Arzella Leonis POV
Hindi ko pa masyadong minumulat yung mga mata ko, napapikit ulit ako. Paano ba naman kase, saksakan ng liwanag sa buong paligid nitong kuwartong inuukupa ko! Nanghihina panga yung pakiramdam ko at para bang hinahalukay parin yung sikmura ko.... Piling ko parang mas lalo akong magkakasakit sa lugar na ito!
Nasaan ba ako at parang hindi ko naman yata kilala ang kuwartong kinaroroonan ko ngayon? Naligaw nanaman ba ako sa kung saan, kaya hindi ko alam kung nasaan ako? Pero imposible naman di ba? Parang wala naman yata ako sa mga panaginip ko!
Sa katunayan nga niyan, parang may masakit na nakatusok na kung ano sa isang kamay ko. Kaya kahit mahilo-hilo ako sa sobrang liwanag ng kuwartong kinaroroonan ko. Tinignan ko kung ano ba yung nakatusok sa isang kamay ko.
Pero bago ko pa matignan yun, narinig ko na mayroong bumukas na pinto. Kaya naman doon nabaling ang tingin ko.
"Gising kana pala. Ano? Kamusta ang pakiramdam mo?" Nag aalalang tanong ni Ate Misia.
Hindi kaagad ako nakasagot sa tinatanong niya. Kase iniisip ko kung ano ba yung huling nangyari saakin?
"Pagkatapos mong magsusuka sa loob ng banyo, hinimatay ka. Nakalimutan mo na?" Tila ba nabasa ni Ate Misia yung iniisip ko.
"Ow? Talaga! Hinimatay ako?!" Parang tangang tanong ko pa sakanya.
Nakita ko na napailing-iling si Ate Misia, pagkuwan ay lumapit ito saakin.
"Pinag-alala mo ko kanina! Alam mo ba yun! Kaya nga sa sobrang pagkataranta ko. Isinugod kita kaagad dito sa ospital. Habang wala kang malay, gumawa na ng ilang random test sayo ang doktor na tumingin sa kondisyon mo. So maya-maya lang, malalaman natin kung bakit ka biglang nasuka at nahimatay kanina." Aniya.
Pero napansin ko na parang nag iisip ito. Parang may kung anong nabubuong hinala sa isip nito habang pinagmamasdan ako. Tuloy para naman akong kinabahan sa klase ng tingin nito.
"Ano bang klaseng tingin yan, Ate Misia?" Mahinang tanong ko sakanya.
Hindi sumagot kaagad si Ate Misia, bagkus naupo ito sa gilid ng kamang hinihigaan ko.
"Magtapat ka nga saken, Arzella.... For sure, dahil diyan sa linya ng career mo. Hindi na ako magtataka kung nagagawa mo na rin ang bagay na yun. And besides.... Marami ka ring naging boyfriend dati. And who knows... Baka mayroon ka nanamang inililihim saamin." Sabi niya pagkuwan.
Biglang kumunot yung noo ko. Hindi kase kaagad nag sink in sa utak ko yung sinabi nito.
"Ano ba ang sinasabi mo, Ate Misia?" Tanong ko na ng hindi ko talaga makuha ang gusto nitong tumbukin.
BINABASA MO ANG
The Wolverian Prince & Me
РазноеBata palang si Arzella, pangarap na talaga niya ang maging isang sikat na artista. Kaya naman lahat gagawin niya para lang matupad ang pangarap niyang iyon. Kaso kung kailan abot kamay na sana niya ang pangarap niya. Bigla namang dumating si Dreyd...