Chapter Thirty Nine [Back to Normal]

12 0 0
                                    

Blake's P.O.V

Sana okay na ngayon si sky... hindi ko sya naasikaso nitong dalawang araw kasi may kailangan akong asikasuhin eh. Umalis ako sa hospital hindi pa sya nagigising pero sana ngayon okay na sya. May need lang talaga akong tapusin kaya busy ako... malalaman nyo din kung ano yun sa mga susunod na chapter....

Habang nasa elevator ako may biglang nag txt sa akin

{dude, asan kana? Gising na si sky} yan ang txt message na natangap ko galing kay light

Napa talon ako sa elevator at napa smile ng sobra. At last gising na din si sky... agad kong pina cancel ang mga appointment ko ngayon at dali dali akong pumunta sa hospital...

"asan na si sky?" ask ko kay Allison

"andun sa kwarto nya magiingat ka ah may pagka baliw na si EUNNIE eh!" sambit ni Allison

"ayos lang sanay na ako. Sige bye!"

At dali dali akong pumunta sa room ni sky. Nakta ko sya na andun sa may upuan at may hawak na gitara at tumututotg. Terrified ata yung tinutugtog nya eh..

"kumusta na ang amo ko?" panimulang bungad ko

"buhay pa!" sagot nya

"para sayo!" sabi ko sabay abot ng boquet ng flowers

"anong gagawin ko dyan?" tanong nya

Okay sige sky push mo yan ah..... walang pagbabago? Masungit pa din?

"kainin mo try mo masarap yan!" sarkastikong  sabi ko

Tinignan nya ako at tinaasan nya ako ng kilay saka ngasalita

"bakit hindi ikaw ang mag try kaw nakaisip eh ikaw gumawa!" mataray na bara nya sa akin sabay tayo sa upuan

"anong nangyari sa sky na amo ko na mabait? Bakit parang LALO ATANG BUMAIT YUNG AMOOO KO?" pang aasar ko sa kanya

Muka ngang okay na sya kasi nakikipag asaran na sya sa akin and yan ang pinaka na miss ko sa kanya. Mukang back to normal na kami ah...

"baliw ka talaga!!!" inis na sabi ni sky

"mana lang sa amo ko!" asar ko ulet

"kadiri wala akong minanahang unggoy noh!" sambit nya

"wow ang pogi ko namang ungoy amo!" biro ko sa kanya

"pogitang unggoy pwede pa!" asar nya sa akin

Talaga namang pagdating sa asaran hindi papatalo ang babaeng to...

"ah talaga? Pogitang unngoy pala ako! Kaya pala hinalikan mo ang gaya ko!"

Ooppssssss mukang sobra ata yung pangbibiro ko kasi bigla syang namula as  in super pula na ng pisngi nya. Hala mukang galit na sya ah.........

Maya maya hinawakan nya ang unan at tyempong ibabato nya sa akin

"ang kapal ng muka mo bl....."

Hindi nya na natuloy ang sasabihin nya at nabitawan nya yung unan na hawak nya

"okay ka lang ba? Kaw naman kasi di ka pa nga magaling ang hyper mo na!" pag aalalang sabi ko

Paano ba naman biglang sumakit yung tagiliran nya. Kaya ayun inupo ko muna sya sa kama nya.

"ano masakit pa ba?" ask ko

"okay na. ikaw kasi eh..... pasaway ka talaga!" naka smile na sabi nya

"sky kelan mo pa natutunang tumawa? Creepy eh!" biro ko sa kanya

Sumimangot sya at hinawakan ulet ang unan.

F-Connect (Frienship-Connection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon