"Bessy!" sigaw ni Francine.
Sinundan niya ito, ngunit patuloy pa rin ito sa pagtakbo hanggang sa makarating na ito sa labas ng subdivision.
Then suddenly, tumakbo si Vera patawid ng kalsada. Nanlaki ang mga mata ni Francine nang makita na masasagasaan na ito ng paparating na jeep.
"Diyos ko, bessy!"
Nagmadaling tumakbo si Francine at niyakap ang kaibigan. Masasagasaan na sana sila, ngunit hinila niya kaagad ito papunta sa kabilang kalsada at kapwa sila nagpagulong-gulong doon.
Sa awa ng Diyos ay nakaligtas silang pareho.
"Ahhh!" daing ni Francine nang maramdaman ang galos sa braso. Ngunit sa halip na unahin ang sarili ay si Vera kaagad ang inalala niya. "Bessy, ayos ka lang ba? N-nasaktan ka ba!?"
Bigla na lamang itong napaiyak. Mas nag-aalala tuloy si Francine na baka kung ano nang nangyari rito. "Bessy, tinatanong kita. May masakit ba sa iyo? Sumagot ka!" natarantang tanong niya.
Ngunit hindi ito sumagot. Bagkus ay dahan-dahan itong bumangon at inalalayan naman siya ni Francine.
Pagkuwa'y hindi na napigilan ni Francine na maglabas ng sama ng loob. "Bakit ba kasi bigla ka na lang tumakbo? Hindi mo ba alam na kung hindi pa kita iniligtas, baka wala ka nang buhay ngayon? Ano ba'ng nangyayari sa 'yo!?"
Umiiyak na humarap sa kanya si Vera.
"Sorry, bessy. Bigla na lang kasi akong nakaramdam ng takot nang makita ko iyong bisita ni Raymart. Inakala ko na siya si Greg. Kamukhang-kamukha niya si Greg!" Hinawakan niya sa mga kamay si Francine. "Bessy, nagmamakaawa na ako sa 'yo. Ayoko nang bumalik doon. Umuwi na tayo, please. Natatakot ako sa kanya!"
Niyakap siya nito nang mahigpit.
"S-sige, uuwi na tayo kung 'yan ang gusto mo."
Then, hinaplus-haplos niya ito sa likuran. Inintindi niya na lamang ang kalagayan ng kaibigan. Alam niya kung gaano kabigat ang pinagdaan nito at marahil ay hindi pa talaga ito nakaka-move on sa pangyayari noon.
"Tahan na. Ako na ang bahalang magpaliwanag kina Ate Cecile at Raymart tungkol sa nangyari."
---
Nang mangyari ang insidente ay dumiretso na sa pag-uwi sina Vera at Francine. Tumawag kaagad si Francine kay Raymart pagkarating sa bahay.
"Pasensya ka na talaga, Raymart ah. Dumiretso na kaming dalawa sa pag-uwi kasi nag-aalala ako kay Vera. Until now ay nakakaramdam pa rin siya nang takot dahil sa nangyari kanina," sabi ni Francine.
Nasa kusina sila ni Vera. Hindi mawala ang pag-aalala niya dahil hanggang sa sandaling iyon dahil bakas pa rin sa mukha nito ang takot. Wala sa sarili na nakatulala ito sa inihanda niyang kape para rito.
"Ayos lang iyon," sagot ni Raymart at nagkatinginan sila ng kanyang Ate Cecile na katabi niya sa sofa. Nandoon din sina Arnold at Jackson na nakikinig sa kanya. "E, talaga namang nakakatakot ang pagmumukha nitong si Jackson. Kung hindi ko rin ito kilala, baka kumaripas na rin ako ng takbo," biro ni Raymart.
BINABASA MO ANG
Sinful Heaven [Completed]
General FictionMiggy messed up big time by cheating on his wife, Francine, with her best friend, Vera. They thought they could keep it a secret, but their affair was exposed. Now, Miggy's life is a mess, filled with regret and a damaged reputation. 'SINFUL HEAVEN'...