ano?"

Pinanlakihan ko siya ng mga mata dahil sa gulat nang marinig ko ang kanyang sinabi. Mas lalo pang nag-init ang buong mukha ko ng mag-sink in sa utak ko ang ibig niyang sabihin. Natataranta akong umatras palayo sa kanya. Dinuro ko siya habang naghahagilap ako ng sasabihin.

"I-ikaw! P-paanong—?!" hindi ko natapos ang aking sasabihin nang magsalita siya.

"You're too obvious. And I can't believe this. I also made it obvious all this time na may gusto din ako sa'yo pero hindi mo talaga napansin. Narinig ko pa sa'yo kanina na paasa ako. Masakit, ah?" umarte siya na kunwari ay nasaktan nga siya dahil nilagay niya ang kanyang kanang kamay sa kanyang dibdib at kunwari, maiiyak na siya. Dio Mio! Narinig niya nga! Alam niya rin na may gusto ako sa kanya! AAAAAAHHHH!

Tinakip ko ang mga strands ng aking buhok sa mukha ko para hindi na niya makita ang lagay ng mukha ko. Sigurado akong pulang-pula ako ngayon. Kasing pula ng siling labuyo na nagmamahal.

Pero hindi ako makapaniwala. So all this time, hindi unrequited ang feelings ko for him? Na hindi siya paasa? Na mutual ang nararamdaman namin para sa isa't-isa? Pero bakit ngayon niya lang sinabi?

"B-bakit ngayon mo lang sinabi? Kung kailan aalis na ako?" mahinang tanong ko sa kanya at inalis ang mga strands ng buhok ko sa aking mukha.

Nabalot kami ng katahimikan. Naglakad siya papunta sa harapan ko kaya napaangat ako ng ulo para tignan siya ng diretso sa mata.

"Dahil ang akala ko noon, kuntento na ako sa ganito. Masaya na tayo kasama sila Nanay Syl at ang iba pa nating mga kapatid dito sa orphanage. Na hindi tayo magkakahiwalay. Pero akala ko lang pala 'yon. Naaalala mo ba no'ng sinabi mo sa akin na gusto mong mahanap ang tunay mong mga magulang? Ibig sabihin no'n, aalis ka para hanapin sila. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko noon kaya hindi kita pinansin buong araw. This may sound selfish, but I don't want you to leave. Gusto ko, dito ka lang—sa tabi ko. Pero napagisip-isip ko na balang araw talaga, magkakahiwalay tayo paglipas ng panahon. May kanya-kanya tayong pangarap na gustong tuparin. 'Yun nga lang, nauna ka lang sa akin." hinawakan niya ang pareho kong kamay at tumingin sa kalangitan na puno ng bituin. Napatingin na rin ako sa kalangitan. And the stars tonight are exceptionally beautiful. Epekto ba 'to ng presence ni Kyle?

Snow White and The Royal CouncilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon