Chapter 1: dalawang maliwanag na bola

294 2 2
                                    

May dalawang maliwanag na  bola na lumilipad-lipad sa dilim. Napakaliwanag nito na halos masilaw ang mga mata ni Camille. Sa hindi malaman na kadahilanan ay bigla nalamang nakaramdam ng takot ang dalaga.

Pinagmamasdan lamang ni Camille ang dalawang maliwag na bilog na patuloy parin na nag-lalaro sa hangin. Hindi nya malaman kung ano ang mga ito. Pero ang alam lang nya ay dapat itong katakutan. Napansin nyang papalapit ang dalawang maliwanag na bilog sa kanya. Sa subrang takot ay nagawa nyang tumakbo. Binilisan nya ang kanyang takbo hanggang sa kanyang makakaya. Natanaw nya ang dalawang maliwanag na bola na hinahabol na pala sya. Gusto nyang sumigaw pero walang buses na lumalabas sa kanyang bibig.

 ###

“KKKKKKKRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING,,,,,,KKRRRIIIIIIING,,,,,KRRRRRIIING!” tunog ng alarm clock.

Mabilis ang hininga ni Camille nang idilat nya ang kanyang mga mata. “Huh,!? Bangungut,” bulong nya sa kanyang sarili. Namamasa pa ang kanyang nuo sa pawis. Bahagyang sumakit ang kanyang ulo. Isang misteryo para kay Camille ang panaginip na yun na tinuring nyang bangungut. Taon-taon ay  madalas nyang mapanaginipan ang tungkol sa dalawang maliwag na bola. Bumangon sya mula sa kanyang kama upang buksan ang kurtina ng bintana,duon ay bumulaga sa kanya ang sikat ng araw. Isang napaka gandang umaga ang kanyang nakita mula sa kanyang bintana. Agad nyang nakalimutan ang kanyang masamang panaginip. Napangiti sya nang Makita nya ang kanyang kalendaryo.

“1st day of school,”

 ###

“Ano na ba ang nangyayari sa bansa natin. Puro curaption sa gubyerno. Ang daming naghihirap, kaya ang marami ay nakakagawa ng krimen!” opinion ni Mr.Monte sa mga balita sa hawak nyang dyaryo. Nawalan tuloy sya ng ganang  kumain ng masarap na almusal sa kanyang harapan.

“Hay naku Daddy, dapat hindi ka nagbabasa ng mga ganyan. Masisira lang ang morning mo,” pilyong wika ni Camille habang kumakain ng almusal.

Hindi nagsalita si Sir.Montes. Sa halip ay nagpatuloy pa ito sa pagbabasa. Nakakunot ang kanyang nuo. Hindi sya galit pero kilala syang seryuso na tao.

“Oo anak, kaya dapat mag-aral ka ng mabuti para hindi ka magaya sa iba na naghihirap. Hindi na nila alam kung saan nila kukunin ang kanilang makakain araw-araw.” Sabi naman ni Mrs.Alicia ang ina ni Camille.

“Opo Mommy, nag aaral naman po ako ng mabuti eh. Di ko parin pinapabayaan ang mga grades ko. Palagi ko nga na iimpress ang mga prop ko eh.” Wika ni Camille.

“Tama anak.”

“Saka wag mong kalimutan na hindi ka pwede magkaruon ng boyfriend habang hindi ka pa nakakapagtapus sa collage. Ayan ang mahigpit na bilin naming sa iyo”,seryusong wika ni Mr.Monte. Ito ang palaging sinasabi nya sa anak.

“Opo Daddy,” nakatungo na wika ni Camille.

Binaba ni Mr.Monte ang dyaryo sa mesa at humigop lamang ng kaunting kape. “Ok I need to go. I Have so many apointments for today. Mauuna na ako.” Pagkawika ay agad na tumayo at kinuha ang kanyang briefcase. Isang boss ng malaking company si Mr.Montes. Nagtungo sya sa malaking garahe ng bahay at sumakay sa kanyang magarang kotse na halos kulay itim pero napaka kintab

“Camille, malate ka na sa 1st class mo, unang araw mo pa naman ngayon sa school mo,” sabi naman ni Mrs.Alicia.

“Opo mah, wag ka mag-alala hindi ako malalate.” Wika ni Camille.

My Stranger Boyfriend (hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon