One shots

300 14 7
                                    

Title: THE BUS

Bus yan ang lagi kung sinasakyan para makapunta sa school at dyan rin ako nakakakita ng iba't ibang klase ng tao. May nagrereview, nakatunganga, natutulog o kaya naman nakikinig ng music using their earphones.

Isa na ako dyan sa taong laging gumagamit ng earphones pero minsan ginagawa ko lang itong palamuti para isipin nila na nakikinig ako ng music kahit hindi.

Isang araw sumakay ako ng bus at dahil mapupuno na ito ay di na ako nakapili ng pwesto at tumabi nalang ako sa babae na tulad ko ring mag-aaral at pagkaupo ko siya namang tabi ng lalaki sa akin dahil yun nalang ang vacant sit.

On the way papuntang school ay nakatingin lang ako sa bintana at may nakapasak na earphones sa aking mga tenga subalit walang music na lumalabas dahil hindi ko inon. Maya maya nakarinig nanaman ako ng kanta na lagi kung naririnig pag M-W-F. Ang ganda ng boses. Alam kung hindi galing yun sa radio kundi sa katabi ko at minsan naman naririnig ko ang boses na naririnig ko ngayon sa likod ko. Na pag sa likod ko naririnig e medyo mahina pero nakakapagpagaan pa rin ng pakiramdam.

Pinikit ko ang mga mata ko para lasapin at isapuso ang magandang tinig na naririnig ko hanggang matapos at siya namang dating ng conductor para kunin ang pamasahe namin.

Pinakalabit sa akin ng conductor ang babaeng katabi ko dahil tulog ito at sa di inaasahan tulo pa laway nito. Nagulat ito sa paggising ko sa kanya at agad agad na pinunasan ang laway na lumabas sa bibig niya. Pinipilit kung wag tumawa sa nakita ko dahil baka mapahiya ang babae.

Kinabukasan ulit ay maaga akung pumasok at paalis na ang bus at nakita ko ang lalaking lagi kung napapansin dahil na rin siguro sa taglay nitong kakisigan at kagwapuhan. Samahan pa ng lagi ko siyang nakikita sa school dahil iisa lang ang aming department.

Nakita ko siyang nakatingin sa akin kaya naman agad akong nag iwas ng tingin dahil ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang tinititigan ako. I feel awkward.

Sa school

Sinalubong agad ako ng bestfriend ko na si Summer.

"Good morning Cyrill."

"Morning rin Sum." tugon ko naman.

"Payag ka na ba na makilala yung nirereto ko sayo?"

"Summer naman. Ayoko talaga."

"Subukan mo lang Cyrill. I tell you magugustuhan mo rin siya. Hindi mo ba alam na love at first sight siya sayo---"

"at simula noon na sayo na ang atensyon ng pinsan ko. Lagi siyang nakatanaw sayo sa malayo at nakatanaw nga siya ngayon." Putol kung sabi sa litanya niya at pinagpatuloy ko.

"Naman e!"

"kasi naman para kang sirang plaka sa litanya mong yan! Nakabisado ko na. -_-."

"pero totoo ang sinasabi ko sayo. Bigyan mo kasi siya ng chance para naman makilala siya."

"Ok fine tomorrow after class." sabi ko nalang dahil ang kulit ng bestfriend niya.

Kinabukasan maaga ulit akong pumasok at saktong unti palang ang tao sa bus. Pinili ko ang pangdalawahang upuan at umupo na sa window side. Maya maya may kumalabit sa akin at nagtanong ito

"Miss may nakaupo ba dito?"sabi ng parang paos ang boses

"Wala." sabi ko na walang tingin tingin sa nagsabi dahil kinakalikot ko ang phone ko. Naghahanap ako ng song at ng makahanap na ko ng song ay tumingin na ulit ako sa labas habang nakikinig ng music.

At ng mapuno na ang bus ay pinaandar na ng driver ito pero nakailang start pa bago ito mapaandar. Tahimik lang ako habang nakatanaw sa labas at pinatay ko na ang pinapamusic ko kanina dahil inaasahan kung maririnig ko ulit ang magandang boses pero kalagitnaan palang ang nababaybay namin papunta sa school ay wala pa rin akung naririnig na boses niya na kinalungkot ko naman. Maya maya imbis na magandang boses ang narinig ko ay mga iyakan at sigawan ang narinig ko dahil super bilis ng bus sa pagpapatakbo at nawawalan ng control ang driver.

"Huminahon po tayo. Walang magagawa ang pagpapanic." kondoktor pero sinimulan na akung kabahan. at maya maya maya may naramdaman akung yumakap sa akin at nawalan na ko ng malay.

Sa Hospital.

Nagising ako ng masakit ang ulo ko pero laking gulat ko rin ng may makita akong kamay na nakahawak sa kamay ko.

"Gising ka na pala. Im glad that your safe." Lalaki na nakahawak sa kamay ko.

"Who told you to hold my hand?" mahina pero mariin kung sabi.

"So-sorry." sabi niya na biglang bitaw sa kamay ko.

"Ba't ako nandito?"

"Hindi mo ba naalala nawalan ng break ang bus na sinasakyan natin at sad to say namatay ang ilan sa atin buti nakaligtas tayo."

"Na-naaalala ko na. Ikaw ba ang nagligtas sa akin at yumakap sakin para maligtas ako?"

"Ako nga."

"Salamat. Cyrill here."

"Alam ko."

"Huh?"

"Nakita ko sa I.d mo. Im Alex." Pagkasabi nyang yun ay nagshade hands kami.

Ng mabalitaan ng parents ko ang nangyari ay agad silang nagpunta sa hospital at siya namang alis ni Alex.

Sa araw na rin yun ay buong magdamag ako di nakapasok at di nakasipot sa sinasabi ng bestfriend ko na imeet ko daw ang pinsan niya.

One week after.

Nasa garden ako at nakikinig ng music while sketching.

"Ano ba yan! nalowbat pa!" sabi ko sa cp ko dahil nagshoutdown na. Di kasi ito nakacharge kaya dahil doon nawalan na ko ng gana na magdrawing. Inaayos ko na ang gamit ko ng may marinig akong familiar na boses.

Ang boses na naririnig ko tuwing sumasakay ako ng Bus. Tumingin ako sa paligid pero wala akong makita tao kaya sinundan ko ang boses na yun at hanggang sa makita ko ang lalaki na katalikod sa akin na kumakanta at naggigitara. Pinakinggan ko lang ito hanggang matapos.

"Kelan mo ba ako mapapansin at ang mga kanta ko sayo Cyrill Panganiban?" nagulat ako dahil pangalan ko ang binanggit niya.

"Cyrill Panganiban! Sana naririnig mo ang puso ko na ang pangalan mo ang tinitibok." sigaw niya.

"A-ako ba ang tinutukoy mo?" utal kung sabi at unti unti siyang tumingin sa akin.

"CYRILL?"

"ALEX?" sabay naming sabi.

"Na-narinig mo ang lahat?" imbis na sumagot ako tumango nalang ako.

"Sorry kung di ko man masabi ng harapan sayo. At di nadaan nalang sa kanta pag nakakasakay ka. Alam ko naman na hindi mo maririnig ang mga kanta ko e kasi lagi kang nakaheadset."

"Lagi nga akong nakaheadset pero simula nung marinig ko ang maganda mong boses mo one time sa bus. Lagi ko na to hinahanap. At lagi ko itong naririnig dahil hindi naman ako nagpapamusic tuwing M-W-F dahil hinihintay kong kumanta ka."

"Nakakalungkot nga nong muntik na tayong madisgrasya wala akung narinig na tinig mo at ngayon ko nalang ulit narinig ang boses mo."

"Sorry paos kasi ako nun kaya di ako makakanta at kagagaling lang."

Wala ng nagsalita sa amin hangga't may sumigaw.

"Cy kilala muna ang pinsan ko?" Sabi ni Summer.

"Siya yung pinsan mo? O_O"

"Oo. siya yung sinasabi kung nalove at first sight sayo." sa sinabi ni Summer ay ikinapula naman ng mukha ko at ganon rin si Alex.

"Cyrill please give me a chance to show my feeling for you." sabi niya sabay hawak sa kamay ko at sa di ko alam na dahilan napatango nalang ako.

Siya ang lalaking lagi kung napapansin, pinsan ng bestfriend ko at ang hinahanap hanap ng puso ko dahil sa kanta niya at siya ang dahilan kung bakit gustong gusto kung sumakay ng bus.

THE END

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

misx_inn0cent note:

Sa gusto pa ng more oneshot post nalang kayo sa mb o kaya sa gusto magpadedicate sa next oneshot na ipopost ulit.

Support me.

Do vote and comment.

WAIT THE NEXT ONESHOT ^_^v

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon