Arzella Leonis POV
Ang sabi nila....
Ang love daw ang pinaka masayang piling sa mundo. Kase kapag na in love ka. Piling mo para bang nakalutang ka sa ulap.
Yun bang tipo na para bang ang saya-saya mo palagi, kase alam mong may inspirasyon ka.
Na sa tuwing makikita mo yung taong mahal na mahal mo.... Para bang kontento kana ika nga.
Lalo na kung mahal ka rin ng mahal mo. Ang swerte-swerte mo siguro kapag ganoon ang nangyari.
Pero paano kung hindi ka pala mahal ng mahal mo? Na ikaw lang yung umasa at nangarap na sana.... Magawa din niyang masuklian yung nararamdaman mo.....
At sa kaso ko.
Ganoon ang nangyari saakin.
Nagsimula ako sa paghanga lang sakanya, tapos nauwi yun sa pagkainis ko sakanya. Pero ng unti-unti ko siyang makilala....
Yung simpleng pagkagusto ko sakanya..... Hindi ko napansin na mas lumalim na pala. Nagising na lang ako isang araw na mahal ko na pala siya.
Na nagsisimula na akong pangarapin siya.
Kaya naman ng bigyan niya ako ng isang chance..... Siyempre ako itong si gaga...... Nag go naman kaagad!
Kase naisip ko wala namang masama kung susugal ako, di ba? Lalo na't masaya ako sa tuwing kasama ko siya.
Siya lang kase ang nag paramdam saakin ng ganoong feelings! Kaya sabi ko sa sarili ko.
O! Siya na siguro ang the one ko.....
Pero yun pala.
Masasaktan lang ako.
Kase kahit pala binigyan niya ako ng pagkakataon na pumasok ako sa puso niya. Imposible parin pala na mahalin din niya ako katulad ng pagmamahal ko sakanya.
Kaya ang siste..... Heto ako. Palaging umiiyak sa tuwing maiisip at maalala ko siya.
Siya kaya? Naiisip din kaya niya ako? Naalala din ba niya ako? Pero sino ba ang niloko ko?
Alam ko naman na baka nakalimutan na rin niya ako eh.
Daya noh?
Bakit ba kase kailangang ma in-love tayo sa mga taong hindi naman pala tayo kayang mahalin. Tuloy sa huli tayo ang nagiging kawawa eh.
Kase lahat binigay mo na sa taong minahal mo..... Pero hindi pala sapat yun......
"Kailan ba kita makakalimutan..... Dreyd?"
.............................
BINABASA MO ANG
The Wolverian Prince & Me
De TodoBata palang si Arzella, pangarap na talaga niya ang maging isang sikat na artista. Kaya naman lahat gagawin niya para lang matupad ang pangarap niyang iyon. Kaso kung kailan abot kamay na sana niya ang pangarap niya. Bigla namang dumating si Dreyd...