CHAPTER 24

134 4 0
                                        

AERY's POV

Naglalakad ako ngayon papuntang canteen kasama sina Zhed at Jenrix pati na din si Kuya JA. Wala si Yelo dahil kasama na naman niya si Impaktitang Samantha. Tss...

"Huwag mong masyadong isipin, mahal ka nun." imik ni Kuya JA at binigyan na naman ako ng isang nakakalokong ngiti.

"Hindi naman Kuya JA. Lagi nga niyang kasama si Samantha." malungkot kong sabi.

Naramdaman kong nakatingin sa akin ang lahat. At doon ko na-realize yung mga sinabi ko.

"Ikaw, Baby ha. Hindi ko alam, uso na pala sayo ang selos. Ang taray-taray mo kasi tapos kikilos at magsasalita ka ng ganyan." nakangiting sagot ni Kuya JA at umakbay sa akin.

"Teka, Ambry, don't tell me, may gusto ka kay Eris? Eh paano naman si Jenrix?" nagtatakang tanong ni Zhed. Hindi pa nga pala niya alam ang sikreto ko. At hindi pa rin pala namin naa-announce ni Jenrix na wala ng kami. Lols. Wala naman talagang kami.

"W-wala ng k-kami, Pre." utal-utal na sagot ni Jenrix kay Zhed. Bakit ganun? Kahit nakangiti si Jenrix, kita ko sa mga mata ang lungkot at sakit? Wala naman talagang kami kaya hindi niya dapat yun maramdaman.

"Ha? Wala na kayo?" gulat at medyo napalakas na sagot ni Zhed. Ingay talaga. Napatingin tuloy sa amin ang ibang mga estudyante dahil dun kaya bulungan na naman. Tss... I hate attentions.

"Tara na nga sa canteen. I hate attentions, you know?" aya ko sa kanila and rolled my eyes.

"Pero gusto mo talaga si Eris, Ambry?" pahabol pang tanong ni Zhed habang naglalakad.

"Tumahimik ka na lang, Zhed. Umorder ka na lang ng foods natin." pagtataray ko kay Zhed kaya umalis na siya samantalang naghanap naman kami ng pwesto.

"Baby JA, kamusta na pala ang sugat mo?" tanong ni Kuya JA sa akin. Napatingin rin si Jenrix. Kanina pa yan tahimik simula nung usapan namin.

"Medyo okay na naman. Nagpapasalamat nga ako kay J kasi hindi nababasa itong sugat ko." at tiningnan ang may gasa kong pulsuhan.

"J? yung naglinis ng restrooms na nag-iwan ng note?" tanong ni Kuya JA. Napansin ko naman ang pag-iwas ng tingin ni Jenrix. Siya kaya?

"Yes, Kuya JA." simpleng sagot ko.

"Buti naman. Mag-ingat ka na sa susunod, Baby para di ka na nasasaktan ulit." paalala naman ni Kuya JA. Ang sweet niyang kapatid kung magkadugo lang kami. Kung magiging kamag-anak ko siya dahil isa siyang Mendez, sana maging kuya ko siya.

"Opo, Kuya JA." nakangiti kong sagot. Sakto namang dumating si Zhed dala ang mga pagkain.

"Susubuan na kita, Baby JA" presenta ni Kuya JA pero ng hihilahin na niya ang tray ay may isang kamay ang pumigil.

"Ako na." agaw ni Jenrix kay Jhion.

"Ako na." angal naman ni Kuya JA.

Nagtinginan ang dalawa. Ayaw nilang magpatalo. Hayyss... Haba na ba ng hair ko nito?

"Look, Jenrix at Kuya JA. Medyo okay na naman ang kamay ko kaya I can handle myself. At nakakaagaw na kayo ng atensyon sa ibang estudyante. Kaysa mag-away pa kayo diyan kaya akin na ang tray." with poker face pa. Ibinigay naman nila yung tray.

Susubo na sana ako ng biglang isang mango shake lang naman ang tumapon sa akin. At ang lagkit nun, natural mango lang naman ang gamit nun.

"Oops! Sorry, nadulas." Imik ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko.

- Bb. Makata ^_^

First BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon