Chapter 33: Stage Two

3.1K 120 7
                                    

Chapter 33: Stage Two

Third Person's Point of View

Naramdaman ng matanda ang isang maitim at napakalakas na presensya sa labas. Alam niya na ang presensyang ito ay paparating.

Nasa loob ng kanyang opisina ang matanda, nakaupo sa kanyang upuan kaharap ang gawa sa glass na mesa. Sumandal siya at itinukod ang dalawang braso sa gilid na parte ng upuan.

Napabuntonghininga ang matanda nang maramdaman niya ang presensyang iyon na ngayon ay nakatayo na sa labas ng kanyang pintuan. Kumatok ito ng tatlong beses at binuksan ang pinto.

Sinalubong niya ng ngiti ang lalakeng pumasok ng kanyang opisina.

"Phoenix," banggit niya sa pangalan ng lalake. Tama nga ng hinala ang matanda, ito ang naramdaman niyang malakas na presensya. Kailanman ay hindi pa siya nagkamali sa kanyang mga naramdaman. "Can I help you?"

Walang ekspresyong lumapit si Phoenix sa harap ng matanda, ang mesa na siyang nasa kanilang gitna. Huminto si Phoenix sa harap ng matanda at nag-iwan ng isang metrong pagitan. Tuwid siyang tumayo habang ang dalawang kamay ay nasa loob ng bulsa.

"Have a seat first," aya ng matanda habang nakalahad ang kamay. Tinignan ni Phoenix ang kamay ng matanda at ang upuan sa kanyang kaliwa. Agad naman siyang umiling.

"Hindi na po Professor," natural na ang pagiging malamig ng boses ng lalake. "Hindi rin ako magtatagal, may gusto lang akong sabihin."

"And what's that about?" ramdam ni Professor Fross na importante ang sasabihin ni Phoenix dahil minsan lang itong nagpapakita at nakikipag-usap sa kanya. Diretso siyang tinignan nito sa mata.

"Tungkol sa mga Claws," mas naging seryoso ang mata ni Professor Frost. "May mga nakabangga kaming limang Claws sa gubat kanina."

Hindi maitago ng matanda ang kanyang pagkagulat. Sinubukan niya paring manatiling kalmado.

"Pero paano nangyari 'yon?" tanong ng matanda sa kanyang sarili. "Hindi basta-basta nakakapasok ang mga Claws dito. You and I know na naayos na ang Hall of Switch at well protected ang mga ito."

"Oo, pero paano kung hindi lang sa labas nanggaling ang mga Claws?" napaisip ang matanda sa sinabi ni Phoenix. Biglang umalingawngaw sa loob ng utak ng matanda ang sinabi ni Phoenix kanina.

"May mga nakabangga kaming limang Claws sa gubat kanina."

"Teka, may nakabangga kayong Ravenclaws? You mean may kasama ka?" nakita ng matanda ang konting pagbago ng ekspresyon sa mukha ng lalake. "Sino?"

"That new girl here," kumunot ang noo ni Professor Fross. Ilang segundo lang ay naalala niya ang babaeng iyon. "Freya."

Walang naisip na malisya si Professor Fross na magkasama ang dalawa. Malamang ay coincidence lang ang lahat, sa isip-isip ng Professor.

"That new girl, she's something." Sabi ni Phoenix sa loob ng kanyang isipan. At hindi lang si Phoenix ang napapaisip tungkol sa babaeng iyon, pati na rin si Professor Fross.

Sa unang pagtatagpo ni Professor at ni Freya, alam na ng matanda na may kakaiba nga sa babaeing ito.

"That's everything to say," sabi ni Phoenix at tumalikod na. Bago paman siya umalis ay huminto siya saglit.

"And by the way," nagsalita ito ng hindi hinaharap si Professor Fross. "That Freya's ability is interesting..." naghintay si Professor Fross sa sunod na sasabihin ni Phoenix. "She can feel them. She can feel the Claws."

Ang huling narinig ni Professor Fross ay ang pagsara ng pinto. At naiwan siyang malalim ang iniisip.

"Siya na kaya iyon?" sa isip ng matanda.

Peritia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon