Chapter 34: I Know You're There
Freya's Point of View
Hindi ako sigurado sa susunod kong gagawin. Lalapitan ko sana siya para tulungan pero bakit ko naman gagawin iyon? I am Freya, I will only care about myself. And I know nothing about him to start with.
Napatingin ang lalake sa paligid nang may narinig itong kaluskos. Maging ako ay napatingin na rin sa paligid.
Nakita ko kung paano hirap na tumayo ang lalake habang iniinda ang sakit mula sa sugat nito. Itinukod nito ang kaliwang kamay sa puno para paghugutan ng suporta habang ang kanyang kanang kamay ay nakahawak sa sariling tiyan na may sugat.
Napapakagat pa siya sa ibabang labi habang tumatayo. Kitang-kita ko sa kanyang mukha kung paano niya iniinda ang sakit.
Lalong lumalakas ang ingay ng mga yapak ng paa, paparating na ang mga ito. Patingin-tingin siya sa paligid at sinubukang maglakad kahit na nahihirapan. Napalunok ako habang siya ay pinagmamasdan. Paika-ika ito kung maglakad.
Mas binilisan pa nito ang paglalakad hanggang sa nawala na siya sa aking paningin. Sumandal ako sa puno at napahinga ako nang malalim.
Ibinalik ko ang tingin ko doon sa kinatatayuan ng duguang lalake kanina. Kagaya ng inaasahan ko, wala na siya. Pero sa oras na ito ay may limang ibang estudyante na akong nakikita.
Ang isa ay may hawak na kadena, ang dalawang lalake ay may hawak na kutsilyo. At ang dalawa pang lalake ay walang armas na hawak o kahit anong bagay na pwedeng panlaban.
Kagaya ng naunang dalawang estudyante na nakita ko kanina, tila may hinahanap sila.
"Talasan n'yo ang paningin n'yo, nasa paligid lang 'yon," maotoridad na utos ng isang lalake. He must be the leader.
I remained as still as possible while keeping an eye on them. Kapag nakita nila ako, katapusan ko na.
I still don't understand the details about this stage but something's telling me not to let them know about me being here. May hinahanap sila, silang lahat. Isa siguro iyon sa mga dapat gawin sa stage na ito. Pero ang hindi ko parin maintindihan ay kung bakit may nakikita akong mga duguang estudyante.
At tila may ibang grupo ng estudyante ang hinahabol ang iba. May labanan ding nagaganap. Konti nalang, malalaman ko rin kung saan tungkol ang stage na ito. Bakit ba kasi parang ako lang ang hindi nakakaalam sa detalye ng stage na ito?
"Sino ka?" lumipat ang tingin ko sa lalakeng kararating lang. The five guys gathered in a group and faced that guy.
Nag-iisa lang ang lalake, wala itong kasama. I was expecting him to rattle and run for his life but that did not happen. Instead, he stood in silence and faced the five guys with a posture as calm as an ocean.
"Ikaw," nagsalita ang isang lalake. "Sino ka?"
Hindi sumagot ang lalake. Gusto ko siyang sigawan at sabihing tumakbo. Hindi niya ba alam na nanganganib ang buhay niya? Nag-iisa lang siya! Ramdam ko sa boses ng mga lalake na nanghahamon ang mga ito.
"Ibigay mo sa'min ang hawak mo! At hindi ka namin sasaktan," sabi ng isang lalake at nilaro ang hawak na kutsilyo sa kamay.
Tahimik parin ang lalake. Nakapamulsa siya at nakayuko. Tila bingi ito.
"Hoy! Nakikinig ka ba?!" naiinis at naiinip na tawag ng isa. Aatake na sana ito ngunit hinawakan siya sa kaliwang braso ng kasama at pinigilan. Ang mukhang leader nila ang sunod na nagsalita.
"Ang mabuti pa ibigay mo na ang hawak mo kung ayaw mong---"
"Bakit ko ibibigay?" it was the first time he let out a voice. A deep and calming voice. Calming in the most dangerous sense. I heard him chuckled. "Kunin n'yo kung gusto n'yo."
BINABASA MO ANG
Peritia Academy
FantasyAbilities. Beasts. A game. A mind-boggling mystery. An extraordinary twist. Get ready to be enthralled. Fantasy/Mystery-Thriller/Action/Comedy Date Started: June 25, 2017 Date Completed: ___