Kinaumagahan. Around 6 AM.
May yumugyog saken. Hindi ko pinansin nung una eh. Antok na antok pa ko. Di pa kaya ng mata ko dumilat. Tapos isa pa ulet yugyog. Deadma ako. Matutulog ako >.<''
Papa: Hoy! Ano ba\! Gising ka na nga. Tanghali na eh!
Tanghali na ba?!
Ash: Oh.. Ano ba?! Wag ka ngang magulo. Nananaginip pa ko eh. Natutulog yung tao eh.
Nagtaklob ako ng kumot. ISTORBO naman ehh.
Papa: May bisita ka nga!
Ash: Sabihin mo, bukas nalang siya pumunta.
Para akong lasing nung sinabi ko yan -___-
Papa: Gwapong Lalaki!
Nagising ako dun aa! >.< Lalaki daw eh? Nagulat ako!
Ash: Lalaki?
Papa: Oo. Bangon na! May lakad daw kayong importante!
HUWAAAW! Nagjojoke lang ba tatay ko?
Ash: Pangalan?
Papa: Ewan ko! Marcus ba?! Hindi ko alam.
HUWAAH? Si Mark ba yan? Tumayo agad ako! Myghhaaaass! Hindi man lang nagsabe na pupunta! At ang aga aga pa! >.< San na naman ba kami pupunta? Di nalang pumermi sa bahay eh? Di ba nya alam na nakakaistrbo siya! >.<" Naghilamos ako agad at bumaba na ko.
Nakita ko siya sa mesa namin.
Ash: Ano gnagawa mo dito?
Tumingin sya sa paligid.
Mark: Uhmmm..... HUMIHINGA habang NAKAUPO habang naghihintay?
Nagtatanong ng maayos eh!
Ash: Tumigil ka nga sa kapilosopohan mo? Hindi ka ba marunong magsabe na pupunta ka ha? May number naman ako sayo ah? Tsaka ang aga aga tapos aayain mo ko gumala? Ayos ka lang! Di ka ba makapaghintay para mamaya ha? Magkikita naman tayo mamaya ah? Nakakaistorbo ka! Di mo ba alam yun?
Yan. Sermon agad naabot nya saken. Nakakainis naman kasi eh. Nakatitig lang siya saken tapos ngumiti pa, PANG ASAR talaga! >.<"
Mark: Oh! Wag kang iiyak! Eto oh, gatas! Masarap yan. Ako nagtimpla.
Di ba? PANG ASAR TALAGA KAHIT KAILAN? GRRRRRRRR. Umupo ako ng padabog.
Ash: Di aq nag gagatas, sayo nalang yan! Tsaka.. Sino ba nagpapasok sayo dito?
Mark: Si Richard.
Ash: Si papa? Ang suwerte mo naman.
Mark: Bat naman?
Ash: Di yun nagpapapask ng lalaki dito.
Mark: Talaga? Iba na talaga nagagawa ng kagwapuhan ko :) (KUMINDAT)
Ash: (binatukan si Mark) WAKE UP, MEN!
Tumawa lang siya. Bat ba lagi tong tumatawa? Hindi kaya to kabagin sa kakatawa?!
Mark: Kumain ka na nga!
Ayoko kumain eh. Wala akong gana.
Ash: Yung gatas mo nalang inumin ko.
Kinuha ko yung gatas.
Ash: Masarap ba to? Baka naman isuka ko?
Mark: Masarap yan!
Ash: Pano mo nasabe?
Mark: May halong pagmamahal yan ehh.
Medyo nabigla ako dun. Ayoko mag assume ehh >.>
BINABASA MO ANG
Sa Isang Sulyap Mo
Teen FictionLove at first sight. Falling for a friend. Break ups. Letting go. Moving On. Hanggang saan ang kaya mo para sa taong mahal mo?