CHAPTER 31

1.7K 65 7
                                    

"CONGRATULATIONS MRS. ORTEGA, you're eight weeks pregnant." Nagningning sa kasiyahan ang mata ng Doctora na sumuri sa kanya. Dr. Kaytlyn Dayre Akmetov handed her the photograph of her ultrasound. Nakalagay ito sa envelope.

Obviously, she's in an Ob-gynecologist Clinic.

Nang magising siya kanina, mahimbing pa rin ang tulog ng asawa kaya naman naligo siya at napagpasyahang puntahan ang clinic na natanaw niya kahapon nung bumili siya ng pregnancy kit.

Maine already knew that she's pregnant , pero napaawang parin ang kanyang labi habang pinipigilan ang luha. Iba pa rin talaga pag Doctor na mismo ang nagsabi sayo.

Tinanggap niya ito saka nilabasa ang larawan at pinakatitigan. Hindi na niya napigilan ang kanyang luha habang nakatingin sa litrato ng kanyang anak  na nasa kanyang sinapupunan. This is a blessing.

May dadagdag na sa kanilang pamilya.

Humaplos ang kanyang kamay sa tiyan. My baby. Mine. And Heaven. Ano kaya ang magiging reaksyon ng asawa pag nalaman niyang buntis siya.

Nagniningning ang matang bumaling siya sa Doctora. "Maraming salamat po Doctora."

"Don't mention it..." may matamis itong ngiti sa labi. "Sa lahat ng reaksyon na nakita ko matapos kong sabihin na buntis sila, yours is the happiest smile so far. "

May binagay itong papel sa kanya, it's a prescription. "Kailangan mong bilbin ang mga Vitamins na ito para sa baby mo. You must also drink milk, eat lots of fruits and vegetables para lumakas ang resistensiya ng bata. And as much as possible, huwag kang magkakain ng mga junk foods. Iwasan mo ring magpagod, magbuhat o gumawa ng mabibigay na gawain, magpuyat at mastress dahil nakakaapekto iyon sa kalusugan ni baby sa yong sinapupunan. " panay lamang ang tango niya sa sinasabi ng Doctora.

Matapos siyang bilinan ng Doctora sa mga dapat at hindi dapat gawin, at yung susunod niyang check up ay nagpasalamat diya rito. Bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan ng lumabas siya sa pintuan.

Isinilid niya ang envelop sa kanyang purse at masayang naglakad pabalik sa kanilang bahay. She felt happy and contented.

Habang naglalakad pauwi, nag-iisip siya ng magandang pagkakataon para masabi kay Heaven ang magandang balita. Eh kung ayain niya kaya itong magdate then saka niya sabihin? nah. Hindi dapat babae ang nag-aaya ng date.

Eh kung sa kasal na lang kaya nila? Nah, masyadong matagal.

Napakurapkurap siya ng maalalang malapit na pala ang kaarawan ng asawa. It's three days from now on.

She smiled widely. She'll tell him the good news on that day as a birthday gift.

Malapit na siya sa kanilang bahay nang matanaw niya ang asawa na nakatayo sa harap ng kabilang bahay at patingin tingin sa paligid na para bang may hinahanap.

Patakbo siyang lumapit at inihanda ang matamid niyang ngiti.

"Hey hon."

Agad napabaling sa kanya si Heaven, masama ang timpla ng mukha nito,

"WHERE THE HELL HAVE YOU BEEN?!" Napapitlag siya sa gulat dahil sa galit na boses ng kanyang asawa.

"Nagpahangin lang dun sa labas---" hindi na niya naituloy ang sasabihin ng magsalitang muli ang asawa.

"You do realize that your  life is still in danger! What if something happen to you when you went outside?!
Madilim ang mukha nito at nagtatagis ang bagang.

I'm the Wife of the DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon