EPISODE 2 PART 9- Romance with Storm

63 0 0
                                    


ISIAH's POV


Naghanda na ako kasi may training ako sa martial art ko, excited na akong inihanda ang mga gamit ko sa sports ko nang pumasok si Seven. Nagulat naman ako saglit pero nawala rin nang makita ko siya.

"Ikaw pala" nakingiti ko pang wika sa kanya. "Wala ka bang practice ngayon? malapit na ang concert mo 'di ba?"Tanong ko sa kanya sabay tingin "oh, ba't malungkot ka?"

Nakita ko kasing nalungkot siya, nang marinig ang sinabi ko na sinabayan pa niya ng isang malalim na buntonghininga na akala mo ang lalim ng pinanggalingang lungkot, napangiti ako at naupo sa tabi niya.

"Baket ba?" Tanong kong may ngiti sa kanya

"Kasi sa tuwing nababanggit ang concert ko, parang pinapaalala lang nito ang Military Service ko." nakabusangot niyang wika.

Oo nga pala, after ng concert niya aalis siya patungong Korea para sa kanyang Mandatory Military Service. Kaya naman gumawa na ito ng katakot-takot na album, at teleserye na matatapos na ang shooting, at apat na magkasunod na concert, madami siyang guest do'n na sikat din na mga singers.

"Ano ka ba? saglit lang naman ang dalawang taon ei."

"Sana Pilipino na lang ako."

Natawa na lang ako sa mga sinabi niya na akala mo naman ay 'di Pilipino kung makapagsalita, what I mean is... half Filipino, tumayo ako uli at inayos ko nanaman ang mga gamit ko nang kinuha niya ang sapatos ko sa soccer at tinignan ito.

"I think you need to buy a new one." Wika niyang napapa smirk pa.

Tinignan ko muna siya at ngumiti, inayos ko na lang ulit ang mga gamit ko habang siya usisa nang usisa sa mga gamit ko.

"You need to change all your things Miss black belter." ngiti niya.

ngumiti lang ako, hmm swerte kaya sa'kin ang mga lumang gamit ko, kaya kahit binilhan ako ni Sir Sky ng bagong gamit ko ay 'di ko muna ito dinala, at saka ko na gagamitin pagka masira na 'tong gamit ko, pero mukhang matagal pa.

"May mga bago ako diyan binili ni Sir Sky."

"huh??" Gulat niyang tanong "he buy you a new things??"

Nanlalaki ang mata nito habang nagtatanong sa'kin, natawa na lang ako sa kanya, kasi ang reaksyon niya parang bata na 'di mo malaman kung nagseselos o nagsusumbong.

"Pinabili daw ni Steven 'yon." Wikang ngiti ko.

"Ah really? Your fiancé thinks something like that?" Gulat na tanong niya, "whoaaa himala."

Nagulat naman ako sa sinabi niya... baket? 'di ba sweet si Steven sa mga nagiging gf niya?

"Why? his not sweet with his exe's before?"

Napangiti muna siya at bahagyang inihiga ang sarili sa kama ko, parang kanya lang. Napaisip muna siya saka tumingin sa'kin.

"Actually, he doesn't have a serious relationship."

Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon