Chapter 34

13 2 0
                                    

A/n: Hellooooooooo readers! Its been a while 😂 Inatake ako ng writer's block e, ngayon lang ata gumaling 😂 So, thank you for reading and enjoy! 😘

Minsan sa buhay natin, may mga nagagawa tayong pagkakamaling labis nating pinagsisisihan. Bagay na akala natin, tama pero maling mali pala. Yung kahit na gusto nating itama, hindi natin magagawa kase nga huli na. Wala na, finish na, kumbaga.
Now that realized that I have feelings for Samantha, I don't know what to do. I don't know who to choose between the two. Kahit na hindi ko naman dapat mamili sa kanilang dalawa, feeling ko kailangan.

My mind says that it should be Nathalie because she was my girlfriend, but my heart says it should be Samantha because I love her. Ayokong makasakit.

Marami na akong nasaktan, pinaluha at pinahirapan. Ayoko na iyon dagdagan.

Last night, nagmuni-muni ako. Pinag-isipan kong mabuti kung ano ang tamang gawin ko. I did choose between the two and I chose Samantha. Sana nga ay hindi pa huli ang lahat. Sana mapatawad at tanggapin niya pa ako.

*****

Samantha's POV

They say that happiness is a choice, I guess its not. Because we, people in this world, wants to be happy but the situation won't allow us to be.

Ewan ko ba, wala na nga yata akong karapatang maging masaya. Lahat na lang ng taong minamahal ko, sinasaktan ako. Sinadya man o hindi. Hindi ko alam kung anong ginawa ko kung bakit sa murang edad kong 'to, nasasaktan na'ko ng sobra sobra. Siguro dahil ang bata bata ko pa lang, lovelife na agad ang inaatupag ko. Nakakatawa man pero iyon naman ang totoo.

"Anak, naimpake mo na ba ang lahat ng kailangan mo? Wala ka na bang naiwan?" Napabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses na iyon ni mama.

"Opo, ma." Ngumiti ako sa kanya. "Mamimiss kita, ma. Dadalaw ka 'don huh? I love you."
Sinimangutan niya ako.

"Kung makapagsalita ka, parang hindi mo na ako babalikan dito, anak. Syempre, dadalawin kita 'don tuwing pasko, pwede ba namang hindi? Basta mag-iingat ka ha? Mahal na mahal kita, anak." Naiiyak na sabi niya saka ako niyakap ng sobrang higpit.

"Opo naman, ma. Lagi akong mag-iingat 'don at sa pagbabalik ko dito, hindi na ako marupok." Biro ko na ikinatawa naming pareho.

"O s'ya sige na, baka ma-late na kayo ng papa mo sa flight n'yo." Kumawala sa yakap sa'kin si mama at minadaling inayos ang gamit ko at nilagay sa kotse.

Nang matapos niyang ayusin iyon, lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. I was thankful to have a mother like her.

"Take care, ma. I love you." Humalik ako sa pisngi niya saka ako pumasok sa kotse.

Kumaway lang ako sa kanya habang papaalis ang kotseng sinasakyan namin ni papa.

Thankful din ako kasi hindi nila binanggit ang pangalan 'niya.'
Alam kong parang ewan lang, pero mas mabuti na siguro 'to para mapadali ang paglimot ko sa kanya kahit papaano.
Sa wakas, napapayag ako ni papa na mag-aral sa States. Noon pa niya ako niyayaya 'don pero lagi ko iyong tinatanggihan. Isa sa rason kung bakit ako pumayag ay dahil kailangan kong ayusin ang sarili ko. Kailangan kong makalimot at hilumin ang lahat ng sakit na naiwan sa puso ko.

Maybe this is the first step to make myself happy. Sarili ko naman ngayon, bago ang iba.

Goodbye, Ryle Marcus Ortillo.

Saying Goodbye to my Playboy BestfriendWhere stories live. Discover now