Arzella Leonis POV
Dalawang araw na ang nakakalipas ng mag balik kami nila Drey dito sa Lestallum. At sa loob ng dalawang araw na iyon.
Sinabihan ako nito na huwag muna akong pupunta sa Condo unit nito para mag silbi dito. Bagay na maayos ko namang sinunod. Kahit na ang totoo.... Gustong gusto ko ng puntahan ito at alamin kung bakit bigla-bigla, nag iba nanaman ang pakikitungo nito saken?
Kumbaga yung nagsisimula palang na closeness naming dalawa. Sa isang iglap nawala ng dahil sa nangyareng yun, nong mag sayaw kami nitong dalawa.
Para bang mayroon akong nagawang mali, para umiwas ito at maging malamig saken bigla! At habang pinagpapatuloy namin yung pag sho-shoot sa mga huling eksena namin sa movie. Piling ko para bang napipilitan na lang itong ipagpatuloy yun, kaya naman maski na ako.... Nawalan na rin ng interes, pero dahil nasimulan ko na. Wala na akong choice kundi pagtiisan yun.
At katulad nga ng sinabi ni Kero, hiniling nga saamin ni Direk na mag kiss kami ni Drey. Pero sa pagkadismaya ko. Hindi ito pumayag at sinabi na mas mainam daw na wala kaming kiss nito sa mga scenes namin.
Para bang iwas na iwas ito saken. Alam nyo yun? Hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla-bigla nag iba ang ihip nito towards saken. Maayos na kami nito eh, tapos..... Haaaaaaaaaay! Hindi ko alam kung papaano ko ba ipapaliwanag! Dahil maski na ako gulong gulo!
Bakit ba kase ang hirap-hirap nitong unawain?! Talaga? Mahirap ba talaga siyang unawain Zella?! For sure may ibang dahilan kung bakit nagkaganyan si Drey sayo!
Kaya naman ng makatanggap ako ng message mula dito. Ganoon na lang ang pagbangon ng saya sa puso ko. At halos magmadali pa ako sa pagpunta dito ng sabihin nito na pumunta ako ngayon din sa condo unit nito.
Para lang madismaya ng si Keroshino ang humarap saken.
"Nasaan si Sir Drey?" Matabang na tanong ko sakanya.
At kahit sinabi na saken ni Kero na wala ito, nagbabakasakale parin ako na nilibot ko yung tingin ko sa paligid-ligid nitong condo niya.
"I told you.... Wala siya dito ngayon." Ani Kero.
Matamlay na tumingin ako sakanya.
"May nagawa ba akong mali? Bakit piling ko parang.... Lumayo siya saken bigla?" Tanong ko.
Nakita ko na nagkamot ng batok si Kero.
"For sure iniisip nanaman niya yung ex niya. Alam mo kase may time talaga si Drey na.... Piling niya mayroon siyang nagagawang mali. Yun bang tipo na nagtataksil siya sa ex niya. Ah basta! Nahihirapan akong I-explain sayo eh. Baka kase mamali ako ng conclusion ko." Anito.
"Eh anong kinalaman ko? Bakit siya lalayo saken, dahil lang naisip niya yung ex niya?" Nagugulumihan na tanong ko ulit dito.
BINABASA MO ANG
The Wolverian Prince & Me
AcakBata palang si Arzella, pangarap na talaga niya ang maging isang sikat na artista. Kaya naman lahat gagawin niya para lang matupad ang pangarap niyang iyon. Kaso kung kailan abot kamay na sana niya ang pangarap niya. Bigla namang dumating si Dreyd...