Chapter 21

116 3 0
                                    



Arzella Leonis POV


Jusko po! Totoo ba ito?! Hindi ba ako nag da-day dream lang?! As in mapapasama talaga ako sa isang big movie?! At si Drey pa mismo ang magiging partner ko?! Waaaaaaaaaaaaaaaa!


Alam nyo yung piling na para bang nakalutang sa ere yung mga paa ko sa sobrang pagka brainstorm ng utak ko! Kase hindi parin ako makapaniwala na bibigyan ako ng ganitong klase ng big break sa buhay ko!


For sure maraming tao ang magugulat once na malaman nila na ako ang pumalit sa sikat na si Crystal! At higit sa lahat, si Drey Caelan lang naman mismo ang nag rekomenda saken!


Bonga ka girl! Kaloka! Ito na yun! Tiyak na mas makikilala ka oras na lumabas na yang movie na yan!


At para makasigurado ako na hindi nga ako nanaginip lang ng gising. Talagang sinampal-sampal ko pa yung sarili ko sa gulat ng babaeng make up artist na nag aayos saken ngayon.


"Sorry. Gusto ko lang kaseng I-sure sa sarili kong totoo bang nangyayare to." Paliwanag ko sabay ngiti dito.


Nakita ko na nag taas sandali ito ng isang kilay niya, pero maya-maya lang ngumiti rin ito.


"Good luck." Sabi niya pagkatapos pagkuwan ay umalis na ito ng matapos siya sa pag aayos saken.


Huminga pa ako ng malalim, pagkatapos pinakatitigan ko yung sarili ko sa harap ng salamin.


"Knock knock!" Narinig ko yung boses ni Kero sa may labas.


Pagkuwan ay pumasok na ito at nakangising pinagmamasdan ako mula sa may salamin.


"Ano? Ready kana!" Aniya.


"Seryoso ba talaga si Sir Drey? Baka naman pinagti-trip-an lang talaga niya ako, ha?!" Pagsisigurong tanong ko.


Kase kung pinagti-trip-an lang ako nito ngayon. Ang mabuti pa sabihin na kaagad saken ni Kero. Kase baka mamaya niyan, kung kailan bigay na bigay na ako sa pag acting ko mamaya eh, saka pa sasabihin saken ni Drey na biro lang yung ginawa niyang pag suggest saken bilang kapalit ni Crystal!


"Mukha bang nasa nature ni Drey ang mag biro?! Ikaw talaga! Seryoso yun ng sinabi niya sa direktor na ikaw na lang ang kuhaning kapalit ni Crystal! Ayaw mo ba non?! Tiyak makilala ka pang lalo, oras na malabas to sa sinehan! Ano? Kabisado mo na ba yung script mo?" Anito.


Kinakabahan na tumango ako dito.


"O-Oo! Kinabisado ko na habang inaayusan ako kanina."


"Good! O panu. Halika na! Oras na para isalang ka sa scenes mo. Nga pala, ayos lang ba sayo kung may kasamang kissing scenes yung mga eksena mo kay.... Drey? If ever lang naman na I-insist yun ni Direk sainyo?"

The Wolverian Prince & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon