Pang-apat na Kakiligan

322 20 7
                                    

Ilang beses ng nag-away

Hanggang sa magkasakitan

Na 'di alam ang pinagmulan

Pati maliliit na bagay

Na napag-uusapan

Bigla na lang pinag-aawayan

Ngunit kahit na ganito

Madalas na 'di tayo magkasundo

Ikaw lang ang gusto kong makapi---

Sinong nakarelate sa kantang to? AKOOO! Sa pagkacrush ko sa  kanya , minsan gusto ko na itong kalimutan at maging friends man lang sa kanya. SINUBUKAN KO NGA! SINUBUKAN KO PERO WE BECAME THE BEST ENEMIES IN OUR ROOM.

FLASHBACK

"Anong gagawin sa mga yan?" tinanong nya ako habang nakaturo sa blackboard! tsss. tinatanong niya pa?

"Asan diyan?" nagtataka ako kung saan ang tinutukoy niya

"Bobo! Edi yang sinulat diyan!"

"Tsss. Feeler! Eh ano palang bobo para sayo , yung MAY common sense?! Kitang kita na nga na sinusulat sa blackboard ,tinatanong mo pa! Eh alangan namang kakainin! UTAK PLEASSSEEEE!"

"HOYYY! eh ikaw nga tinatanong mo pa kung saan ang tinutukoy ko , eh ano ba ang tinuturo ko? Ang sahig ba? sahig ba? Diba blackboard! tsk tsk" sabi nya sabay smirk.

"HOOOYY RIN. AT IKA--"

"WAAAAAAAH! TUMIGIL NGA KAYO! KINIKILIG NA AKO EH! KUNG MAY L.Q KAYO! WAG NIYO KAMING IDAMAY HA , NANAHIMIK LANG NAMAN ANG KALULUWA NAMIN EH." tssss. epal talaga tong si Christine. Alam naman nyang nagdedebate pa kami ng love of my life eh. 

FLASHBACK NO.2

Dahil sa hindi na kami medyo close at dahil sa pag-aaway namin hindi lang minsan kundi araw-araw, nagiging love team kami. tsk tsk KINIKILIG AKOOO LORD! <3

Sa Science namin ngayon , Biology , may activity kami which is SciDama contest, alam niyo ba yun? Yung paunahan ng pag-ubos sa sariling mga chips. Unang level ay yung with seatmate , nanalo ako. At next naman ay maglalaban ang nanalo sa seatmate no.1 at 2. So , since nanalo ako , lalaban ulit ako. 

Sa ilang rounds , ay nakakasurvive ako. Hanggang sa 6 nalang kaming natira. Which is ako , RYAN <3 , Neil , Israel , Mishirl ,Lhydie. Sa first part , ang naging partner ko ay si Neil. tssss Bakit sya pa? Eh ang talino nito ehhh! Ngalalaro kami sa lugar na malapit sa bintana at pintuan. Sa rounds namin niNeil ,Lhyndie at I srael  , masasabi ko talagang : LORDDD! WALA NA BANG MAKAKATALO SA AKIN at hindi ko ini-expect na sasagot si Lord ng isang malakas na hangin.

Last round ko na ngayon at pano ba? pano ba ako makakaconcentrate nito kung yung love of my life ko ang aking kalaban? Siya na ba ang sagot sa tanong ko kanina , Lord? Kami nalang dalawa ang naglalaro ,which means ang buong klase ay nakatingin sa amin at dahil nga sa nagiging loveteam kami , maraming tuksuhan ang naganap pero isang SMILE lang ang isinagot ko bilang isang dalagang pilipina.

May papel na inilagay namin sa gitna ng board at dun namin inilalagay ang scores namin. Sa ilang minuto , lamang siya sa akin! Susss! Pasalamat sya kung di lang sana nanalo ang aking puso , hindi sya lalamang ng scores sa akin. 

Dahil sa palagi siyang nakascore sa laro namin , kinuha ko ang papel at nagsulat ng score niya. Pagkatapos kong magsulat, biglang lumipad ang aking papel pero sa table lang namin at dahil maagap ako , dinakip ko agad ito sa pamamagitan ng paglagay ng kamay ko sa ibabaw dito at nagulat nalang ako ng biglang lumakas ang tibok ng aking puso , biglang may paru-paru na nagliliparan sa aking tiyan , biglang may kuryente akong nararamdaman at dun ko lang nalaman na :

NAIPATONG NIYA PALA YUNG KAMAY NIYA SA AKIN! Gets niyo ba? So iimaginin niyo lang, nasa pinakailalim ang papel ,at nasa ibabaw ang aking kamay at luckily , nasa ibabaw rin ang kamay ni Ryan sa kamay ko.

Biglang sumigaw ang aking mga kaklase ng " AYIIEEEEEE". Agad ko namng tinanggal ang aking kamay at nagpatay-malisya. Nagpatuloy ang laro na parang walang nangyari kahit deep inside , kinikilig na talaga ako. 

Na-wrong move siya at yun ang nagbigay ng malaking chance sa aking pagkapanalo. Narinig ko nalang ang aking mga kaklaseng nagsasabing:

"NAWALAN LANG NG FOCUS SI RYAN DAHIL SA MOMENT NILA KANINA."

ipagpatuloy...

Crush Ako Ni Crush : CONFIRMED (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon