Chapter 10

149 7 0
                                    



Dreyd Zebulter Wulfric POV



"Damn! Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa ginawa mo! Seriously?! Ginawa mo talagang personal alalay si Arzella Leonis?! The fuck man!" Hindi parin makapaniwalang bulalas ni Keroshino.


"And why not? She deserved to be punish." Simpleng sabi ko sabay lagay ng yelo sa baso ko.


"Crap! Di ko akalain na gagayahin mo yung ginawa ni Dirk kay Dallas! Seriously?! Ganyan ka talaga kaseryoso na parusahan ang isang yun?!" Tanong nito sabay kuha din ng yelo para lagyan din ang baso nito.


"Correction, Lacrimas! Magkaiba ang sitwasyon na ginawa namin ni Dirk. Ginawa niya kay Dallas yun, para siguro mas makilala ang naging asawa niya. Meanwhile, yung gagawin ko kay Arzella ay isang punishment. Kung saan alam kong magtatanda siya ng husto." Nakakunot ang noo na sagot ko dito.


Nakita ko na nangingiti na umiling-iling ito.


"Pare! Kahit anong sabihin mo! Parang iisa lang talaga yung style nyo ni Dirk! Sige nga. Ano ang pinag-iba ng personal maid/assistant sa isang personal alalay?! Baka mamaya niyan, kung saan mauwi yan! Sige ka!" Anito na parang natatawa pa.


Tuloy mas lalong lumalim ang kunot sa noo ko.


"Palibhasa fans ka ng DirLas kaya kung saan-saan na napupunta yang imahinasyon mo, Lacrimas. Kaya pati ang simpleng punishment na ginagawa ko, nilalagyan mo ng meaning! Besides if ever na pumatol ako sa isang babae na hindi natin kauri. Na alam mo na malabong mangyare. Hindi si Arzella Leonis ang babaeng iyon. She's lunatic, plus daig ko pa ang nag suicide kapag ganoong klase ng babae ang pinatulan ko." Sabi ko sabay salin ng alak sa baso ko.


"Hahahaha! Ibang klase! Bakit ba parang masyado kang defensive diyan? Parang sinasabi ko lang naman na ginagaya mo yung style ni Dirk, kung saan-saan na nauwi yang explanation mo Pare! Saka ano ba ang masama sa isang katulad ni Arzella Leonis? I think she's not that bad, katulad ng mga pinagsasabi mo. You know, she's kinda funny and absolutely freaking----"


"You are sick!" Iritadong sabi ko.


Hindi ko magawang maipaliwanag kung bakit bigla akong nairita. Probably dahil parang pinalalabas nito na may something ako sa babaeng yun! Hell no!


Hindi pa ako ganoon kabaliw para ilagay ulit sa panibagong magulong sitwasyon ang sarili ko. Ni hindi ko pa nga naayos ang problema ko, dadagdagan ko pa! 


Maybe it's a wrong decision na mapalapit ako kay Arzella Leonis, dahil baka maungkat bigla ang koneksyon ko sa ama ko na siyang gumahasa sa ina nito noon. Pero hindi ko rin naman kayang palagpasin ang ginawa nitong atraso saken.


Once na mabayaran na nito ang atraso niya. Tapos na ang ugnayan ko dito. Ganoon lang kasimple yun. Masyado lang talagang malikot ang imahinasyon ni Keroshino, kaya kung saan-saan umaabot ang naiisip nito.

The Wolverian Prince & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon