NAKATINGIN LANG SI MAINE kay Heaven na ngayon ay kausap ang security officer ng subdivision. Napakaseryoso ng mukha nito at nagbilin ng kung ano ano sa security. Maybe he's instructing them to tighten the security.
Pagkatapos ng nangyari kagabi ay hindi na siya iniwanan ng asawa. He didn't go to work for her. Sinabihan niya ito na pumasok na lamang ito at kaya na niya ang kanyang sarili pero mariing tumanggi ang asawa.
Kung sabagay, mas mapapanatag ang kanyang loob pag nasa tabi niya si Heaven. Though she find it really weird. Hindi na niya maintindihan ang sarili, she's becoming paraniod.
Pero mukhang mas paraniod ang kanyang asawa, he even told her to get a bodyguard. Maine doesn't like the idea that she's having a bodyguard. Hindi kasi siya kumportable kung laging may nakabuntot sa kanya kahit saan man siya magpunta pero dahil kaligtasan niya ang nakataya, hindi na siya nakipag-argumento pa kay Heaven.
Mabuti na rin yung nag-iingat sila. They wouldn't take another risk.
Ilang minuto pa ang lumipas bago lumapit sa kanya ang asawa. Agad nitong ipinalibot ang braso sa kanyang beywang at hinalikan siya ni Heaven sa noo.
"Are you okay?That take long than I expected. I'm sorry. Nabored ka ba? " Malambing nitong saad.
Maine shook her head as a response. "Okay lang ako hon. Para saakin din naman ang ginagawa mo eh. Thank you."
Hinawi ni Heaven ang ilang hibla ng kanyang buhok na nakatabing sa kanyang mukha saka siya marahang niyakap. "No need to thank me hon. I'll do anything for you." Anito saka siya pinakawalan.
Napangiti si Maine sa sinabi ng asawa. Indeed. Heaven is the sweetest.
He possessively wraps his arms around her waist, saka siya nito iginaya patungo sa kanilang bahay. Malapit lang naman ang kanilang bahay kaya hindi na sila gumamit ng sasakyan.
Magkatabi silang naupo ni Heaven sa mahabang sofa ng makarating sila sa sala. "You should rest. Hindi ka masyadong nakapagpahinga kagabi."
It's true. What happened last night haunts her. Hindi mawala sa kanyang isipan kahit na nakayakap sa kanya si Heaven buong magdamag.
Umiling siya. "Okay lang ako. Pasyensya ka na. Dahil sa akin, hindi ka rin nakatulog." Mahina niyang saad. Heaven keep assuring her last night that she's safe, pero hindi parin talaga siya mapalagay.
Yeah. She's being paranoid.
"Don't say that. As I've told you earlier, I'll do anything for you hon." Anito.
Hindi na niya ito sinagot. Humilig na lamang siya sa matipunong dibdib ni Heaven saka hinayaan ang kanyang isip na maglakbay.
Ang daming hadlang sa kanilang pagmamahalan ni Heaven. Hindi tuloy niya maiwasang isipin kung sino ang may pakana ng lahat ng ito.
Kung sino ang may pakana nung nangyari sa kanya one year ago? Kung sino ang nagbabanta sa kanyang buhay? At Kung sino ang nagpadala ng mga pekeng litrato niya kasama ang ibang lalaki?
Sinabi sa kanya ng asawa na may natatanggap nanaman itong mga litrato niya. The good thing is, hindi na ito naniniwala pa roon.
Heaven promised her, he promised not to jump into conclusions. Nangako rin itong hindi iyo magpapadala sa bugso ng damdamin.
Masaya si Maine dahil wala ni isa sa kanila ang naglilihim.
"Sa tingin mo? Sino kaya ang may pakana nito?" Wala sa sarili niyang tanong.
Heaven sighed. " I don't know yet. Pero malapit ko nang malaman ang katotohanan. Humanda na lang siya pag nalaman ko dahil hinding hindi ko siya patatahimikin."
BINABASA MO ANG
I'm the Wife of the Demon
General Fiction*NOON* He's my BOYFRIEND. He's SWEET. He's a GENTLEMAN He's my WORLD. *NGAYON* He's my HUSBAND. He's RUDE. He's HEARTLESS Yet He's still my World. MARTYR? That's her alright. She hated herself for what happened . Nang dahil sa isang pagkakama...