Chapter 40 - New York

4.5K 122 3
                                    

- CASSANDRA -

Hindi man niya maalala na ako ang fiance niya, ay may alas pa rin ako kontra kay lintang kirara na wala ng ginawa kung hindi ang magpa cute at lumapit ng lumapit kay donthy.

Napag alaman ko na childhood sweetheart daw........?

with all the most hateful conviction sa salitang childhood sweetheart.

......... yung dalawa sabi ni danika. Magkalapit raw kasi yung bahay ni linta sa bahay ng lola nila kung saan namalagi si donthy during her childhood years. Hindi nga raw mapaghiwalay ang dalawang ito noon.

Pero noon yun hindi na ngayon. Dahil ngayon may iba ng nagmamay ari kay donthy at AKO YUN!

Namalagi pa ng isang linggo si donthy sa hospital, at nang ready for discharge na ito ay napagdesisyunan ng pamilya na iuwi muna siya sa New York, ofcourse naman hindi ako magpapa iwan noh kaya sumama ako sa kanila. Wala namang nagawa ang family ko, kakaiba raw kasi talaga ako. Hindi na nga raw ako maalala ay pursigido pa rin ako.

Aba syempre naman, mahal ko eh so lahat ay gagawin ko. Kahit pa ang mag panggap na bestfriends lang kaming dalawa, kakayanin ko yun basta alam kong ligtas siya at aking nakakasama.

Sumakay kami sa private plane ng mga Maxine. Magkatabi kami ng baby ko at hinila ni danika si kirara sa katabi niya.

ha ha buti nga!!

Sa buong byahe ng paglipad ay nakatulog lang si donthy kaya malaya ko itong napagmamasdan, at malaya ko rin natatapunan ng matutulis na tingin yung isa everytime she pays attention to my sleeping beauty. Umiirap pa nga ito sa akin, as if naman magpapatalo ako.. Asa pa siya tsk!

Alam ko rin talaga kasi na may masamang balak ang babaeng ito kaya I must be alert guarding what I own.

Inihilig ko ang ulo ni donthy sa balikat ko kawawa naman kasi baka mangawit. I'm busy scanning my phone ng maramdaman ko na iniangat na nito ang kanyang ulo.

'' I'm sorry cassey nabigatan ka yata sa ulo ko '' saad nito na may himig na naku-konsensya.

Ngumiti ako at kinuhang  muli ang kanyang ulo at ibinalik ito sa aking balikat.

'' no worries ano ka ba, sige na matulog ka na ''

'' okay salamat ''

And the next thing she did melt my heart. Kinuha niya yung braso ko and linked it to hers.

Aaaaayyy kinilig ako!!!!!!!!!!!  at walang kokontra!

*dilat mata!

Nagpatuloy ang byahe namin na hindi mabura bura ang ngiti sa aking mukha, parang first time na naman kasi na nangyari ito after ilang buwan. hmmmmmmm..........

sheeeet kinikilig kasi talaga ako.

-----------

Matapos ang parang usad pagong na byahe ay sa wakas nakarating na rin kami. Batid naman sa mukha ni donthy ang pagkasabik na makauwing muli kasama ang kanyang buong pamilya.

Napagkasunduan kasi na mamamalagi muna ng isang linggo ang dalawa niya pang mga kapatid sa kanilang bahay bago ito lumipad pauwi sa kani-kanilang mga pamilya. Si dominika sa pilipinas at si danika sa jeju island kung saan dun muna namalagi si Ana at si baby danelle.

Pagkapasok pa lang ng bahay ay may masigabong pa welcome greetings ang mga kasambahay ng pamilya Maxine at katulad ng huli kong pag bisita ay wala pa rin halos pinagbago ang mansyon nila. Kaya nakakatuwa rin namang makabalik ako rito.

Okay na sana ang lahat ang kaso ewan ko ba kung bakit narito pa rin si kirara.

Hay naku! * rolling of the eyes.

Sinabihan nga pala siya ni tita na dito na magpalipas ng gabi anong oras na din kasi eh, so sige na nga bukas aalis na rin ang babaeng lintang to.

So okay fine ano pa nga ba.

Dala na rin siguro ng pagod ay matapos mag gabihan ay dumiretso na kaming lahat sa kanya kanyang kwarto. Kinuha ko yung annex ng kwarto ni donthy, dito naman kasi talaga ako kapag bumibisita dito sa kanila kahit dati pa. Then si kirara dun sa ibabang guest room kaya medyo panatag ako na hindi niya magagapang si donthy kapag natutulog na ako.

oo ako na ang paraniod pano ba naman kasi hinalikan niya kaya ang baby ko noon at kapag naulit yun sisiguraduhin kong wala na siyang nguso magagamit pangkain next time.. hmp!

Bago ako natulog ay sinilip ko muna yung isa kung maayos ba ang kalagayan, nang masigurado ko naman na mahimbing na itong natutulog ay nahiga na rin ako sa aking kama.

'' be good to me New York '' sambit ko bago ako nag paubaya nang tuluyan sa kadiliman at tumungo na sa la la land.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon