Chapter 12 - Daseri VS Samantha

40.1K 1.1K 85
                                    


Daseri's POV

Narito ako sa loob ng silid aklatan at nagbabasa ng libro, pambatang libro, dahil kailangan ko munang matutunan ang mga ilan sa mga  salitang hindi ko pa naiintindihan

Madali lang naman akong matuto at kapag may hindi ko alam na salita ay tinatanong ko si alpha.

Marahil nagtataka kayo kung bakit alpha ang tawag ko sa kanya,tinanong din nya sa akin iyon pero ang sagot ko dahil sya ang nag-iisang alpha ng buhay ko ^_^

Sauna mahirap bigkasin ang mga salitang ingles pero kalaunan ay natututo narin ako dahil lagi akong tinuturuan ni alpha kung minsan ay ang mga tagapagsilbi o di kaya si Roki ang tinatanong ko.

Kasalukyang may binabasa na papeles si alpha habang ako nakakandong sa hita nya,nakasanayan ko na kasi eh dahil dun nya ako parating inuupo pero kapag may ibang tao ,umuupo ako sa tinatawag nilang sofa ,nahihiya rin naman ako minsan kaya ang resulta naiinis si alpha sa kung sino man ang nangiistorbo daw?

Mayamaya pa ay nagpa-alam si alpha dahil titignan lang daw nya ang nangyayari kung maayos ba ang pagpapatrolya ng mga delta nya kaya tumango nalang ako.

Pagkalabas ni alpha ay nagpatuloy ako sa pagbabasa pero nagulat ako ng bumukas ang pinto at nakita ko ang isang higad na kapag tumuwad ay kita na ang kaluluwa dahil sa damit nya.

Ano naman kaya ang ginagawa ng higad na ito dito?tanong ko sa aking sarili   

"Nasaan si Alpha? "Mataray na sabi nito sa akin sinabayan pa ng taas ng ginuhit lang na kilay nya.

"Wala dito,mamaya ka na lang bumalik"sabi ko at ibinalik ko ang tingin sa libro na binabasa ko.

Pero nagulat ako ng kinuha nya ang libro na binabasa ko ,pagkatapos nyang tignan ay bigla syang natawa na kinakunot noo ko naman.

"Seriously? Itong pambatang libro ang binabasa mo?what a childish luna"sabi nito sa akin.

Tumayo naman ako at pilit kinukuha yung libro na kinuha ng higad na mukhang pato.

"Akin na iyan!ibalik mo sa akin yang libro!!!"inis na sabi ko,nagulat naman ako ng itulak nya ako kaya napaupo ako sa sahig.

"Pwede ba wag kang didikit sa akin baka mahawaan ako ng pagka-childish mo"sabi nya,sa inis ko ay tumayo ako at sya naman ang tinulak ko kaya bumagsak din sya sa sahig.

Bakit akala nya porket isip bata ako hindi ko sya lalabanan! Hindi porket matanda sya sakin ay gaganituhin lang nya ako!

Inis syang tumayo at dinuro ako.

"How dare you to do that to me!!??"sabi nya sa akin kaya nginisihan ko lang sya na ibig sabihin inis din ako sa kanya.

Nagulat ako dahil yung binabasa kong libro ay pinagpupunit nya.Hindi!!!!

"Wag!wag mong sirain yan!ano ba itigil mo sabi iyan eh!!"sabi ko rito habang pinipigilan syang sirain yung libro.

Nangmakuntento sya ay tsaka nya lang binitawan yung libro,hindi naman nasira ang harapang bahagi ng libro pero ang mga pahina nito ay punitpunit na.

"Sasusunod kilalanin mo muna kung sino ang kinakalaban mo!"sabi nya bago umalis ng opisina.

Isaisa kong pinulot ang mga pahina na nagkalat at pilit na pinagtagpitagpi ang mga ito.

Nakita ko ang pagpasok ni alpha at naabutan nya akong pinupulot ang mga piraso ng pahina sa sahig.

"Mate,what happened? Bakit nasira itong libro na bigay ko?"tanong nya sa akin habang inaalalayan ako tumayo.

Howl Of The Moon's Knight ✔  (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon