- CASSANDRA -
Matapos kong umiyak sa kotse ay dumiretso ako sa bahay ng kaibigan kong si fe, dun na muna ako nagpalipas ng buong araw at magdamag. I told her what happened at the hospital. Nakakatuwa naman yung kaibigan ko 'coz she didn't pry more. Kung ano lang yung kaya kung ikwento ay yun lang ang tinatanggap niya.
Nagpaalam rin ako sa family ko na dito muna ako, they asked why pero nung hindi ako nakasagot agad alam ko na nakuha na nila na hindi maganda ang nangyari.
Buong magdamag ay nakamulat lang ang aking mga mata, kahit gusto ko na itong ipikit ay hindi ko rin naman magawa. Bumabalik pa rin kasi sa isip ko ang mga tanong niya sa akin kung sino ako and how am I related to her.
Masyado talaga akong nasaktan lalo pa ng makilala niya si kirara at mukhang close na close pa sila. And me? wala, wala nang ako sa istorya.
Mula sa pagkatagilid na posisyon ay tumihaya na ako sa kama. I am leering on the ceilling when my phone lit up. Kinuha ko ito para tingnan ang nagtext - si danika. Pinapapunta niya ako sa opisina ni Dr Lavonski para marinig ko rin ang paliwanag tungkol sa kalagayan ni donthy.
--------------------
'' Donthy is suffering from retrograde amnesia. Alam ko nagtataka kayo kung bakit naaalala niya ang nakalipas at nakalimutan ang mga bagong kaganapan sa kanyang buhay. Iba't ibang uri ang pagkawala ng memorya ang iba ay nabubura lahat ang mga pangyayari sa buong buhay niya at maging ang kanyang pangalan at pagkatao. Ang iba ay panandalian lang, pwedeng matapos ang isang buwan or dalawa ay bumalik rin ito kaagad o kaya naman ay taon but the worst is hindi na ito maibalik pa. Sa kondisyon ni donthy naapektuhan ng aksidente ang parte ng utak nya na kung saan naroon namamalagi ang mga recent and new memories at naaalala pa rin ang mga nakalipas na. '' saad ni dr lavonski.
Nandito na kami sa opisina niya kasama si danika at ang parents nila. Si dominika naman ang naiwan para bantayan ang kapatid.
'' kaya po ba hindi niya ako naaalala? '' tanong ko.
'' I'm sorry to say this but yes ''
Tumingin sa akin si danika at hinawakan ang aking mga kamay.
'' Ayon na rin ito sa imahe ng ct scan ng pasyente at ang pagsagot niya sa mga tanong ko kahapon. Her memory for 5 years was lost. Wala siyang maalala in this span of time, mga nangyari o mga taong nakilala at nakasalamuha niya. ''
'' so doc how much is the percentage na maaalala pa ito ng anak ko? '' si tita, nakaupo siya sa kanang bahagi katapat namin ni danika. Katabi niya ay ang kanyang asawa.
Sumandal muna si doc sa kanyang upuan bago sumagot.
'' Hindi ko rin sigurado kung kailan makakaalalang muli ang pasyente, atleast matuwa tayo dahil hindi niya nakalimutan ang lahat, yun nga lang yung part ng buhay niya within this 5 years especially yung mga taong nakahalubilo niya at yung mga minahal niya, sila yung mag sa-suffer ng kaganapang ito. ''
Napapikit ako sa sinabi ng doktor, kung kailan naman maayos na sa amin ang lahat ni donthy ay nagkaganito pa. Naramdaman ko na mas hinigpitan ni danika ang pagkakahawak sa aking kamay.
'' ahm doc ano po kaya yung mga pwedeng treatment or other remedies para makatulong sa kapatid ko? you know para makaalala? '' tanong ni danika.
'' We can do lots of therapies one of them is occupational therapy, at pwede rin na kausapin niyo siya at gawin yung mga bagay na dati niyang ginawa para kahit papano ay mabuksang muli yung memories na parang natutulog rin sa isip niya and avoid stress mas mahirap kapag nakaramdam pa ng stress ang pasyente baka imbes na makatulong ay mas lumala pa ang kalagayan nito ''
Tumango kaming lahat at matapos ipaliwanag ang nangyari ay tumungo na kami sa kwarto ni donthy.
Binukasan ni tita ang pintuan at nakita ko na sinusubuan ni kirara ng pagkain ang fiance ko, agad tuloy naningkit ang mga mata ko.
Avoid stress!
Avoid stress!
Yan na lang ang inisip ko para naman mapigilan ko na masampal sa mukha ang malanding lintang to.
Nagkuwentuhan sila pansamantala sa loob, nagtatawan pa nga sila habang ako ay paulit ulit lang sa pag scroll ng ig sa phone ko. Mukhang saulado ko na nga yung bawat caption sa post ng mga sikat na artista eh. tsk!
Later on nagpaalam na si dominika may pupuntahan lang daw siya, sumunod ang parents nila para umuwi muna sa hotel at makapagpahinga ng maayos, sila kasi nagbantay kagabi.
So kami na lang apat dito sa kwarto. Mabuti na lang at pumapabor sa akin ang mahal kong future sister in law na si danika at niyaya si kirara na lumabas para samahan siyang kumain. Sumunod naman agad yung pangalawang nabanggit kung kaya't kami na lang ni donthy ang naiwan.
Kahit kinakabahan ako at nasasaktan pa rin sa malungkot na katotohanan ay lumapit ako at umupo sa gilid ng kanyang kama.
Hinawakan ko ang kanyang kamay at tumitig sa kanyang mga mata sa loob ng mga ilang segundo. Nang nagpasya akong bitawan ang kamay ni donthy ay marahan ko itong niyakap.
'' I missed you donthy ''
Naramdaman ko naman na pinaikot niya ang kanyang mga braso sa aking bewang.
- DONTHY -
'' I missed you donthy '' halos pabulong niyang sabi sa akin.
Niyakap ko rin si cassey.
'' I missed you too. I waited for you to come back last night ''
Bigla kong nasambit ng malakas yung nasa isip ko pa lang. Nahiya ako bigla at baka kung anong sabihin niya sa akin.
Kumawala na kami sa pagkakayakap at hinawakan niyang muli ang kamay ko.
'' talaga hinintay mo ako kagabi? '' mahina niyang pagtanong, sumilay rin ang mga ngiti sa kanyang mga labi.
'' y....yes, nag alala kasi ako na baka galit ka sa akin dahil hindi kita maalala '' yumuko ako dahil nakaramdam ako bigla ng pagkahiya.
Pero bakit kaya ganun, pakiramdam ko may kakaiba sa aming dalawa? I feel so comfortable around her. Siguro dahil bestfriends kami? tama yun nga siguro.
'' no I'm not mad, kailangan ko lang kasing huminga. '' hinawakan niya ang pisngi ko and with that touch para akong nakuryente hindi ko lang ito pinahalata.
'' I was so worried about you ba - donthy.
I thought I'm going to lose you, mabuti na lang you're such a fighter dahil kung hindi, mababaliw talaga ako kung may ibang nangyari sayo '' she huskily told while still caressing my cheek.teka naiiyak ba siya? oh please don't dahil ayaw ko na makita kang umiiyak cassey.
Kinuha ko ang kamay niya sa aking pisngi at hinila ko siya papalapit sa akin para muling yakapin.
'' ssshhhh naiiyak ka na eh, don't please okay naman ako. Alam ko I lost my memory, a part of it. Kahit hindi pa sa akin sinasabi ni doc I knew it dahil isa ka sa mga nakasama sa mga nabura. Kaya I'm sorry Cassey...I'm so sorry kung hindi kita maalala maging ang pinagsamahan nating dalawa. ''
Naramdaman kong tumango siya at may pumatak na mainit na tubig sa gilid ng aking leeg. Umiiyak si cassey, at nasasaktan ako dahil malungkot ito. Sigurado ako dahil nararamdaman ko ang kalungkutan niya.
Siguro nga and I'm hoping na we're more than bestfriends or kung hindi man she's very important to me. I can feel it. I really do.
BINABASA MO ANG
THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?
RomanceSERIES #3 - BESTFRIEND ZONE!? (COMPLETED) Well, I'll make my introduction simple. I'm the Martyr ng taon, ang dami ko ng awards actually, pwede ko na ngang ibenta and for sure makakadagdag yun sa yaman ng pamilya namin. Stick to one naman talaga a...